Habang nag-aaral kapa nagmamadali kang
gumadruwayt. Wish mo na makakapagtrabaho kana.
Nangangarap na mabili lahat ng gusto mo.
Iniisip na mas madali yung nagtatrabaho kesa nag-aaral pa.
Lahat ng yan ay naisip ko na rin.
Pinangarap ko na rin yan noong nag-aaral pa ako.
Pero ngayon na may trabaho na ako. Iba pala talaga.
Naisip ko na mas madali pa pala noon ng nag-aaral pa ako,
Hindi mo na kailangan paghirapan ang pera. Binibigay lang yun ng
parents mo. Wala karing mga responsibilidad na dapat isipin.
Lahat madali lang. Gigising ka ng umaga, nakahanda na pagkain mo.
Maliligo ka nalang at magbibihis tapos alis kana papuntang School.
Pero pag nagtatrabaho kana, lalo na't malayo ka sa pamilya mo,
gigising ka ng maaga para magluto ng makakain mo.
Kailangan mo rin mag isip ng mga kakainin mo sa mga susunod na araw. Kailangan mo magbudget. Magbabayad kapa ng renta mo sa boarding house o kaya apartment. May tubig at kuryente kapang babayaran. Telepono at internet pati load mo. Magpapadala kapa sa parents mo at sa mga relatives mo na nangangailangan. Kung may mga nakakabatang kapatid kapa, tutulong ka dn sa pag-aaral nila. Ikaw na rin ang maglalaba, mamalantsa ng sarili mong mga damit. Lahat ng hindi mo nagagawa noon na gawaing bahay, nagagawa mo na ngayon. Wala kang choice. Sarili mo lang ang maasahan mo. Marami kang dapat isipin. Pag andyan kana sa punto na yun saka mo maiisip na sana estudyante ako ulit. mas madali pa yun kesa
buhay ngayon. Iisipin mo na dati pag may gusto kang bagay, hihingi kalang sa parents mo. Ngayon pagtatrabahuhan mo para makuha mo ang gusto mo. Kung hindi ka naman marunong humawak ng pera mo, mababaon ka sa utang. Hindi dahil malaki ang sweldo mo, waldas kalang ng waldas. Nang istudyante kapa hindi mo na kailangan isipin yun. Andyan ang parents mo para gagastos sa iyo. Lahat gagawin nila para sa iyo.
Ang maganda lang pag nagtatrabaho kana ay natututo kang maging independent. Natututo kang tumayo sa sarili mong mga paa na hindi mo na kailangan sumandal sa parents mo. Hindi mo na kailangan humingi. At sa punto rin na iyon saka mo malalaman kung anu talaga ang buhay. Kung gaano kahirap pala sa parents natin na
pag-isipan ang maraming bagay para sa atin. Paanu nila pagkasyahin ang sahod nila mabigay lang lahat nag pangangailangan natin.

At isa pa, hindi porke graduate kana e makakapagtrabaho ka kaagad. Mahirap na rin maghanap ng trabaho ngayon. Maraming kakompetensya sa pag-aapply. Maraming adjustments na dapat ring gawin. Mahirap talaga..
Kaya habang nag-aaral kapa, ipagpahalagahan mo yun. dahil pagkatapos nyan... magwiwish ka nalang na sana... estudyante ka ulit.
No comments:
Post a Comment