Friday, November 22, 2013

Martyr or Katangahan?

tagal ko rin hindi nakapag post dito. at mukhang nahirapan rin ako mag isip ngayon kung anu ilalagay ko, para lang makapag update? lol. pasensya na. sabaw na talaga ang isip ko. kahit wala akong post, active parin naman ako sa pag blog hop. :)

Ano ba ang pinagkaiba ng martyr at tanga? to make it more specific, let's talk about pagiging martyr or tanga sa pag-ibig. Naks! buwan nang mga patay ngayon at pag-ibig ang pinag-uusapan? kery lang... walang basagan ng trip. blog ko to eh. :) besides malapit narin naman ang Christmas kaya love love love parin!

Ano ba ang pinagkiaba ng tanga at martyr sa pag-ibig? Alin ba ang mas matimbang?

Meron akon kaibigan, currently married na. pero before nun, na met nya yung guy nung pumunta sya ng SG. Isa rin naman sa mga long time friend nya. though hindi sila ganun ka close. sa kanilang pag meet dun parang sobrang caring daw ni guy, pati sa mga kapatid nya. Until nag visit si guy dito sa pinas, and na meet din namin sya ng iba pa naming friendships. sinagot na nya yung guy nung pumunta na dito sa pinas. kami na mga girls parang kilig na kilig, pero yung mga kasama naming guys parang may ibang pakiramdam. sa aming mga girls ok na ok sya. pero sa mga guys mukhang iba daw sya. yung tipong parang napipilitan lang. anyway. to make the long story short, she got preggy. Matagal pa bago nya na sabi sa amin, kasi iniisip nya na baka mag-iiba ang pagtingin namin sa kanya. syempre knowing her lagi syang nasa tamang landas. and then that unexpected thing happened. Pero kaibigan namin sya. and friends should accept you kahit anu kaman o anu man ang nangyari sayo. Dba? 

So they got married, civil wedding. But then we noticed ng magkasama na sila ng guy, base sa kanyang kwento, maaga sya nagigising para magluto sa kanilang dalawa, uuwi rin sya para mag luto ng dinner nila. hindi sya hinahatid at hindi rin sya sinusundo kahit ilang tumbling lang naman ang building ng office nila. pag group kami na kumakain sa labas, kanya-kanya silang bayad. at pinagsisilbihan pa nya si guy. pag pipila sa pagbibili ng food yung kaibigan pa namin yung bumibili, si guy nag aantay lang nakaupo. Take note, buntis na sya dito. at hindi madali sa kanya ang maglakad kasi malaki na rin ang tummy nya. ni hindi manlang hinahatid or sinusundo kahit  umuulan. ni hindi manlang iniisip na panu pag natapilok yun sa hagdan ng underpass? Lahat ata ng comfort na kay guy, hindi ko alam kung sya ba ang buntis? 


Valentines day, dinaanan ko sya sa office nila para mag bigay ng ginawa kung ferrero flowers para sa mga lady friends ko. Ni hindi manlang sya sinundo at ni wala manlang flowers or chocolates. and it's sad to hear from her "ang mga lalaki talaga, pag nakuha na ang gusto nila, wala na yung sweetness". Dati napadalhan pa sya ng flowers sa office ng guy nung nanliligaw palang ito. and take note, nasa SG pa ito noon. Pero ngayon na married na sila wala na? so sad. Doon rin namin nalaman ng isa pa naming kaibigan na sya lang daw gagastos sa panganganak nya. Like what? e dba mag-asawa kayo? kaya pala sobra syang nagtitipid. Natanong rin namin kung ilan ang plan nilang anak, sabi nya isa lang daw, ok daw sana kung si guy yung gagastos. Nagkatinginan kami ng isa ko pang kaibigan sa kanyang sinabi.


wedding nang isang kaibigan namin, and syempre we are all invited. dahil buntis sya, in-expect namin na magdadala sila ng sasakyan. kasi meron naman sasakyan si guy. Pero sabi makisiksik nalang daw sila sa sasakyan ng isang kaibigan ko. but the problem is, 1 slot lang ang available. so sabi ng isang kaibigan ko hindi na pwede. Kasi gusto nga sana namin ipush na magdala sila ng sasakyan for her convenience kasi preggy nga sya. Pero hindi raw magcocommute nalang sila. Like WHAT? may sasakyan naman kayo a. And kung titinggan ang lalaki ng mga sahod nilang dalawa. hindi pwedeng sabihin na naghihirap sila. Dati lagi sya nagtataxi, ngayon na married na sila commute na? bus? jeep? kung kelan buntis sya? parang baliktad ata. at dahil ayaw nila pa awat, kinausap nalang ng kaibigan ko yung isang kamasa nila na yun nalang ang mag commute para ma accommodate sila ng asawa nya. Bakit ganun? kesyo daw baka ma pagod si guy, or baka maligaw sila. like what? kailangan sya ang nag-iisip ng paraan e buntis sya? e sya ok lang na mapagod at ma stress sa byahe? parang si guy pa ata ang buntis.


isang araw habang naglalakad ako along ayala ave. para lang mag relax, nakita ko sya naglalakad pa ika-ika kasi an laki na ng tummy nya. papunta ng north park kasi mag didinner sila ng hubby nya. and I asked kung asan na ang hubby nya. sabi na una na raw kasi gutom na. nagulat ako. Like what ulit? e dba madadaanan naman nya yung office mo from his office papunta ng north park? hindi manlang sya sinundo? but I didn't asked. 


the next time nag aya sya ng dinner. Thinking na kaming mga girls lang, ayun pumayag kami na pumunta. ang ending pinasunod nya yung hubby nya. Ayun feeling awkward na naman kami.. Pag dating ni guy parang nakatayo lang sya, inaantay na umalis kaming dalawa nang friend ko sa kinauupuan namin kasi tatabi sya dun sa wifey nya na nasa sulok malapit sa wall.. So ayun, napilitan kaming tumayo para mag give way. then naupo lang sya. na parang wala lang. ni hindi manlang nag Hi sa amin. Taz nag antay pa na yung wifey nya ang mag serve sa kanya ng food. Ay Hari ito teh? kailangan pagsilbihan?

the next time nag aya sya mag lunch kasama ang isang friend ko na married at may baby na rin. nagpumilit sya na kumain dun sa isang resto kasi gusto daw ni guy ng pasta dun. Wow! si guy na naman. nung andun na sila si guy nakaupo lang at sya pa yung nag order. binigyan lang sya ni guy ng pera for his own meal. kanya kanya silang bayad sa food. (e dba mag-asawa na sila???) sya rin ang naghatid sa mesa. take note buntis sya ha. Si guys nag antay lang ng food. 

Due na nya. at kami na mga friends nya excited and at the same time kinakabahan sa kanya. sinasabihan na namin na mag pacheck up na sya. pero ayaw nya. at ayaw nya pa admit ksi daw mahal ang per day sa Medical City. Napa-isip kami bakit nya iniisip yun? bakit hindi yung safety nila ng baby? Pinilit pa namin sya na mag pacheck up sa Makati med, and wow ha, yung asawa pa nya ang pinakahuli na dumating. ni hindi manlang nag thank you sa mga naghatid sa asawa nya for check up. ni hindi nya sila kinausap. so ok. Hindi kami kasing talino at kasing yaman nya. pero tao naman kami dba?


Hindi natuloy ang check up nya sa Makati med kasi dapat pag check-up doon rin manganganak. So umuwi na. parang na bad-trip pa ata ang asawa nya kasi nag-aksaya lang kami ng panahon. Nang makalabas na ng Makati Med nag-aya pa ang asawa nya na kakain daw sila sa Army Navy kasi nagugutom na ito, at maglalakad lang sila papunta dun. So ayun kumain sila.


 And then the next day, na admit na sya. sabi ng doctor dapat the other day pa sya nagpaadmit kasi pwede na talaga. at 2cm open na sya nung hapon pa ng nakaraang araw. Yung mga guy friends namin na kasama asar na asar sa asawa nya kasi parang walang pake, parang hindi manlang iniisip ang safety nya. Kung umasta nga yung mga guy friends namin parang sila pa yung tunay na asawa kesa dun sa hubby nya parang wala lang. 

Nung kakapanganak for the 1st 2 months, every weekend lang uwian ang asawa nya kasi ayaw daw ayaw mapagod sa byahe at syempre pag uuwi daw magpupuyat pa. parang what? hindi ka happy makita ang baby at asawa mo? Sya lang yung nagpupuyat muna kasi naka maternity leave pa sya. Gusto nga nya after a month balik na daw sya ng work kasi sayang daw ang sahod. Naiinis kami sa kanya bakit sya nag-iisip ng ganun e may asawa naman sya. yung tipong parang sya lang ang kailangan kumayod para sa baby nya. 


Until now hindi namin alam kung genuine ba ang happiness na nararamdaman nya o nagpapanggap lang ba sya? Hindi narin sya kasing open at kasing close sa amin tulad noon. 

8 comments:

  1. Hirap naman ng ganyang sitwasyon... siguro natatakot o nahihiya lamang siyang mag kwento... sa tingin martyr ang tawag diyan.... un bang nagpapanggap na okay o masaya kahit hindi naman...

    O pinoproteksyunan lamang niya ang asawa niya dahil mahal niya... ayaw niyang masira ito sa mga kaibigan niya....

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro.. ayaw nya kasing isipin ng iba na hindi happy yung married life nya.. taz nung nakapanganak sya, nakapagsabi sya sa isang kabigan namin na parang nalulungkot daw sya na parang may pinaghihinayangan. i dont know.

      Delete
  2. Grabe naman yung guy. I don't know the whole story so I can't really say kung siya nga lang ang may problema. The thing is we are just spectators sa nangyayari sa kanila and as friends, sometimes all we can do is watch from a distance and wait for them to ask for our help :( I hope she does ask for help kung kailangan nya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yun ang hindi nya ginagawa.. nahiya naman kami mag alok ng tulong or comment/suggestion kasi hnd naman kami tinatanong.

      Delete
  3. sang-ayon ako kay glentot. although nakakaasar nga naman talaga ang lalaki, mahirap pa rin magpass ng judgement. welkam back!

    ReplyDelete
  4. thin line ang naghihiwalay sa tanga at martyr. at may pagkakataon silang magoverlap. pero sabi nga ng kapatid ko, it's not love kung hindi ka matatanga or magiging martyr at some point.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pero dba sabi nila It should bring out the best in you??

      Delete