Tuesday, August 16, 2011

Duster

Habang naglalakad ako kanina from Edsa Ayala, binaybay ang Ayala Ave, patungo Dela Rosa.. At ng maka abot ako ng SPI Makai, doon ko naramdaman ang masarap na ihip ng hangin sa aking pisngi, sa aking balat. And then I realized pawis na pawis na pala ako. Sino ba naman hindi mapapawisan sa init at sa layo ng lalakarin. At mas lalong papawisan ka ng bongga pag nagmamadali ka. mabilis na lakad na animoy walking run.. Pero inisasaisip ko lang na exercise ko ito. Para naman hindi sumama ang loob ko. Nakatipid kana, nag exercise kapa. Bongga!

At dahil narasapan ako sa hangin, at napansin ko ang aking pawis naisipan ko na gumamit ng footbridge instead na maglakad sa baba. At nang pa akyat ako ng footbridge nag sisipol ako. Animoy tumatawag sa hangin. Hindi naman ganun ka effective pero prang nakaugalian ko na mag sipol pag naiinitan. And I continue walking.. and I realized.. Maganda pala gumamit ng footbridge lalo na yung may cover, aside sa hnd ka maiinitan, ang hangin naman ay tumutuyo sa pawisan mong katawan... isama mo na ang pawisan na kili-kili.. Yes! tinataas-taas ko ang aking kamay para namn pumasok ang hangin sa aking sleeves at syempre.. matuyo kahit onti ang aking namamasang kili-kili... And I suddenly thought.. Gusto ko mag suot ng duster.. yung presko.. yung cotton.. yung malamig suotin... at naisip ko.. sana.. pwede magduster sa office. Kung pwede lang talaga magsusuot ako. Yung parang feeling mo summer lang na naglalakad ka at nagsto-strolling.. pero actually papunta talaga ng office. Presko ang feeling at magaan.

Kelan kaya magiging pwede ang duster sa Office?


5 comments:

  1. hey k0tz, salamat sa walang sawang pagsubaybay sa aking blog... kasi ako mismong blog owner nagsasawa na. hintay pa kasi ako ng pwedeng ikwento na masaya.

    lam mo pwede ka namang mag duster kahit saan, keber ba nila di ba, kung dun ka pinaka-komportable at masaya. pwede mo naman siyang gawing hip and stylish. malay mo maging trend setter ka pa. :)

    ReplyDelete
  2. @Myrtea hahaha.. naiintriga ako sa blog mo e. and at some point nakakarelate dn naman..

    just keep on writing and i'll keep on reading... =).
    wag ka sana magsawa sa pagsulat. hehehe. este type pala.. and ingat lagi!^_^

    ReplyDelete
  3. may kakilala ako pwede magshorts at slippers sa office nila...

    ReplyDelete
  4. hey k0tz, minsan kasi naghahanap ako ng makakausap. add me up on ur ym list: pjrocks10
    thanks

    ReplyDelete
  5. ay. pasensya na.. minsan lang ako nagbubukas ng blog. hehehe.. kung trip ko lang magsulat.. at magbuhos ng kung anu man.. hehehe..

    @Glentot
    sa Enterprise Bldg ba yan? hahaha.. may kilala ako dun. libre inuman daw dun! daily! hahaha. alam ko mobile apps sila e.. IT ka dn dba? oo nga pala.. kaibigan ka ng officemate ko. hahaha

    @Myrtea na add ko na. pa confirm nalang. =). hehehe.. thanks!

    ReplyDelete