Wednesday, September 10, 2014

STRESS OVERLOAD

Sa 5years kung work experience ngayon lang ako naka pag sick leave ng mahabang mahaba. 6 Days straight! Ang average sick leave consumption ko lang dati ay 1 day a year. Yes! 1 Day a Year! Pag wala pang sick leave my bonus kapa! Pero simula ng lumipat ako dito sa aking lupang tinubuan, after working away for 3 years. Mas naging sakitin ako. Dito ako nagka develop ng allergic rhinitis. I don't know why, or how. E kung iisipin mo nga its 50% less pollution, and 50% less traffic. Diba?

2 Weeks ago nagkasakit ako, hindi ko alam kung anu ang name ng sakit pero nilagnat ako ng 6 days, and on the 3rd day nagkaroon ako ng rashes sa buong katawan. As in covered ako ng rashes.. Akala mo rashes na tinubuan ng tao! May gulay! Nasira ang balat ko! Naks! Punong-puno ako ng rashes. Malalaki sila at mapupula.. Hindi naman makati, pero sabi ng doctor ko nakakahawa daw yun. Kaya hindi ako pinayagan pumasok kasi mahahawaan ko sila sa office. Babalik lang ako pag nagsubside na ang rashes ko. After 6 working days bumalik na ako ng office, kasi sayang ang absent ko.

Sadly, pagbalik ko sa office nag-inquire ako sa HR regarding sa leaves ko, ang sabi I only have 2.5 VL and 2.5 SL kasi nag one year ako ng June, at yun lang ang ma-aavail ko. Panu na ang June to August ko? Wala ba akong credits dun? Sadly, wala raw. Kasi yun ang rules nila of accrual. Like What????? Makaka-avail lang ako ng 10VL and 10SL kung January ako nag 1 year, at dahil hindi, Next year ko pa makukuha yun. Kaloka diba? As in sobrang naloka talaga ako sa rules nila. Which means 5days lang ang pwede kung i-apply na leave, at ang 1day, is LEAVE WITHOUT PAY. What???? Wala na nga akong benefits, gastos ko lahat sa medical and medicines, wala manlang medical reimbursement, or kahit Medicard manlang para mabawasan ang gastos ko na almost 6k rin. And now may bawas pa ako kasi kulang ang available leaves ko to cover may absences dahil nagkasakit ako. Anung kalupitan ito? Wala nga ring OT pay kahit inuumaga na ng uwi sa kakawork kasi urgent need. Well, lagi namang urgent ang need nila. Pero sige lang. Work lang ng work, para sa ikakaunlad ng kompanya. Pero, panu naman ako? I'm giving too much pero wala naman akong nakukuhang kapalit? kahit tamang SL and VL lang naman sana. Kahit may sakit ako, I try to be online to check on kung may kailangan sila, and syempre to supervise na rin.

Lahat ang employee ang kailangan mag process ng TIN, SSS, PAG-IBIG and Philhealth Numbers? Ok, ilang kompanya ba ito? Ilang tao ba meron lahat? E bakit sa malalaking kompanya sila ang bahala dito? Ang dami dami nga nila?

I'm not the type to complain, pero minsan kailangan talaga. So far, ito ang pinaka. As In super mega stressful na work environment ever! Yung tipong mga gulo sa sister companies nadadamay kayo. May mga employees na malalaki masyado ang ulo. Lahat palaging instant, and laging urgent. Lahat ng task on 1st priority. E anu na ang uunahin ko? May mga taong pasikat masyado pero hindi naman kaya panindigan ang mga sinabi at mang-iiwan lang sa ere. Noong una wala pa masyadong direksyon, lahat nang project gusto gawin. Hindi na malaman kung ano ba talaga ang gustong direksyon? Buti na ngayon meron na. At may sariling focus na rin.

Hindi ko rin alam kung anu ba talaga ang hinahanap nila sa isang employee, or sa isang applicant? Pag na badshot sila or nagkapagbigay ka ng bad-impression, mag-ingat kana baka kasi mawala kana ng bigla.

Ang daming demands, ang daming boss. Sino ba dapat sundin? Alam nyo ba ang pinagsasabi nyo? Request ng request, hindi manlang iniisip ang outcome nito. Magkaka-issue ba tayo dito o hindi? Hindi manlang ina-asses ang legalities ng mga bagay-bagay. Kahit mag keep track lang naman sana ng important emails, mahirap ba? kailangan pauulit-ulit e send? Ok na kay ganito, kay ganito naman hindi. Ok na yan, maganda na yan, ang ending papalitan lahat. Gusto ng visuals, pero wala manlang description kung anung klaseng visuals. Tapos ang ending, hindi pala type ang napili mo. Masyadong wordy... gawing more visuals. Teka, maiintindihan kaya? Pero sige lang, go lang.. Para to sa success ng lahat!

Teka? lahat ba talaga?

Unti-unti na akong napapa-isip kung tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba ang pagtanggap ko nito? Tama ba ang paglipat ko dito? Tama ba ang ipagpalit ang maraming opportunities, mas malaking sahod, at Not so stressful work life? Ipagpalit ang balance work-life? Yung tipong 5days lang ang work, from 9am-7pm lang. Walang work sa bahay. Pahinga sa weekend and holidays, 14th Month Bonus, medical reimbursements, Clothing Allowance, and Medicard, 12VL, 12SL, OT allowance plus offSet Hours na pwedeng gamitin as Leaves? Syempre ipagpalit ang stressfull and over traffic na City?

Pag may offer ba pabalik dun, kailangan ko bang patusin? Ano na ba ang gagawin ko? Pagpapatuloy lang ba? O Maghahanap na ng iba? Or Kailangan ba matirang matibay pa?

Konting benefits lang naman sana. Kahit SL at VL lang. Nakapagbakasyon nga ako last time, pero bawas pa sa sahod ko ang dalawang araw na absent ko, e 11months na akon nagtatrabaho, at 5 months na akong regular noon, pero wala paring VL. Bawas parin. Buti noon wala akong binabayaran.. E ngayon na may binabayaran na ako, 60% ng sahod ko napupunta dun, yung iba sa bills sa bahay, wala na ngang natitira sa sahod ko, kulang pa nga yun pang allowance ko, ang hirap talaga. Tapos may kaltas ka pa?

Kaka-stess talaga. Stress kana sa work environment, stress ka pa sa rules.

Panu na ngayon?





Monday, May 5, 2014

LET IT GO! LAD-LAD NA!

Isa sa mga kantang patok na patok ngayon ay ang kantang "Let It Go" from the movie Frozen. I have to admit I also like the song, pero pangalawa lang sa "Do you want to Build a Snowman". Lol.

Ang Let It Go ay isa sa may pinaka maraming Translation na kanta. lalo na sa Filipino Version. May kanya-kanya pang language per province. Aside sa per province na translation meron rin syang sariling Beke version.. O dba? Bongga!

Kahit ako rin mismo e napapakanta tuwing napapakinggan ko ang kantang ito. (Let It GO! LEt Go!!) And I'm thinking yung mga "REAL" or say straight men napapakanta rin ba tuwing napapakinggan ito?

I've asked a few friends regarding their opinion sa kantang ito. Maraming nagsasabi na maganda ang song.. Maganda rin ang lyrics ng song. Pero ang main question ko is "Kung ito ang favorite song ng isang lalaki, anu ang masasabi mo sa kanya?" And the usual answer I got is, "baka bading sya?" or "may pinagdadaanan?"

Ang lahat ay nagsimula sa isang pangyayari.. Isang araw habang nasa work. Tumayo ako para mag CR. Syempre pag nasa office laging naka earphones ang mga tao. Parang kanya-kanyang mondo lang. Nang tumayo na ako ay may naririnig akong mahina as in sobrang mahina na tugtug ng let it go, at may kumakanta nito. Tunog babae sya.. at ang hina rin. yug tipong iniipit nya yung boses nya. Doon ako nahiwagaan kung sino yung kumakantang yun. Akala ko una yung isang babae sa kabilang area, pero sobrang hina ng boses para manggaling doon. Nag pm pa ako sa skype ng isang QA namin na babae kung naririnig ba nya ang boses na kumakanta ng LEt it Go. Sabi nya hindi raw kasi naka earphones sya. Pinakinggan ko ng maigi yung boses, After around 10mins na pagmamatyag! Ang aking pagsisikap ay nagkaroon rin ng bunga! at na trace ko sya!eureka! yung ka talikutan ko lang pala yung kumakanta.Yung lalaking QA namin. Ilang beses kung pinakinggan. At CONFEERM!! sya nga! At doon, medyo. slight... nagkaroon na kami ng pagdududa.. Ano ba talaga kuya? lol.

himay-himayin natin ang lyrics ng kanta.. kung paanung nasasabi na ang kantang "Let It Go" ay kantang pang beke.. at marami rin mga closet beke ang nahuhumaling sa kantang ito.. simulan na natin:



No offense sa mga gays out there. :)

The snow glows white on the mountain tonight
Not a footprint to be seen.
A kingdom of isolation,
and it looks like I'm the Queen
// sa loob bading talaga sya

The wind is howling like this swirling storm inside
//lakas na ng struggle nya sa pagsunod sa norm ng buhay..

Couldn't keep it in;
// hindi na nya kayang mag pretend pa.

Heaven knows I've tried
// alam ng langit na ilang years din nyang pinilipit na magpakalalaki

Don't let them in,
// wag silang papasukin sa room. baka makita ang kanyang mga tinatago na gown at make up and lipstic.

don't let them see
// wag ipakita ang tunay na kulay..

Be the good girl you always have to be
// Dito importante sa kanya ang image nya. Yung tipong perfect na anak na lalaki ng kanyang parents.

Conceal, don't feel,
// piliting mag pretend. piliting i-ignore ang totoong feelings.


don't let them know
// ayaw nya ipaalam sa kanila na eva talaga sya.

Well now they know
// kaso na nahalata parin kahit anung tago nya..

Let it go, let it go
// dito nag decide na sya na magladlad na.

Can't hold it back anymore
//  hindi na nya kayang pigilan ang bugso ng kanyang pusong babae.

Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

Turn away and slam the door
// move on na sa pagpepretend na isang boy.

I don't care
what they're going to say
// wapakels sa iniisip ng ibang tao.

Let the storm rage on.
// cge lang.. hayaan silang mangkutya sa kabadingan nya

The cold never bothered me anyway
// keribels parin naman kahit anu man ang sabihin nila sa kanya. Wala syang pake..

It's funny how some distance
// nakakatawa na antagal nyang tinago pa.

Makes everything seem small
// kaya dn pala nyang magpakatotoo.

And the fears that once controlled me
Can't get to me at all
// Dito nawala na ang dating takot nya. Dati takot sya sa sasabihin at sa gagawin ng iba kung malaman na bading talaga sya.

It's time to see what I can do
// oras na para makita ang pagiging creative ng isang beke

To test the limits and break through
// ipakita sa kanila ang kanyang tunay na kakayahan. at kung anu ang totoong sya

No right, no wrong, no rules for me,
// walang tama.. walang mali.. walang rules na kailangan sundin. hindi na kailangan maging good boy. or model child.

I'm free!
// this is it! ladlad na!


Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

I am one with the wind and sky
// isa na syang super sereyna Queen of the sky!

Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

You'll never see me cry
// hindi nya pagsisisihan ang palaladlad

Here I stand
And here I'll stay
Let the storm rage on
// kahit anung mangyari kahit bugbugin pa ng ibang mga tao. maglaladlad parin sya.


My power flurries through the air into the ground
// ramdam na ya ang kabadigan sa buong veins nya.

My soul is spiraling in frozen fractals all around
And one thought crystallizes like an icy blast
I'm never going back, the past is in the past
// past is past.. gay is gay..


Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

And I'll rise like the break of dawn
// ipapakita nya ang tunay na sya.. parang super sereyna lang.

Let it go, let it go
// ladlad na.. ladlad na.

That perfect girl is gone
// wala na ang perfect na anak.or ang perfect guy na inaassume nila

Here I stand
In the light of day
// umaga-gabi maglaladlad sya. at sasali sya sa mga gay contest

Let the storm rage on
// cge lang.. hayaan silang mangkutya sa kabadingan nya

The cold never bothered me anyway!
// wa pakels.. ladlad lang. be happy!






QUESTION: Anu ang masasabi mo sa lalaki na "Let It Go" ang favorite song nya?

Monday, April 28, 2014

Tired

I've been feeling physically, mentally and emotionally tired lately..

I feel like I need a break. a break from work.. a break from all the stress at work.

Even just a day for myself where I don't need to worry about anything..

A day to be lazy and worry free, and away from the heat of the sun.

Or maybe even just a day at home. Where I won't be doing anything.

A Day where I can wake up late, or maybe not that late but a day where I can sleep early.

It'll be a day where I'll be dead asleep by 10PM. No task to worry for the next day.

A day with no activities that would include long walks. No travel whatsoever. Just plain lazy day.

Maybe watch movies or whatever is available on TV.

Have a lazy sleep in the afternoon for about 2 hours or more, not just a 15minute nap.

A day where I can indulge myself with books, just anything non-work related to read.

My weekend is busy, and so are my weekdays.

I wonder how other people can have a worry free life or maybe a worry free work, and I don't?

I wonder why I'm currently feeling this way?

Is this because I don't love my job anymore?

But I think I do. I feel like I do, and that I just need a break.

Ahhhhh!!!!!!!!!!! I really need a day like that.

And I'm thinking...

The next time I'll feel sick, I wont push my self to work.

Event if I still can make it. I'll just phone in sick and relax at home.

Ah! that seems to be an awesome idea for a break.

Maybe tomorrow? ;)


Tuesday, March 11, 2014

Beyond Forgetting

At dahil naging katuwaan na namin sa office na makining ng mga drama sa Bombo Radyo tuwing hapon, isa sa mga drama ay ang "My One Great Love". Kwento ng mga taong nakahanap ng wagas na pag-ibig. lol. Ang intro nito ay isang tula, na akala ko dati gawa-gawa lang nila, until ini google ko sya. (galing ni pareng google!). and i found this. gusto ko langs syang ishare. waley lang, para makapag upate lang. =).

 

Beyond Forgetting

by Rolando A. Carbonell 


For a moment I thought I could forget you.
For a moment I thought I could still the restlessness in my heart.
I thought the past could no longer haunt me – nor hurt me.
How wrong I was!
For the past, no matter how distant, is as much a part of me as life itself.
And you are part of that life. You are so much a part of me — of my dreams, my early hopes, my youth and my ambitions – that in all tasks I can’t help remembering you.
Many little delights and things remind me of you. Yes, I came. And would my pride mock my real feelings? Would the love song, the sweet and lovely smile on your face, be lost among the deepening shadows?
I have wanted to be alone. I thought I could make myself forget you In silence and in song… And yet I remembered.
For who could forget the memory of the once lovely, the once beautiful, the once happy world such as ours?
I came because the song that I kept through the years is waiting to be sung. I cannot sing it without you. The song when sung alone will lose the essence of its tune, because you and I had been one.
I have wanted this misery to end, because it is part of my restlessness. Can’t you understand? Can’t you divine the depth and tenderness of my feelings towards you?
Yes, can’t you see how I suffer in this even darkness without you?
You went away because you mistook my silence for indifference. But silence, my dear, is the language of my heart.
How could I essay the intensity of my love when silence speaks a more eloquent tone? But perhaps, you didn’t understand…
Remember, I came, because the gnawing loneliness is there and will be lost until the music is sung, until the poem is heard, until the silence is understood…until you come to me again.
For you alone can blend music and memory into one consuming ecstasy. You alone…

Sunday, January 12, 2014

Meet Blue Eyes

December 2013, meron kaming activity sa Church. A Day To Remember: It's All About Jesus.

Lahat ng young people ay nag-invite ng mga friends, classmates, and officemates for the said event.Aside doon nag invite rin sila ng mga bata na malapit sa area ranging from 12 years old and above. We had the event sa isang private beach. Hindi naman ganun ka wow and place pero good enough for a medium size event. At syempre pwede mag field games. But it wasn't just all games, meron rin sharing of God's word, and meron din paramihan ng memory verses per group. Syempre hindi mawawala dun ang kainan. we served lunch and syempre snacks. As always hindi nawawala ang signature food namin ang WTF, known asWHAT THE FOOD. kasi super ma anghang sya. Next time (pag may time)try ko na iblog yun..

After nang lunch time, habang naglilinis na, may na notice akong isang bata. And syempre na mesmerize ako sa kanyang mga mata.. Pinoy sya.. full blooded pinoy. pero may kakaiba sa kanyan. Blue and kanyang mga mata. Noong una gusto ko syang kunan ng picture pero ayaw nya. Buti nalang  nang mga bandang uwian na ay napapayag ko rin sya. Ito sya.. Kaso nakalimutan ko ang name nya..

Pero isa sa mga naalala ko na sabi ng friends nya, ipinaglihi daw sya sa manika (doll). yung blue eyes na doll. Kung nakapanood kayo ng Kapuso mo Jessica Soho, parang same rin sya dun. Pero sabi rin nila 2nd honor daw sya. kung hindi lang daw sya nag aabsent tuwing nagkakasakit sya baka naging 1st honor pa daw. Nag-aaral sya sa SPED, meron rin syang problem sa hearing, pero nakakarinig pa sya konti. Kaya tuwing kinakausap ko sya either nilalakasan ko yung boses ko or sinasabayan ko ng hand gesture. :) Super bibo rin sya sa lahat ng games. kung nanalo lang daw sana yung team nila ng 1st, sya daw sana iboboto nila as MVP.