Wednesday, October 12, 2011

Boss Kasi

DRAFT
Have you had any experience with suck ass bosses?

Well, I did. TWICE! and same Company.
 Sa previous company ko ito.

Yung tipong very unprofessional ang treatment?
Yung tipong mararamdaman mo ang ka plastikan talaga?
Yung tipong boss pero parang ang bobo ng dating nila?
Yung tipong boss mo pero ilalaglag ka?
Yung tipong boss na hindi marunong tingnan ang effort ng emplayado nya?
Yung tipong boss na hnd kaya tanggapin ang mali?
Yung tipong boss na masyadong feelingero / feelingera?
Yung tipong boss na ayaw nalalamangan ng subordinates nya?

well, YUN SILA!

Isang mapait na karanasan ko sa dati kong company.

here is my experience:

I was assigned to do tasks that aren't for me. Meaning yung task ko is not for my assigned position. But It was Ok with me. I know hindi ko dn naman forte yon, pero I tried. I volunteer kung walang may available na gagawa. I stay late to make phone calls to our US counterparts.Kahit na pinapagalitan na ako ng tatay ko kasi sobra dose oras na ako sa office (workaholic dba? actually hindi nagfafacebook lang yan. hehehe joke.) Nagseset ako ng time para matawagan ang taga US kahit na hindi ko naman task yun, at hindi ko rin concerns ang issues na I need to convey or to verify. Sa kanila yun, pero dahil yung ibang kasama ko may mga gagawin or needs to go early, inaako ko na. And it isn't even charged as OT or offset. Thank You lang. Free efforts nga.

And actually hindi sya ang boss ko. Kundi yung dev lead. Under parin ako sa dev lead and the product manager. And I was not even part of their team, kasi QA sila, at ako dapat under sa dev lead (paulit-ulit parang sirang plaka..)

I can't say I was stubborn kasi lahat naman ng sinasabi gnagawa ko. kahit not part of the office task like bumili ng ice cream kahit tirik ang araw at maglalakad lang ginagawa ko.

Then came the time hindi na sya namamansin. Lahat ng katabi ko pinapansin nya. Ako lang hindi. Hindi rin nya ako sinasama sa meeting. Hindi rin nya ako sinasama sa mga calls. Before all these sinabihan nya ako na ibabalik na daw nya ako sa boss ko.   that I'll be doing BA work na. That I need to email the product manager for my task. At natuwa naman ako dun kasi yun talaga ang gusto ko at yun naman talaga ng position ko.

I felt weird that day na napansin ko dinaanan lang nya ako at yung next sakin and so on na mga kahelera ko, na kasama ko sa task pinansin nya isa isa. Tinatawag by name at MALAKAS ang boses na parang nagpapapansin. Na napansin ko namn..I didn't mind it. Hinayaan ko lang. Ilang days dumaan na paulit ulit same thing and i felt really weird na talaga. Na something is wrong. And a month before my 6th month tinawag ako ng HR.

Sabi nya ibibigay na daw nya ang Evaluation ko. and the sad part is. "I FAILED."
and I said, "How?" and.. "ah.. OK.."
parang yun lang nasabi ko.
Tiningnan ko ang evaluation shit, este sheet na nakaka bullshit talaga!
Binasa ko ang evaluation sakin. isa lang ang pasado ko. at 5 pa. A 1-10 rating..  that is my Communication skills. Pasang-awa.. sabi I have good communication skills daw kasi may Call center training ako. Punuri nga pero binawi pa!!! I greatly disagree sa sinabi na yun. I talk and speak this way dahil ganito talaga ako. before I had a chance to work sa call center ganito na talaga ako magsalita. May accent, sabi nga nila. and I did not get that from call center training (Kaya nga ang dami kung fans! Charz! kahit ang amboy na Fiance ng ate ko natutuwa dn sakin magsalita! Naks! magka-accent kami? ahihihi) Wla akong 1month sa work na yun kasi I find it really boring.
Yun lang talaga ang positive. Negative is hindi ko daw kaya ang QA task at hnd daw ako keen sa details. etc.

Binasa ko ang scoring ng evaluation.
10 which is the highest. 1 the lowest.
cleanliness = 2
willingness to accept task = 2
friendliness =3
Ibig sabihin mataray ata ako, dugyot na tao, at tamad!!
Hind ko tlaga matanggap yun!
Ako na nagvovolunteer to do task na assigned sa iba?
Ako Dugyot? Malinis ang mesa ko! at hnd ako nagkakalat! At malinis ako!!! Naliligo ako araw-araw!
Hindi friendly? Lahat sa office Ok ako, except sa kanya at sa sidekick nya na hindi namamansin.Na feelingera din na may ugaling kalye na feeling rich at na feeling maganda sa long hair nya, Pero bobo naman! super!!! (na ha-highblood tuloy ako. inhale. exhale..)

"Ano to?" sabi ko lng sa sarili ko.
Hindi yun about QA. pero kahit yun bagsak ako? Hinayaan ko nalang lahat. I was given a month nalang to find a job. meaning tanggal na talaga ako sa work. What did I do wrong to deserve this?(drama)

Nagtanong sakin ang HR kung nasabi na sakin yun, kung na explain naba yun sakin. Sabi ko I dont have any idea about it, At bakit ganun ang nakuha ko. Ni hindi manlang ini-explain sakin bakit yun lang ang score ko.

2 weeks after, kinausap ko ang dev lead namin.(magpapaalam na ako. sad =( ) I asked kung alam ba nya na mag end na ako. sad is WALA SYANG IDEA!!!!. Nagulat sya ng sinabi ko. I told him everything. At hnd ko na napigilan, umiiyak na ako. He said nagpasa rin daw sya ng rating nya, pero hindi na nabigay sakin yun. It's as if hindi nagmatter ang kanyang decisions. Which to him, I passed, and its was all Ok kasi unti unti ko nang nakakabisado ang system, pero wla na rin sya magawa dun, tsaka nag perma na rin ako na mag end na ako.

A day before sa last day ko, kinausap ako ng hitad na Boss na naglaglag sakin. Asking me baka nagalit daw ako. at baka sumama daw loob ko, (Like hello! Sino ba hindi? e hindi nga makatarungan ang ginagawa nya.) Ako dahil mabait masyado,(yes it's trulalu!!) sabi ko lang Ok lang po. And she told me na inutusan lang daw sya na i-rate ako. Pero alam nya daw na hindi naman daw dapat sya ang mag rate.(HINDI NAMAN TALAGA!!!!) Ang plastic nya! sobrang plastic nya!!! (inhale... exhale..) Marami na syang ginanun na QA, those na hnd nya feel ibabagsak nya.. pero ok lang. what is done is done.


to be continued....

para sa isa pang suck ass boss..











2 comments:

  1. Looking at the bright side, malamang you wouldn't wanna work rin with a boss like that. Although panget ang may experience na na-terminate lalo na sa working history, just stay positive about it. Go!

    ReplyDelete
  2. @glentot
    I agree. With regards sa working history, Sabi ng HR hindi namn daw nya sasabihin incase may Background check, if they would, masisira company nila. Although onti-onti narin nagiging madumi ang name ng company. Problema na nila yun.

    ReplyDelete