Thursday, January 10, 2013

KONSENSYA

Gang ngayon hindi parin ako pinapatahimik ng aking konsensya.
Hindi ko alam kung nagiging over-reacting lang ba ako or parang
feelengera masyado na kahit sa perspective ng ibang tao e hindi
naman dapat problemahin kasi nga tapos na ang pangyayaring yun.
Guilt... oo Guilt ang nararamdaman ko.. Naging traidor ako.
Mabuti naman sana ang unang hangarin ko. Kaso may mga bagay-bagay na hindi ko na anticipate na mangyayari,kaya kailangan ko na rin magbitaw..Ayaw ko kasing lokohin ang tao na well.. kung sa mga drama sa teleserye ay tinatawag na taong nagmahal sakin ng tunay..(chos!)

Anyway.. dalawa't kalahating taon.. matibay... or akala ko lang isang matibay na relasyon.. hangang sa may nakilalang taong gustong tulungan.kaso higit pa dun ang gusto. pati pagmamahal gusto na rin. Ok lang daw kahit dalawa sila. basta mahalin lang sya.. Ang hangarin ko lang ay makatulong lang financially..para lang makatapos at makapagtrabaho. Hindi ako mayaman. pero kaya ko mag sacrifice para makatulong sa iba. Ewan ko ba kung bakit. alam ko isa iyong kalokohan o katangahan.. tutulong sa taong hindi mo naman kilala, hindi ko naman kaanu-ano.. Dahil sa
sobrang persistent ng tao, nasira ang barrier ko. naging marupok ako.naging malambot masyado.. binitawan ang taong talagang ngmamahal dahil sa ayaw ko itong masaktan. pero habang bumibitaw ako ramdam ko ang sakit. oo.. parang sa mga teleserye lang. masakit sa loob.. masakit sa puso bumitaw sa taong minahal mo at minamahal ka ng tunay. (chos!) Ilang araw ko ring iniyakan yun. Sabi nga nila sa huli ang pagsisi. Pinagpalit mo ang tao na sobrang naging mabait sayo. walang ginawa kundi mahalin at, kahit naging malayo kaman naging matapat parin sya. Laging iniisip ang kapakanan mo. Hindi lang ang kapakanan nya. Iniisip ang magiging kaligayahan mo hindi ang kaligayahan nya. Naging bitter man sya ng bumitaw ako, pero isa lang yun sa natural na reaksyon ng isang tao. Ramdam ko na para lang ako nanguha ng bato para ipukpuk sa ulo ko. Yung taong walang kailangan problemahin,yung taong wala kang kailangan alalahanin kung nangangaliwa, yung taong wala kang kailangan isipin kung san-san man pumupunta kasi laging nasa bahay lang naman sya. yung taong laging nakikinig sayo, laging sinusunod ang sinasabi mo, yung wala kang karibal sa buhay mapa sa laro man o buhay na nilalang,pinagpalit mo sa ibang walang nagawa ay pasakitin lang ang ulo mo, yung kailangan mo lagi problemahin kung nakakain naba, nakakapag-aral ba,makakagraduate ba, may gamot na ba? yung hindi naman sinusunod ang sinasabi mo kasi akala nya gusto mo syang kontrolin. pero ang gusto mo lang naman ay ang ikabubuti nya. yung walang magawa kundi maglaro ng maglaro na akala mo pinagkakaperahan nya yun, pero wla naman. na puro yabang lang akala mo magaling pero wla naman talaga maipagmamalaki, yung nanlaladi ng iba at tinatawag kang babae nya na namimigay ng salapi.. yung minumura ka.

enough of the hatred.. hindi naman yun ang gusto ko ikwento.

Siguro ang guilt na nararamdaman ko ay dahil hindi ko na ipagtapat ang totoo. Humingi man ako ng kapatawaran pero hindi ko sinabi anu ang dahilan. Oo pinatawad nga ako, pero parang hindi yun yun. Ilang beses kung sinasabi na I want what is best for you. Pero ang hirap nun kung hindi mo naman sya nakikita na masaya. Parang ang sakit sa damdamin isipin na hindi sya naging masaya dahil sa ginawa mo. Hindi parin sya nakakamove-on sa sakit na dinulot mo. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging masaya kung nakikita kung hindi parin sya naka move-on. Kahit nakikita ko syang nakangiti, parang ramdam ko na sa loob-loob nya ay nasasaktan parin sya. Ayoko naman maging kami ulit kasi hindi ako worth it. I want what is best for you. You deserve someone better. Parang tunog chick flick lang. Ayaw ko kasi alam ko ang sasabihin ng family nya. Alam ko na galit rin sakin ang family niya dahil sobra ko syang sinaktan. I was just thankful na kahit
sumagi man sa isip nya ang maglaslas, nanaig parin ang talino nya
na wag gawin ang iyon. Salamat sa Diyos. hindi talaga worth it
magpakamatay sa taong nagdulot lang ng sakit sa buhay mo.

Sa tunay na buhay pala ng tao ganun talaga ang mararamdaman mo.
Minsan pinagtatawanan natin ang mga napapanuod nating movies or
teleserye, kung anu man ang kadramahan nila. nangyayari pala talaga yun sa tunay na buhay. merong naloloko, nagpapaloko, niloloko, nanloko, maloloko, lolohin, at maloko.

Anyways.. alam ko walang kwenta tong post ko. Gusto ko lang mag-emote.(chos!)
Sana tulongan nyo ako magdasal para sa kaligayahan nya..at para mawala narin ang guilt feelings ko.

23 comments:

  1. Awts... dama ko ang sakit sa dibdib na drama ng post na ito... sobrang cliche if we will base it on movies pero since totoong tao ka at totoong nangyayari ang mga bagay na iyan, naku, hindi madali ang iyong pinagdadaanan.

    sana mangibabaw ang love at hindi ang komplikadong kaisipan na puro naman assumptions....

    kung mahal mo pa siya... tell him... say sorry... hindi ka man worth it sa tingin mo ngayon, pero kung willing ka to win him back kasi hindi madaling makahanap ng totoong pagmamahal.

    nasaktan siya at nasugatan. hindi madali ang magpatawad dahil damay ang pamilya pero madaling maghilom ang anumang sugat kung totoo at wagas na pagibig ang gagawin nating panlunas.

    pasensya mejo mahaba comment ko pero just like you, i also want what's best for you at sa kung sino ang mahal mo.

    so? il also pray for you na lang din ha... kitakits... tnx for sharing your love story...

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat sa iyong telenobelang comment. hehehe.. Maging kami ulit ay wala na sa options ko. Siguro mas ok na yung single kesa magkaron ng sakit sa bangs. Wala na rin ata yung love na yun.. I remember the boy but I can't remember the feelings. chos! hehehe. Pero I'll be very happy pagnakita kung naka move-on na sya. :)

      Thanks! I also want what is best for you. =) GBU!

      Delete
  2. hindi tayo bate. bad ka! chos din!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. peace! ito kendi.. friends na tayo ulit. =)

      Delete
  3. hmm teka, bakit parang naka-relate ako dyan miss kotz? tsk tsk.

    Ang kelangan mo nalang gawin ay pangatawanan ang desisyon mong nagawa. Keep moving forward. Maraming nasaktan. Humingi ka na naman ng tawad. Just let God do the rest.

    God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat. True maraming nasaktan kaya nga ang hirap pero pinangangatawan ko naman.. Inaantay ko lang ang panahon na sasaya na sya. (ang drama ng buhay nga naman oo.)

      Less complications is better, I guess? hehehe

      Thanks! God bless you too!

      Delete
  4. Replies
    1. I wish.. i wish mo rin. hehehe. =)

      Delete
  5. itigil mo lang ang communication with him, at magiging masaya din sya. makaka move on din sya. meron syang makikilalang iba na sabi mo nga worth sa kanya ;-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat! tinigil na po. Or if ever magtatanong man sya casual, matipid at malamig na sagot nalang. hehehe.

      Delete
  6. Hi! medyo maliit yata yung font size?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sorry po. hnd ko napansin.. hmmm. medyo nilakihan ko na po. baka na zoom ko lang siguro yung screen ko. thanks thanks!

      Delete
  7. Guilty rin ako dito. Naalala ko din yung mga ginawa ko noon na yung kala mo gusto mo lang makatulong yun pala may hidden desire ka na nang tumagal. Minsan ang buhay ko rin ay nagiging palang teleserye talaga lalo na pag dating sa love. Anyway sana'y maging maayos na sya (yung tinutukoy mo dito). Bitawan mo na din sya. Ikaw din mag move on kana :)

    Btw nalito ako sayo. girl ka pala? tama ba? Kala ko yung una boy ka kasi yung DP mo parang pang boy at yung name mo din po. sorry ah. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. hahaha. siguro iba namn talaga ang unang intension.. yun ngalang sa tagal ng panahon ay nahulog kana rin.

      nakabitaw na ako.. I just want to see him happy. yun lang. para siguro hindi narin ko maguilty? hehehe

      teka.. mukhang babae namn yung dp ko ah. hindi nga lang kikay. hehehe. don't worry sanay na ako na lagi napagkakamalan dahil sa pangalan. :)

      Delete
  8. Hmm sabi mo hindi mo alam kung bakit parang nature mo na ang magbigay ng tulong sa nangangailangan. I think yung guilt mo is coming from the fact na ibang taong di mo kilala eh natulungan mo pero yung taong nagmamahal sa iyo eh tinalikuran mo para sa iba. Hmm bad decision I guess, and something you will definitely learn from...

    ReplyDelete
    Replies
    1. napa wow ako sa comment mo sir glentot.. and yes you are definitely right.. and yes.i learned my lessonds. kaya nga ayaw ko na rin mag commit kasi ayoko maulit to.

      thanks!

      Delete
  9. ang pagkamatay ay never maging option been there before.. lest just be happy

    ReplyDelete
  10. at dadamayan kita dito sa emo post mo .hahaha

    yung guilt isang sign yun na mabuti kang tao..

    hindi ka naman kasi makakaramdam ng ganun kung wala kang pakialam o wala kang emosyon.

    basta ganun.

    hahaha .. ang gulo ko lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat sa pagdamay. hehehe. Hindi ko rin alam kung mabuti akong tao.. hehehe. pero thank you! =)

      Delete
  11. ang emo eh! may drama ka rin pala, di ka nagkukwento sa chat. hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. ay d ka namn nagtanong e. wla na nga akong nabasang blog mo. thanks for dropping by!

      Delete