Sunday, August 22, 2010

Deep Inside

Sometimes you're doing things beyond your control.
You weren't forced to do it. But you did it.  It's your
emotions that dictates your actions. And then
you'll get confused. You'll keep on thinking why.
You know what's right and what's not. But It seems like
you don't know how to choose between those two.It's like
you're trying to justify the wrong to be right. Yet you know
what you're doing is wrong, and it means you're gonna hurt someone
in the end, and also be hurt from what you did. It may be easy at first
but then you'll start to realize that its getting harder and harder.
More difficult everyday. you become more attached. but then
you still know deep inside you that it shouldn't be. It mustn't be.
you know the consequences it will bring. You know that in the end you'll
be suffering. you know that in the end it will hurt a lot. you keep on
making yourself believe that nothing's going to happen. Pretending that
everything will be ok. Thinking that it will be easy. Forcing yourself to
believe that your actions are justifiable. But deep inside you're confused.
you're trying to break free from the problem you made. Wanting and wishing
that you should have not done it in the first place.But you know part of
you is happy for doing it. 

Still... you don't know what to do... you don't
know what steps to take. To either pursue it.. or to stop. To let go or to
hold on... To keep it or to put it away.. to nurture and cherish or to stop it from
growing.....

Confused.....

Sunday, August 15, 2010

TEARS ARE A LANGUAGE GOD UNDERSTANDS

just want to share this nice song I heard from church... Hope you guys like it! =)


Often you wonder why tears come into your eyes
And burdens seem to be much more than you can bear
But God is standing near, He sees your falling tears
And tears are a language God understands.

God sees the tears of a brokenhearted soul
He sees your tears and hears them when they fall
God weeps along with man and He takes him by the hand
Tears are a language God understands.


When grief has left you low it causes tears to flow
When things have not turned out the way that you had planned
But God won't forget you His promises are true
And tears are a language God understands.


God sees the tears of a brokenhearted soul
He sees your tears and hears them when they fall
God weeps along with man and He takes him by the hand
 Tears are a language that my God He understands.


God weeps along with man and He takes him by the hand
Tears are a language God understands.

To listen and download the song here's the link:
http://www.mp3-codes.com/play/305135/Tears_Are_A_Language-Heritage_Singers/

Tuesday, August 10, 2010

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO

by xristel





Ano ba itong si redrope?


Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.


Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at iniiwan.


Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi.

Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa

mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?


Parang baliktad yata?


Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.



Kapag hindi ka naman nagpakipot “easy to get” naman ang tingin sa iyo.


Hindi ka na seseryosohin.

Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo.

Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na

iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema.


Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo,magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. !


“Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya’y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.”


Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo


“demanding” ka.


Meron ka pang maririnig na


“I think we need space”


at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.


Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.


Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at

magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.


Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.


Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman

kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!


Alam niyo iyon?


Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin.

Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.


Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.


Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba?

Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing
“break na tayo” 
lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.





Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.


Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.


Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.



Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.


Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.

ANG MGA BABAE TALAGA OO

by redrope






*grabe. usapang lalake*


*sindi ng yosi*


*hithit*



*buga*



Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.



*hinga ng malalim*



Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ’sang anggulo mo tingnan, hindi  nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.



*tingin sa stars*



Minsan naiisip ko,



alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move paramagtapat ng pagmamahal?



E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?


Ang feeling ng masaktan pag nabasted?



Malamang-lamang siguro,hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?


*tingin sa malayo*


Lagi naman ganun. Una pa lang,lalake na ang naghihirap.



Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?



Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?



Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila.


Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin,pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.



At ano ang kapalit?


Well,depende sa trip nila.


Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.


Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.


Hindi nila alam kungmahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.



Wala tayong magagawa, marami silang alibi.


“Hindi pa ‘ko ready eh..”,


“Sorry pero I think we should just be friends..”,


“Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” 

“Better luck next time na lang muna, okay lang?”, 

“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, 

“Para lang kitang kapatid e..”,


yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.


*kuha ng bote ng beer*


*lagok*


*lunok*




At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.



Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.


Sila? Ummm? Teka, isipin ko.



Ayun.



Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.



Ewan. Ganun ata talaga.


*kuha ng bote ng beer*


*lagok*



*lunok*



Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay.


Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.



*hinga ng malalim*



Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo,lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.


*hinga ng malalim*



*tingin sa malayo ulit*



At ito pa ang pinakamasaklap.


*singhot*



Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna.


Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.



At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy.


Na nagpapaiyak.



*iiling*


Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.


Ang ending:


mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.



Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?



Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.



Ang mga babae talaga,oo.


Buhay Estudyante at Buhay Nagtatrabaho

Habang nag-aaral kapa nagmamadali kang
gumadruwayt. Wish mo na makakapagtrabaho kana.
Nangangarap na mabili lahat ng gusto mo.
Iniisip na mas madali yung nagtatrabaho kesa nag-aaral pa.


Lahat ng yan ay naisip ko na rin.
Pinangarap ko na rin yan noong nag-aaral pa ako.
Pero ngayon na may trabaho na ako. Iba pala talaga.
Naisip ko na mas madali pa pala noon ng nag-aaral pa ako,
Hindi mo na kailangan paghirapan ang pera. Binibigay lang yun ng
parents mo. Wala karing mga responsibilidad na dapat isipin.
Lahat madali lang. Gigising ka ng umaga, nakahanda na pagkain mo.
Maliligo ka nalang at magbibihis tapos alis kana papuntang School.
Pero pag nagtatrabaho kana, lalo na't malayo ka sa pamilya mo,
gigising ka ng maaga para magluto ng makakain mo.
Kailangan mo rin mag isip ng mga kakainin mo sa mga susunod na araw. Kailangan mo magbudget. Magbabayad kapa ng renta mo sa boarding house o kaya apartment. May tubig at kuryente kapang babayaran. Telepono at internet pati load mo. Magpapadala kapa sa parents mo at sa mga relatives mo na nangangailangan. Kung may mga nakakabatang kapatid kapa, tutulong ka dn sa pag-aaral nila. Ikaw na rin ang maglalaba, mamalantsa ng sarili mong mga damit. Lahat ng hindi mo nagagawa noon na gawaing bahay, nagagawa mo na ngayon. Wala kang choice. Sarili mo lang ang maasahan mo. Marami kang dapat isipin. Pag andyan kana sa punto na yun saka mo maiisip na sana estudyante ako ulit. mas madali pa yun kesa
buhay ngayon. Iisipin mo na dati pag may gusto kang bagay, hihingi kalang sa parents mo. Ngayon pagtatrabahuhan mo para makuha mo ang gusto mo. Kung hindi ka naman marunong humawak ng pera mo, mababaon ka sa utang. Hindi dahil malaki ang sweldo mo, waldas kalang ng waldas. Nang istudyante kapa hindi mo na kailangan isipin yun. Andyan ang parents mo para gagastos sa iyo. Lahat gagawin nila para sa iyo.


Ang maganda lang pag nagtatrabaho kana ay natututo kang maging independent. Natututo kang tumayo sa sarili mong mga paa na hindi mo na kailangan sumandal sa parents mo. Hindi mo na kailangan humingi. At sa punto rin na iyon saka mo malalaman kung anu talaga ang buhay. Kung gaano kahirap pala sa parents natin na
pag-isipan ang maraming bagay para sa atin. Paanu nila pagkasyahin ang sahod nila mabigay lang lahat nag pangangailangan natin.

At isa pa, hindi porke graduate kana e makakapagtrabaho ka kaagad. Mahirap na rin maghanap ng trabaho ngayon. Maraming kakompetensya sa pag-aapply. Maraming adjustments na dapat ring gawin. Mahirap talaga.. 


Kaya habang nag-aaral kapa, ipagpahalagahan mo yun. dahil pagkatapos nyan... magwiwish ka nalang na sana... estudyante ka ulit.