Wednesday, September 10, 2014

STRESS OVERLOAD

Sa 5years kung work experience ngayon lang ako naka pag sick leave ng mahabang mahaba. 6 Days straight! Ang average sick leave consumption ko lang dati ay 1 day a year. Yes! 1 Day a Year! Pag wala pang sick leave my bonus kapa! Pero simula ng lumipat ako dito sa aking lupang tinubuan, after working away for 3 years. Mas naging sakitin ako. Dito ako nagka develop ng allergic rhinitis. I don't know why, or how. E kung iisipin mo nga its 50% less pollution, and 50% less traffic. Diba?

2 Weeks ago nagkasakit ako, hindi ko alam kung anu ang name ng sakit pero nilagnat ako ng 6 days, and on the 3rd day nagkaroon ako ng rashes sa buong katawan. As in covered ako ng rashes.. Akala mo rashes na tinubuan ng tao! May gulay! Nasira ang balat ko! Naks! Punong-puno ako ng rashes. Malalaki sila at mapupula.. Hindi naman makati, pero sabi ng doctor ko nakakahawa daw yun. Kaya hindi ako pinayagan pumasok kasi mahahawaan ko sila sa office. Babalik lang ako pag nagsubside na ang rashes ko. After 6 working days bumalik na ako ng office, kasi sayang ang absent ko.

Sadly, pagbalik ko sa office nag-inquire ako sa HR regarding sa leaves ko, ang sabi I only have 2.5 VL and 2.5 SL kasi nag one year ako ng June, at yun lang ang ma-aavail ko. Panu na ang June to August ko? Wala ba akong credits dun? Sadly, wala raw. Kasi yun ang rules nila of accrual. Like What????? Makaka-avail lang ako ng 10VL and 10SL kung January ako nag 1 year, at dahil hindi, Next year ko pa makukuha yun. Kaloka diba? As in sobrang naloka talaga ako sa rules nila. Which means 5days lang ang pwede kung i-apply na leave, at ang 1day, is LEAVE WITHOUT PAY. What???? Wala na nga akong benefits, gastos ko lahat sa medical and medicines, wala manlang medical reimbursement, or kahit Medicard manlang para mabawasan ang gastos ko na almost 6k rin. And now may bawas pa ako kasi kulang ang available leaves ko to cover may absences dahil nagkasakit ako. Anung kalupitan ito? Wala nga ring OT pay kahit inuumaga na ng uwi sa kakawork kasi urgent need. Well, lagi namang urgent ang need nila. Pero sige lang. Work lang ng work, para sa ikakaunlad ng kompanya. Pero, panu naman ako? I'm giving too much pero wala naman akong nakukuhang kapalit? kahit tamang SL and VL lang naman sana. Kahit may sakit ako, I try to be online to check on kung may kailangan sila, and syempre to supervise na rin.

Lahat ang employee ang kailangan mag process ng TIN, SSS, PAG-IBIG and Philhealth Numbers? Ok, ilang kompanya ba ito? Ilang tao ba meron lahat? E bakit sa malalaking kompanya sila ang bahala dito? Ang dami dami nga nila?

I'm not the type to complain, pero minsan kailangan talaga. So far, ito ang pinaka. As In super mega stressful na work environment ever! Yung tipong mga gulo sa sister companies nadadamay kayo. May mga employees na malalaki masyado ang ulo. Lahat palaging instant, and laging urgent. Lahat ng task on 1st priority. E anu na ang uunahin ko? May mga taong pasikat masyado pero hindi naman kaya panindigan ang mga sinabi at mang-iiwan lang sa ere. Noong una wala pa masyadong direksyon, lahat nang project gusto gawin. Hindi na malaman kung ano ba talaga ang gustong direksyon? Buti na ngayon meron na. At may sariling focus na rin.

Hindi ko rin alam kung anu ba talaga ang hinahanap nila sa isang employee, or sa isang applicant? Pag na badshot sila or nagkapagbigay ka ng bad-impression, mag-ingat kana baka kasi mawala kana ng bigla.

Ang daming demands, ang daming boss. Sino ba dapat sundin? Alam nyo ba ang pinagsasabi nyo? Request ng request, hindi manlang iniisip ang outcome nito. Magkaka-issue ba tayo dito o hindi? Hindi manlang ina-asses ang legalities ng mga bagay-bagay. Kahit mag keep track lang naman sana ng important emails, mahirap ba? kailangan pauulit-ulit e send? Ok na kay ganito, kay ganito naman hindi. Ok na yan, maganda na yan, ang ending papalitan lahat. Gusto ng visuals, pero wala manlang description kung anung klaseng visuals. Tapos ang ending, hindi pala type ang napili mo. Masyadong wordy... gawing more visuals. Teka, maiintindihan kaya? Pero sige lang, go lang.. Para to sa success ng lahat!

Teka? lahat ba talaga?

Unti-unti na akong napapa-isip kung tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba ang pagtanggap ko nito? Tama ba ang paglipat ko dito? Tama ba ang ipagpalit ang maraming opportunities, mas malaking sahod, at Not so stressful work life? Ipagpalit ang balance work-life? Yung tipong 5days lang ang work, from 9am-7pm lang. Walang work sa bahay. Pahinga sa weekend and holidays, 14th Month Bonus, medical reimbursements, Clothing Allowance, and Medicard, 12VL, 12SL, OT allowance plus offSet Hours na pwedeng gamitin as Leaves? Syempre ipagpalit ang stressfull and over traffic na City?

Pag may offer ba pabalik dun, kailangan ko bang patusin? Ano na ba ang gagawin ko? Pagpapatuloy lang ba? O Maghahanap na ng iba? Or Kailangan ba matirang matibay pa?

Konting benefits lang naman sana. Kahit SL at VL lang. Nakapagbakasyon nga ako last time, pero bawas pa sa sahod ko ang dalawang araw na absent ko, e 11months na akon nagtatrabaho, at 5 months na akong regular noon, pero wala paring VL. Bawas parin. Buti noon wala akong binabayaran.. E ngayon na may binabayaran na ako, 60% ng sahod ko napupunta dun, yung iba sa bills sa bahay, wala na ngang natitira sa sahod ko, kulang pa nga yun pang allowance ko, ang hirap talaga. Tapos may kaltas ka pa?

Kaka-stess talaga. Stress kana sa work environment, stress ka pa sa rules.

Panu na ngayon?





Monday, May 5, 2014

LET IT GO! LAD-LAD NA!

Isa sa mga kantang patok na patok ngayon ay ang kantang "Let It Go" from the movie Frozen. I have to admit I also like the song, pero pangalawa lang sa "Do you want to Build a Snowman". Lol.

Ang Let It Go ay isa sa may pinaka maraming Translation na kanta. lalo na sa Filipino Version. May kanya-kanya pang language per province. Aside sa per province na translation meron rin syang sariling Beke version.. O dba? Bongga!

Kahit ako rin mismo e napapakanta tuwing napapakinggan ko ang kantang ito. (Let It GO! LEt Go!!) And I'm thinking yung mga "REAL" or say straight men napapakanta rin ba tuwing napapakinggan ito?

I've asked a few friends regarding their opinion sa kantang ito. Maraming nagsasabi na maganda ang song.. Maganda rin ang lyrics ng song. Pero ang main question ko is "Kung ito ang favorite song ng isang lalaki, anu ang masasabi mo sa kanya?" And the usual answer I got is, "baka bading sya?" or "may pinagdadaanan?"

Ang lahat ay nagsimula sa isang pangyayari.. Isang araw habang nasa work. Tumayo ako para mag CR. Syempre pag nasa office laging naka earphones ang mga tao. Parang kanya-kanyang mondo lang. Nang tumayo na ako ay may naririnig akong mahina as in sobrang mahina na tugtug ng let it go, at may kumakanta nito. Tunog babae sya.. at ang hina rin. yug tipong iniipit nya yung boses nya. Doon ako nahiwagaan kung sino yung kumakantang yun. Akala ko una yung isang babae sa kabilang area, pero sobrang hina ng boses para manggaling doon. Nag pm pa ako sa skype ng isang QA namin na babae kung naririnig ba nya ang boses na kumakanta ng LEt it Go. Sabi nya hindi raw kasi naka earphones sya. Pinakinggan ko ng maigi yung boses, After around 10mins na pagmamatyag! Ang aking pagsisikap ay nagkaroon rin ng bunga! at na trace ko sya!eureka! yung ka talikutan ko lang pala yung kumakanta.Yung lalaking QA namin. Ilang beses kung pinakinggan. At CONFEERM!! sya nga! At doon, medyo. slight... nagkaroon na kami ng pagdududa.. Ano ba talaga kuya? lol.

himay-himayin natin ang lyrics ng kanta.. kung paanung nasasabi na ang kantang "Let It Go" ay kantang pang beke.. at marami rin mga closet beke ang nahuhumaling sa kantang ito.. simulan na natin:



No offense sa mga gays out there. :)

The snow glows white on the mountain tonight
Not a footprint to be seen.
A kingdom of isolation,
and it looks like I'm the Queen
// sa loob bading talaga sya

The wind is howling like this swirling storm inside
//lakas na ng struggle nya sa pagsunod sa norm ng buhay..

Couldn't keep it in;
// hindi na nya kayang mag pretend pa.

Heaven knows I've tried
// alam ng langit na ilang years din nyang pinilipit na magpakalalaki

Don't let them in,
// wag silang papasukin sa room. baka makita ang kanyang mga tinatago na gown at make up and lipstic.

don't let them see
// wag ipakita ang tunay na kulay..

Be the good girl you always have to be
// Dito importante sa kanya ang image nya. Yung tipong perfect na anak na lalaki ng kanyang parents.

Conceal, don't feel,
// piliting mag pretend. piliting i-ignore ang totoong feelings.


don't let them know
// ayaw nya ipaalam sa kanila na eva talaga sya.

Well now they know
// kaso na nahalata parin kahit anung tago nya..

Let it go, let it go
// dito nag decide na sya na magladlad na.

Can't hold it back anymore
//  hindi na nya kayang pigilan ang bugso ng kanyang pusong babae.

Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

Turn away and slam the door
// move on na sa pagpepretend na isang boy.

I don't care
what they're going to say
// wapakels sa iniisip ng ibang tao.

Let the storm rage on.
// cge lang.. hayaan silang mangkutya sa kabadingan nya

The cold never bothered me anyway
// keribels parin naman kahit anu man ang sabihin nila sa kanya. Wala syang pake..

It's funny how some distance
// nakakatawa na antagal nyang tinago pa.

Makes everything seem small
// kaya dn pala nyang magpakatotoo.

And the fears that once controlled me
Can't get to me at all
// Dito nawala na ang dating takot nya. Dati takot sya sa sasabihin at sa gagawin ng iba kung malaman na bading talaga sya.

It's time to see what I can do
// oras na para makita ang pagiging creative ng isang beke

To test the limits and break through
// ipakita sa kanila ang kanyang tunay na kakayahan. at kung anu ang totoong sya

No right, no wrong, no rules for me,
// walang tama.. walang mali.. walang rules na kailangan sundin. hindi na kailangan maging good boy. or model child.

I'm free!
// this is it! ladlad na!


Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

I am one with the wind and sky
// isa na syang super sereyna Queen of the sky!

Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

You'll never see me cry
// hindi nya pagsisisihan ang palaladlad

Here I stand
And here I'll stay
Let the storm rage on
// kahit anung mangyari kahit bugbugin pa ng ibang mga tao. maglaladlad parin sya.


My power flurries through the air into the ground
// ramdam na ya ang kabadigan sa buong veins nya.

My soul is spiraling in frozen fractals all around
And one thought crystallizes like an icy blast
I'm never going back, the past is in the past
// past is past.. gay is gay..


Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

And I'll rise like the break of dawn
// ipapakita nya ang tunay na sya.. parang super sereyna lang.

Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

That perfect girl is gone
// wala na ang perfect na anak.or ang perfect guy na inaassume nila

Here I stand
In the light of day
// umaga-gabi maglaladlad sya. at sasali sya sa mga gay contest

Let the storm rage on
// cge lang.. hayaan silang mangkutya sa kabadingan nya

The cold never bothered me anyway!
// wa pakels.. ladlad lang. be happy!






QUESTION: Anu ang masasabi mo sa lalaki na "Let It Go" ang favorite song nya?

Monday, April 28, 2014

Tired

I've been feeling physically, mentally and emotionally tired lately..

I feel like I need a break. a break from work.. a break from all the stress at work.

Even just a day for myself where I don't need to worry about anything..

A day to be lazy and worry free, and away from the heat of the sun.

Or maybe even just a day at home. Where I won't be doing anything.

A Day where I can wake up late, or maybe not that late but a day where I can sleep early.

It'll be a day where I'll be dead asleep by 10PM. No task to worry for the next day.

A day with no activities that would include long walks. No travel whatsoever. Just plain lazy day.

Maybe watch movies or whatever is available on TV.

Have a lazy sleep in the afternoon for about 2 hours or more, not just a 15minute nap.

A day where I can indulge myself with books, just anything non-work related to read.

My weekend is busy, and so are my weekdays.

I wonder how other people can have a worry free life or maybe a worry free work, and I don't?

I wonder why I'm currently feeling this way?

Is this because I don't love my job anymore?

But I think I do. I feel like I do, and that I just need a break.

Ahhhhh!!!!!!!!!!! I really need a day like that.

And I'm thinking...

The next time I'll feel sick, I wont push my self to work.

Event if I still can make it. I'll just phone in sick and relax at home.

Ah! that seems to be an awesome idea for a break.

Maybe tomorrow? ;)


Tuesday, March 11, 2014

Beyond Forgetting

At dahil naging katuwaan na namin sa office na makining ng mga drama sa Bombo Radyo tuwing hapon, isa sa mga drama ay ang "My One Great Love". Kwento ng mga taong nakahanap ng wagas na pag-ibig. lol. Ang intro nito ay isang tula, na akala ko dati gawa-gawa lang nila, until ini google ko sya. (galing ni pareng google!). and i found this. gusto ko langs syang ishare. waley lang, para makapag upate lang. =).

 

Beyond Forgetting

by Rolando A. Carbonell 


For a moment I thought I could forget you.
For a moment I thought I could still the restlessness in my heart.
I thought the past could no longer haunt me – nor hurt me.
How wrong I was!
For the past, no matter how distant, is as much a part of me as life itself.
And you are part of that life. You are so much a part of me — of my dreams, my early hopes, my youth and my ambitions – that in all tasks I can’t help remembering you.
Many little delights and things remind me of you. Yes, I came. And would my pride mock my real feelings? Would the love song, the sweet and lovely smile on your face, be lost among the deepening shadows?
I have wanted to be alone. I thought I could make myself forget you In silence and in song… And yet I remembered.
For who could forget the memory of the once lovely, the once beautiful, the once happy world such as ours?
I came because the song that I kept through the years is waiting to be sung. I cannot sing it without you. The song when sung alone will lose the essence of its tune, because you and I had been one.
I have wanted this misery to end, because it is part of my restlessness. Can’t you understand? Can’t you divine the depth and tenderness of my feelings towards you?
Yes, can’t you see how I suffer in this even darkness without you?
You went away because you mistook my silence for indifference. But silence, my dear, is the language of my heart.
How could I essay the intensity of my love when silence speaks a more eloquent tone? But perhaps, you didn’t understand…
Remember, I came, because the gnawing loneliness is there and will be lost until the music is sung, until the poem is heard, until the silence is understood…until you come to me again.
For you alone can blend music and memory into one consuming ecstasy. You alone…

Sunday, January 12, 2014

Meet Blue Eyes

December 2013, meron kaming activity sa Church. A Day To Remember: It's All About Jesus.

Lahat ng young people ay nag-invite ng mga friends, classmates, and officemates for the said event.Aside doon nag invite rin sila ng mga bata na malapit sa area ranging from 12 years old and above. We had the event sa isang private beach. Hindi naman ganun ka wow and place pero good enough for a medium size event. At syempre pwede mag field games. But it wasn't just all games, meron rin sharing of God's word, and meron din paramihan ng memory verses per group. Syempre hindi mawawala dun ang kainan. we served lunch and syempre snacks. As always hindi nawawala ang signature food namin ang WTF, known asWHAT THE FOOD. kasi super ma anghang sya. Next time (pag may time)try ko na iblog yun..

After nang lunch time, habang naglilinis na, may na notice akong isang bata. And syempre na mesmerize ako sa kanyang mga mata.. Pinoy sya.. full blooded pinoy. pero may kakaiba sa kanyan. Blue and kanyang mga mata. Noong una gusto ko syang kunan ng picture pero ayaw nya. Buti nalang  nang mga bandang uwian na ay napapayag ko rin sya. Ito sya.. Kaso nakalimutan ko ang name nya..

Pero isa sa mga naalala ko na sabi ng friends nya, ipinaglihi daw sya sa manika (doll). yung blue eyes na doll. Kung nakapanood kayo ng Kapuso mo Jessica Soho, parang same rin sya dun. Pero sabi rin nila 2nd honor daw sya. kung hindi lang daw sya nag aabsent tuwing nagkakasakit sya baka naging 1st honor pa daw. Nag-aaral sya sa SPED, meron rin syang problem sa hearing, pero nakakarinig pa sya konti. Kaya tuwing kinakausap ko sya either nilalakasan ko yung boses ko or sinasabayan ko ng hand gesture. :) Super bibo rin sya sa lahat ng games. kung nanalo lang daw sana yung team nila ng 1st, sya daw sana iboboto nila as MVP.

Wednesday, November 27, 2013

Wrecking Ball

And I happen to see this sa 9gag. puro tawa ako. lol

Friday, November 22, 2013

Martyr or Katangahan?

tagal ko rin hindi nakapag post dito. at mukhang nahirapan rin ako mag isip ngayon kung anu ilalagay ko, para lang makapag update? lol. pasensya na. sabaw na talaga ang isip ko. kahit wala akong post, active parin naman ako sa pag blog hop. :)

Ano ba ang pinagkaiba ng martyr at tanga? to make it more specific, let's talk about pagiging martyr or tanga sa pag-ibig. Naks! buwan nang mga patay ngayon at pag-ibig ang pinag-uusapan? kery lang... walang basagan ng trip. blog ko to eh. :) besides malapit narin naman ang Christmas kaya love love love parin!

Ano ba ang pinagkiaba ng tanga at martyr sa pag-ibig? Alin ba ang mas matimbang?

Meron akon kaibigan, currently married na. pero before nun, na met nya yung guy nung pumunta sya ng SG. Isa rin naman sa mga long time friend nya. though hindi sila ganun ka close. sa kanilang pag meet dun parang sobrang caring daw ni guy, pati sa mga kapatid nya. Until nag visit si guy dito sa pinas, and na meet din namin sya ng iba pa naming friendships. sinagot na nya yung guy nung pumunta na dito sa pinas. kami na mga girls parang kilig na kilig, pero yung mga kasama naming guys parang may ibang pakiramdam. sa aming mga girls ok na ok sya. pero sa mga guys mukhang iba daw sya. yung tipong parang napipilitan lang. anyway. to make the long story short, she got preggy. Matagal pa bago nya na sabi sa amin, kasi iniisip nya na baka mag-iiba ang pagtingin namin sa kanya. syempre knowing her lagi syang nasa tamang landas. and then that unexpected thing happened. Pero kaibigan namin sya. and friends should accept you kahit anu kaman o anu man ang nangyari sayo. Dba? 

So they got married, civil wedding. But then we noticed ng magkasama na sila ng guy, base sa kanyang kwento, maaga sya nagigising para magluto sa kanilang dalawa, uuwi rin sya para mag luto ng dinner nila. hindi sya hinahatid at hindi rin sya sinusundo kahit ilang tumbling lang naman ang building ng office nila. pag group kami na kumakain sa labas, kanya-kanya silang bayad. at pinagsisilbihan pa nya si guy. pag pipila sa pagbibili ng food yung kaibigan pa namin yung bumibili, si guy nag aantay lang nakaupo. Take note, buntis na sya dito. at hindi madali sa kanya ang maglakad kasi malaki na rin ang tummy nya. ni hindi manlang hinahatid or sinusundo kahit  umuulan. ni hindi manlang iniisip na panu pag natapilok yun sa hagdan ng underpass? Lahat ata ng comfort na kay guy, hindi ko alam kung sya ba ang buntis? 


Valentines day, dinaanan ko sya sa office nila para mag bigay ng ginawa kung ferrero flowers para sa mga lady friends ko. Ni hindi manlang sya sinundo at ni wala manlang flowers or chocolates. and it's sad to hear from her "ang mga lalaki talaga, pag nakuha na ang gusto nila, wala na yung sweetness". Dati napadalhan pa sya ng flowers sa office ng guy nung nanliligaw palang ito. and take note, nasa SG pa ito noon. Pero ngayon na married na sila wala na? so sad. Doon rin namin nalaman ng isa pa naming kaibigan na sya lang daw gagastos sa panganganak nya. Like what? e dba mag-asawa kayo? kaya pala sobra syang nagtitipid. Natanong rin namin kung ilan ang plan nilang anak, sabi nya isa lang daw, ok daw sana kung si guy yung gagastos. Nagkatinginan kami ng isa ko pang kaibigan sa kanyang sinabi.


wedding nang isang kaibigan namin, and syempre we are all invited. dahil buntis sya, in-expect namin na magdadala sila ng sasakyan. kasi meron naman sasakyan si guy. Pero sabi makisiksik nalang daw sila sa sasakyan ng isang kaibigan ko. but the problem is, 1 slot lang ang available. so sabi ng isang kaibigan ko hindi na pwede. Kasi gusto nga sana namin ipush na magdala sila ng sasakyan for her convenience kasi preggy nga sya. Pero hindi raw magcocommute nalang sila. Like WHAT? may sasakyan naman kayo a. And kung titinggan ang lalaki ng mga sahod nilang dalawa. hindi pwedeng sabihin na naghihirap sila. Dati lagi sya nagtataxi, ngayon na married na sila commute na? bus? jeep? kung kelan buntis sya? parang baliktad ata. at dahil ayaw nila pa awat, kinausap nalang ng kaibigan ko yung isang kamasa nila na yun nalang ang mag commute para ma accommodate sila ng asawa nya. Bakit ganun? kesyo daw baka ma pagod si guy, or baka maligaw sila. like what? kailangan sya ang nag-iisip ng paraan e buntis sya? e sya ok lang na mapagod at ma stress sa byahe? parang si guy pa ata ang buntis.


isang araw habang naglalakad ako along ayala ave. para lang mag relax, nakita ko sya naglalakad pa ika-ika kasi an laki na ng tummy nya. papunta ng north park kasi mag didinner sila ng hubby nya. and I asked kung asan na ang hubby nya. sabi na una na raw kasi gutom na. nagulat ako. Like what ulit? e dba madadaanan naman nya yung office mo from his office papunta ng north park? hindi manlang sya sinundo? but I didn't asked. 


the next time nag aya sya ng dinner. Thinking na kaming mga girls lang, ayun pumayag kami na pumunta. ang ending pinasunod nya yung hubby nya. Ayun feeling awkward na naman kami.. Pag dating ni guy parang nakatayo lang sya, inaantay na umalis kaming dalawa nang friend ko sa kinauupuan namin kasi tatabi sya dun sa wifey nya na nasa sulok malapit sa wall.. So ayun, napilitan kaming tumayo para mag give way. then naupo lang sya. na parang wala lang. ni hindi manlang nag Hi sa amin. Taz nag antay pa na yung wifey nya ang mag serve sa kanya ng food. Ay Hari ito teh? kailangan pagsilbihan?

the next time nag aya sya mag lunch kasama ang isang friend ko na married at may baby na rin. nagpumilit sya na kumain dun sa isang resto kasi gusto daw ni guy ng pasta dun. Wow! si guy na naman. nung andun na sila si guy nakaupo lang at sya pa yung nag order. binigyan lang sya ni guy ng pera for his own meal. kanya kanya silang bayad sa food. (e dba mag-asawa na sila???) sya rin ang naghatid sa mesa. take note buntis sya ha. Si guys nag antay lang ng food. 

Due na nya. at kami na mga friends nya excited and at the same time kinakabahan sa kanya. sinasabihan na namin na mag pacheck up na sya. pero ayaw nya. at ayaw nya pa admit ksi daw mahal ang per day sa Medical City. Napa-isip kami bakit nya iniisip yun? bakit hindi yung safety nila ng baby? Pinilit pa namin sya na mag pacheck up sa Makati med, and wow ha, yung asawa pa nya ang pinakahuli na dumating. ni hindi manlang nag thank you sa mga naghatid sa asawa nya for check up. ni hindi nya sila kinausap. so ok. Hindi kami kasing talino at kasing yaman nya. pero tao naman kami dba?


Hindi natuloy ang check up nya sa Makati med kasi dapat pag check-up doon rin manganganak. So umuwi na. parang na bad-trip pa ata ang asawa nya kasi nag-aksaya lang kami ng panahon. Nang makalabas na ng Makati Med nag-aya pa ang asawa nya na kakain daw sila sa Army Navy kasi nagugutom na ito, at maglalakad lang sila papunta dun. So ayun kumain sila.


 And then the next day, na admit na sya. sabi ng doctor dapat the other day pa sya nagpaadmit kasi pwede na talaga. at 2cm open na sya nung hapon pa ng nakaraang araw. Yung mga guy friends namin na kasama asar na asar sa asawa nya kasi parang walang pake, parang hindi manlang iniisip ang safety nya. Kung umasta nga yung mga guy friends namin parang sila pa yung tunay na asawa kesa dun sa hubby nya parang wala lang. 

Nung kakapanganak for the 1st 2 months, every weekend lang uwian ang asawa nya kasi ayaw daw ayaw mapagod sa byahe at syempre pag uuwi daw magpupuyat pa. parang what? hindi ka happy makita ang baby at asawa mo? Sya lang yung nagpupuyat muna kasi naka maternity leave pa sya. Gusto nga nya after a month balik na daw sya ng work kasi sayang daw ang sahod. Naiinis kami sa kanya bakit sya nag-iisip ng ganun e may asawa naman sya. yung tipong parang sya lang ang kailangan kumayod para sa baby nya. 


Until now hindi namin alam kung genuine ba ang happiness na nararamdaman nya o nagpapanggap lang ba sya? Hindi narin sya kasing open at kasing close sa amin tulad noon. 

Wednesday, September 11, 2013

Bake Bake rin pag may time...

an tagal ko rin pala na hindi nakapag post sa aking blog. Naging busy lang slight since I came back to my beloved homeland (Iloilo) last June.. For good! Yey! And It's really good to be back. Hindi porket province walang nang work opportunity. Not much.. but there is. When I resigned sa Company ko dati sa Makati, dami nagtatanong bakit pa ako babalik sa province for good since wala naman daw opportunity hindi tulad sa Manila. And baka ang bagsak ko ay Callcenter. Hindi naman sa ini-ismall ko ang mga callcenter agents, it's just that hindi ko kaya ang work na ganun. It bores me, yes.. Na try ko yan dati for a summer job when I was in college. And I can see na hindi ako belong. Not that I don't know how to speak english, it's just that wala akong patience at ayaw ko ng night shift. Anyways.. And I won't resign not unless I have a sure work na lilipatan. Sigurista lang ang peg. LoL. But kailangan talaga maging sigurista lalo na pag may mga commitments at mga binabayaran ka. Lubog sa utang much?

oh well. New work is good. I'm having fun actually. Maraming kainan (antakaw lang masyado..) and my colleagues are awesome. Well, not all, but at least most of them. Most of them mga schoolmates ko rin, under the same course, magkaiba lang kami ng year.. Work load is heavier kesa dun sa dati ko, pero ok lang. Masaya naman.

Ang current hobby ko ngayon since andito na ako, which I used to do rin before, and every time na umuuwi ako is baking! Yey!! I love food! very much! And since I came back 3months and a half ago.. Tumaba na ako ng 1.5inch! MAY GULAY!!! at tinatawag nila akong baboy.. =( nakakainis lang.. Bahala na si Batman.. mawawala rin yang mga taba na yan pag nagsawa na sa katawan ko... Sana lng.

Last week nag attempt akong gumawa ng Birthday cake. Hindi talaga ako marunong mag design gamit ng icing. or mag design ng cake. puro toppers lang talaga. wala akong talent sa ganun. Marunong naman ako mag drawing.. marunong rin naman ako sa art. pero hindi sa pagdedesign ng cake. Marunong lang talaga ko mag appreciate. at kumain. ahihihi. pero last week I had the chance to try kasi mag 1st bibirtday si Kean. pinsan ng kaibigan ko. gumawa kami (kasama ang isang guy friend ko na pinsan ni Kean) ng dalawang chocolate cake at isang chiffon. well the taste are always good. (naks yabang! hehehe. pero marami naman nagsasabi na masarap daw e.) problem lang is yung hitsura ng cake. kasi wala talaga ako talent sa ganun. so here are my out put..




at ito naman si Kean..


Thursday, May 23, 2013

PESTE! TAE NGA!



Nagbalak kaming mag friendship na magkakaroon kami ng ultimate gala. Ilang araw na pinagplanuhan namin sa skype. Kung anu-anung lugar na ang gusto namin pupuntahan. May Tagaytay, may Villa Escudero, Pampangga at marami pang iba. Basta isang araw lang. balik agad ng gabi. Ang bagsak namin ay Tanay, Rizal. Dapat May 13 kami gagala. Kaso baka delikado daw kasi election. So May 11 na kami umalis. All set na ang planu. Magrerent ng Van, bibili ng food at mag picnic dun. Tagal ng byahe. Nearly 3hours. Pero sulit naman ang araw. Kasi andami namin napuntahan dun. May cave, may falls, may parola, at yung church nila.

Ang pinaka exciting sa lahat ay yung sa falls. Syempre lunch time na kami nakarating dun. Nag cave exploration muna kami sa Calinawan Cave, Ang ganda ng cave. May buhay pa na stalactites dun. Amazing! Tapos dun pala nag shoshooting ang ibang mga teleserye at pilikulang filipino. Ang mga tao dun parang mga land grabber. Basta ma lagyan lang ng bakud sayo na ang mga lupain na yun. Kaya anlalaki ng mga lupa ng mga taga doon. Masipag sila magbakod. Yung cave at yung mga falls puro private property. May mga farm dn dun na anlalawak.

Pag dating naming sa area ng falls, dumaan muna kami ng Daranak. Andaming tao. Pero kahit dadaan kalang kailangan  magbayad  na ng entrance na 20. Then lakad na kami papuntang Batlag. Nakakapagod pala. At anlayo nga! At parang wala pang mga facilities. Pero 100 ang entrance. Ang mahal. Pero ok lang unti lang tao dun. Tsaka nasa taas sya kaya hindi pa madumi ang tubig kesa dun sa Daranak. Kasi syempre sa taas muna mangagagaling bago bumaba ng Daranak.

Pag dating dun syempre lunch mode na. Niready na namin ang mga gamit namin. Ako at isang kasama ko ay nagbihis na para ready na maligo agad. Antaas pa kasi ng pagbibihisan, Pero infairview maganda ang place. Relaxing. Yun lang maunti ng slight ang water kasi summer. Then pagbalik namin, tulong na kami  sa pag hahanda ng lunch. Cge kain lang ng kain. at ng patapos na kami, biglang nagsisigawan ang mga batang nakakumpol sa animoy mala Jacuzzi na area.  Mga around 2.5m x 2.5m ang lapad ng area na dinadaluyan ng tubig galing sa isa pang mas mataas na paliguan. Kani-kanina lang lang tuwang tuwa sila dun naglalaro. Naghaharutan. 

Biglang sigaw ang isa “HALA TAE!!”
Tsaka yung isa pa “HALA MAY TAE!”
Ay yung isa "YUCK! TAE!!”
Sagot naman ng isa “KADIRI! TAE!”
Isa pa “TAE TAE TAE!”
Yung isa pa ulit "TAE NGA! KADIRI!”
At yung isa “SINO TUMAE?”
At isa pang bata “SAN GALING YANG TAE??”

Nung nakita namin sila kanina masaya pa sila dun sa Jacuzzi area nila. Pero ng lumabas ang tae bigla sila nagtakbuhan. Kami naman, malapit lang dun nakiki-usyoso rin. 

Sabi pa ng isang kasama ko, "Ang arte naman ng mga batang to. Hindi yan tae."

Ako naman sabi ko. “Panu magkakatae jan?”

At isa ko pang kasama “ Tamarind lang yan na nabiyak. Hindi yan Tae”.

Sabi ko. "Lapitan nyo nga" sabay tawa.

Then maya maya naglakas loob na yung isang kasama ko lumapit sa bagay na nakalutang. 

“SHIT, TAE NGA! YUCK!”

Hahaha. CONFIRMED! 
Pero sino kaya ang tumae? Imposible manggaling yun sa taas. For sure isa sa mga bata dun ang tumae. Pero WHO? hahahaha

Ispin mo nalang na yung pink na magulo yun yung mga bata (doon sila nag-umpukan ng lumitaw na ang tae) at yung brown na yun ay yung tae. HAHAHAHA

Tuesday, May 21, 2013

Ang Dream Job ko..




And so ngayon alam ko na. na alam na pala nila na aalis na ako. Mangingibang isla na ako. Yes.. balik na ako sa aking home sweet home. Mamumubok at magtatanim ng kamote at kamoteng kahoy. At mag-aalaga ng mga bibe, manok at kambing. Magtatanim ng palay at mag aararo.


Kani-kanina lang ay nagbalak akong mag siesta (tulog actually) sa aking lunch break sa aking desk. Kaso biglang nag spark sa akin si Co-worker (hindi niya tunay na pangalan) na naka base sa Sydney. 


Co-Worker
[11:57 AM]  
Don't leave us.... :'-(
[11:57 AM]  
;)
[11:57 AM]  
I just heard from Syla (hind niya tunay na pangalan)  that you have resigned :'-(:'-(
Me
[11:58 AM]  
hi co-worker.. oh know..  (kinabahan ako mag English, una palang mali agad)
[11:58 AM]  
*oh no..
Co-Worker
[11:58 AM]  
we will miss you
Me
[11:59 AM]  
well. I didn't want to. but i need to.. (may drama pa akong nalalaman, pero it’s true! Ang hirap magi sip ng sagot dito. Grabe. Tagal ko bago naka reply)
[11:59 AM]  
me too! I will miss you all.
Co-Worker
[12:01 PM]  
Will you please tell me if there is something we should be doing differently or better, to keep our smart BA's like you?  (really? Parang hindi naman ako smart e. I can’t feel it. I’m so bobo kaya. Baka pampalubag loob lang ito para kunyari d mo maramdaman na hindi ka smart. hahaha)
[12:03 PM]  
because we hate to lose you...
Me
[12:03 PM]  
well. on my case this isn't an issue about offers, benefits or salary or whatever package that is. my reason is just personal. Like I need to go home to be with my parents especially my mom. That's why I need to transfer.  (hirap ecompose nito! Grabe! Dugo na talaga ilong ko)
[12:04 PM]  
it wasn't really easy by I need to choose my priority. (wrong gramming na naman! Anu vey!)
Co-Worker
[12:04 PM]  
oh well I totally understand and good for you. I bet your parents are happy about it :)
[12:05 PM]  
that will be worth it :)  (bait talaga nito! Hay buti pa sya)
Me
[12:05 PM]  
i already got attached with the company and the people. so it really is heartbreaking for me to leave too.  (true naman at some point. Kahit d ganun ka ganda ang offer nila)
[12:05 PM]  
yes they are happy. especially my mom who leaves there alone. (kinakabahan mag English. Teka google yung spelling. Hahaha)
Co-Worker
[12:06 PM]  
did you already find another job in your hometown? maybe you can telecommute? :)
[12:06 PM]  
or will you be caring for your mo,
[12:06 PM]  
mom
Me
[12:07 PM]  
not yet. but I'm already scounting. :D (may kasinungalingan ito! Hahaha. Magsisimula na pala ako sa June3. Hehehe)
[12:07 PM]  
* scouting.
Co-Worker
[12:07 PM]  
this may be a stupid question but is there good internet access? if so did you ask if you can work remotely for SST still?  (hindi stupid yan. Bundok nmn kasi yun. hahaha)
Me
[12:08 PM]  
yes there is good internet access. and that have not crossed my mind actually. (ah may cross te? Ako na!)
Co-Worker
[12:10 PM]  
If this is something you are interested in, I will ask Melinda and Violet at the Sydney end as well. has a decent infrastructure that we can do this. :) This is what I do - work from home... (decent? No! putol-putol nga network ko lagi L. Ang infra minsan sasagot sayo ng “d ko alam” like what??? Infra ka nga e.. hay naku..)
[12:10 PM]  
maybe it is first time for Manila office but I think we should try to keep you if we can!! :)
[12:11 PM]  
my opinion not official HR opinion hahaha (I know hindi sila papayag! Sila pa., *bitter???*)
Me
[12:12 PM]  
its actually interesting, but I'm not sure if that's possible in here though.. and as far as I know they're already hiring another BA as replacement.
Co-Worker
[12:16 PM]  
well if you are interested it can't hurt to ask... I am not sure how Manila office works but I think good BA's are hard to find anywhere, its not so simple as hiring a new person. :) (true. Mahirap pag-aralan ang isang system)
Me
[12:18 PM]  
i don't know.. it feels like it's too much to ask since I haven't been that long in the company to be able to get such privilege. but it does sound exciting.  ( hindi nga kasi ako umabot ng 2yrs mnlang.. 1 month nalang sana.)
[12:22 PM]  
well there was an instance before, though she was a dev, and asked if its possible for here to work from home, but I think she was not permitted. but I don't know.  (wrong gramming na namn! Ay teka! Typo error yan. Nyahaha. Pampalubag loob)
Co-Worker
[12:22 PM]  
I am going to ask Melinda (HR in Sydney). Developers grow on trees, good BA's don't :P (d nga??)
Me
[12:23 PM]  
that sounds discriminating. hahaha
[12:23 PM]  
thanks co-worker!
Co-Worker
[12:23 PM]  
hahaha yes I am allowed to be biased because I used to be a developer :D
[12:24 PM]  
anyway it doesn't hurt to ask these things... we'll see what happens
Me
[12:24 PM]  
now I know why you were reading codes..
Co-Worker
[12:24 PM]  
yep :D
Me
[12:25 PM]  
i guess so. thanks a lot co-worker!
Co-Worker
[12:25 PM]  
no worries :)
Me
[12:26 PM]  
:)



Nawala ang antok ko nito. Hindi dahil interesting, but nahirapan ako mag-isip sa English englishan na ito. Hahaha. To be honest gusto ko rin ng work from home. Hindi magastos, pero I don’t think kaya ko ito. Madali kasi ako ma distract. 

Ano nga ba ang mga benefits ng isang telecommuting worker? Ito ang mga naisip ko:
  1. No need maligo para pumunta ng office.
  2. No need magbihis para pumunta ng office.
  3. No need magmadali dahil malelate na.
  4. No need mag travel para pumunta ng office.
  5. You can work on you PJs or kahit nakahubad pwede.
  6. Walang gastos sa pamasahe
  7. Walang traffic
  8. You can work kahit sa anong position ang gusto mo. Nakadapa, nakatuwad, nakatayo, naka tihaya. OK lang. walang problema.
  9. You can work anytime
  10. Hindi mo narin need magready ng babaonin mo
  11. Hindi mo kailangan mamoblema ng allowance for everyday kasi nasabahay ka naman.
  12. Hindi ka magkaka vehicular accident kasi nasa bahay kalang naman.

Pero ano naman ang mga negative side nito?
  1. Boring nasa bahay lang lagi,
  2. Walang lunch out with officemates
  3. It’s either you are always working or you are not working at all.
  4. Wala biruan sa pantry with officemates
  5. Wala kang makikitang kakaiba on your way to work.
  6. Lagi ka dapat on call pag may kailangan sayo.
  7. Mahirap mag concentrate sa bahay kasi maraming distractions.
  8. Laging nasa chat or telephone lang ang usapan nyo ng officemates. D kaya nasa email lang.
  9. Mangangamoy ka kasi makakalimutan mong maligo.

At maraming pang iba..

But I don’t think possible mangyari ito. Alam ko naman ang mga tao sa company e. at ang mga boss dito. Think negative! Masama mag expect. Hehehe. 1 more week! Pero ang dami ko pa need taposin. :( . Tsaka, may work na nga ako. ahihihi.

Pero kung totoo man ang sinabi ni Co-worker nakakatuwa rin isipin kahit papaano may silbi rin naman pala ako.Naging helpful rin pala ako at some point. Kasi ako mismo sa sarili ko hindi ko masabi na good ako or smart. Kasi hindi talaga e.. But hearing that. No reading something like that (chos! natutu ng english correction ang lola!) It sounds uplifting (me ganun??). sana totoo. :)

Malapit na Friday! Hello weekend!