Tuesday, March 26, 2013

Do the Pencil Trick!



Wow! So today nagkaroon ng laman ang isip ko. 

Beware.. walang kwenta ang post na ito. Continue reading at your own wrist.. Este risk..

Habang nakikipag-usap sa aking officemate sa Spark, at ang aming usapan ay tungkol sa Choices.. Oo.. iba’t ibang pagpipilian.. A, B, C, or D. Multiple choice exams. Basta lahat ng may choices. It all started ng nagtanong ako kung ano ang lasa ng tsaa na nakuha nya. Yun ay ang Lemon Ginger Tea ng Twinings. Sa 5 flavors ng tsaa na pinapili ko sa kanya.. yun ang nakuha nya. At dahil nahirapan syang pumili, pinikit at ini-cover  ng kaliwang kamay nya ang kanyang mga mata at saka sya namili. So yun ang nakuha nya. kaso hindi pala sya mahilig sa ginger, at mukhang hindi nya mauubos ang isang mug ng tsaa. At doon nya na sabi na lagi raw mali ang choices nya. 

Bigla tuloy nanumbalik sakin ang isang ala-ala.. (naks!)

At dahil ala-ala, Naalala ko dati ng kumuha ako ng Civil Service Exam way back 2009, for what purpose? Wala lang, para lang makakuha ng exam. Actually na hikayat lang ako ng bf ko na x ko na ngayon na kumuha ng exam. Tsaka sabi rin nila, pag nag-apply ka daw sa Government mareregular ka after probationary period of 6months? kapag wala ka kasing Civil Service Exam, or hindi kapa naka pasa sa exam na yun hanggang contractual kalang. And so kumuha nga kami. Hindi na ako nag review, at wala rin akong reviewer, at hindi rin ako bumili ng reviewer. Hindi rin ako seryoso sa exam. Basta kukuha lang ako. Yun lang. pasado kung pasado, bagsak kung bagsak. Iniisip ko kung anu man ang outcome noon wala namang may mawawala sa akin. Pag dating ng araw ng exam. Kompleto naman ako sa requirements, Picture, Lapis, ballpen, eraser, dalawang ID, at yung parang slip ata. (nakalimutan ko na). So tatawagin ang name mo, didikit mo yung picture mo sa tapat ng name mo then pipirma ka. Then upo ulit  at antayin matapos ang lahat. Then mag eexam na. Nakalimutan ko kung ilan yung number of questions. Pero ang naalala ko mas marami ata yung numbers dun sa answering sheet kesa sa number of questions. Buti nalang ay nakita ko ang number of questions bago ako nag answer. (tsamba! So hindi ko inishade ang lahat. Parang kunyari nagbasa talaga ako ng instructions) Magkahalong Math, Physics, General Info, Logic, English, may spelling, may sentence construction at definition of terms. Mahirap. Or siguro sa mga taong katulad ko mahirap na ang exam na yun. Hindi naman kasi ako matalino, at oo, inaamin ko may pagkabobo ako. Minsan slow.. at antagal mag process ng memory ko. Anagal kong makaalala. Ang math ini try ko ireverse. Ini isa-isa ko ang sagot kung tutugma dun sa question, kung wala talaga edi kung anu na ang pinaka malapit, kung mukhang imposible parin, ang gagawin ko ay ipipikit ang aking mga mata at ituturo ko yung sagot gamit ng pencil(randomly). Kung anu man ang matuturo nun, yun na ang sagot! (easy di’ba?) Ang English mahirap rin. Parang sa apat na sagot, tatlo dun ang tama, pero syempre, isa lang talaga ang sagot. Kaya sa tatlong feeling ko tama kailangan ko pa mamili ng isa. Parang sa English ata talaga ako nagtagal. Kasi ang hearing ko ang aking basis kung tama ba ang sentence o hindi. Mukha bang tamang pakinggan? Or hindi. Oo. Binibigkas ko yun ng walang boses. (parang tanga lang). Pero pag mahirap parin syempre yung pencil trick ulit! Sa lahat ng questions isa lang ang naalala ko, yun ay about sino ang papalit sa pwesto ng Vice President incase na matsugi sya. Ang sagot ay syempre ang “Senate President”. Panu ko nalaman? Nabasa ko somewhere, I don’t know where. Amazing di ba? Hindi ko pa alam yun?? Bobo much talaga. Buti nalang nabasa ko yun somewhere. So may isang sureball 1point na ako!(super happy na ako kasi hindi ako itlog!) Until dumating na yung oras na nagsabi ang teacher na kailangan na ipasa ang papel. Like? Hello!!! 11am palang ma’am! Gang 12noon pa ang exam. Pero no choice. Nagpapasahan na sila. Ako parang may 2pages pa akong hindi nadaanan!!!! Like yes! Panic!!! At aside sa 2pages na yun may mga numbers pa akong hindi nasagutan sa mga preceding pages. So mabilisan na ang pagbasa. Pag malabo at mukhang wala talaga ako makapkap sa sagot sa kokote ko, syempre pencil trick ulit!!! Sayang wala akong dalang dice noon. Sana dice na ang gagamitin ko sa pagsagot. At dahil ako nalang ang natira sa room, paspasan na pag-shade na ang ginawa ko sa mga natitirang numbers. And then! Viola! FINISH!

Moral of this Experience?? Do the pencil trick! It comes in handy!! Ahihihi.

Well, Seriously, I prayed. Sabi ko Lord wala akong alam sa exam na ito. Alam mo naman bobo ako e. Tsaka alam mo rin hindi ako nagreview. Kasi naman d’ba nagtatrabaho ako. Alangan naman magrereview ako habang nagwowork. Tsaka pagdating ng bahay pagod na ako. Mahirap kaya maging bagger.. nakakangawit, at andaming customer. Tsaka wala akong pambili ng reviewer, at wala rin akong oras at pambayad sa review. You know how poor I am.. Kaya Lord, ikaw na bahala, I-guide mo lagi ang pencil na hawak ko. :)

Have a great vacation everyone!!! Excited much!!!

16 comments:

  1. Nakapasa kaba? Ginawa ko narin yang pencil trick before. May isa pa pala akong naalalang trick sa exam. Pahabaan trick. Lol kung ano ang pinakamahaba sa choices iyun ang pipiliin ko. Ang sa isip ko kasi nun ay mas maraming sinasabi parang mas mukhang tama. Wala lang.

    Kala ko yung naalala mo sa choices ay pag-ibig.. di pala. Nadissappoint ako. dyuk!

    Have a blessed and holy week :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakapasa naman po. :) hehehe. tsamba ngalang.. hirap namn ng pahabaan na yan.. ang naalala ko lang is yung letter A trick. pag d mo alam letter A lagi ang sagot. kasi lagi daw yun ang tama. hehehe.

      at kailangan pag-ibig talaga? wlang choices sa ganyan e. hahaha. choosy pa ba?

      Delete
  2. Aw hindi naman ikaw bobo eh! hihihi JUST TRUST HIM :)

    ReplyDelete
  3. pasado po?

    ano ung exam na kinuha mo? prof o sub-prof? nag-exam din ako dati ng subprof nung college student pa ako. wala lang, nichallenge ko lang sarili ko. paper and pencil exam siya kagaya nung exam mo. nag-exam din ako pagkagraduate ko ng prof. computer based exam na kaya kuha agad ang resulta. wala lang din. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasado naman po. sa awa ni Lord. :) Professional Exam na. kasi grad na rin e. Actually hnd ko alam ang difference nila. hehehe. d ko rin naman kasi nagamit. Com based dn sana gusto ko. kaso sabi nila mas nakakatense daw. at wla rn naman daw nun sa barrio namin. ahihihi. wala lang.

      Delete
  4. mahirap ang exam ng civil service exam ika nga kasi general knowledge yon compared to board exams kasi ang BE field mo talaga as in yong pinag aralan mo for 4 years yon talaga yon. sa CSE nakoh general talaga hindi mo alam san nanggagaling ang questions, stock knowledge lang ang minsan naiiral hahaha at nakakatulong din ang pagbabasa ng mga current events ganyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami dn nagsabi madali lang daw. pero siguro sa mga matatalino yun. at hindi ako belong kaya hnd ko rin na consider na madali sya. hehehe. Hnd ko pa naranasan kumuha ng board exam. wla rin kasi kami nun. hehehe.

      Delete
  5. Okay ang balik-tanaw na ito ah. Pareho lang tayo ng ginagawapag inde alam sagot. Pero ang tawag ko dun inde pencil trick kundi hula-trick hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. yung sa pencil trick kasi yung pencil ang huhula ng sagot. :)

      Delete
  6. OK hindi mo sinabi kung pasado ka so huhulaan ko na lang gamit ang pencil trick LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. base sa pencil trick mo.. ano ang outcome?? pasado ba ako o bagsak?

      Delete
  7. At after ko magbasa, hinahanap ko kung nakapasa ka... At hinanap ko sa comments haha!

    Talagang pag meant to be na makuha mo, makukuha mo, basta may halong dasal... Kaya oo, paguide ka sa mga pencil tricks mo, at sure akong guided yan! hehehehehhehehehehe

    -Steph
    http://traveliztera.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi nga nila kung para sayo, kahit hindi ka daw mag effort sayo talaga mapupunta yun. pero kung hindi meant to be, kahit anung effort mo hindi daw talaga mapupunta sayo. :)

      maraming thank you sa pagdrop ng comment. :).

      Delete
  8. naalala ko tuloy ang pencil trick na nagagawa ko dati hehehe...

    sana makapasa ka.... kung para sayo.... matutupad yan....

    Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po! tapos na po yung exam. That was i think 3yrs ago. hehehe. And yes po. I passed, though, it wasn't of any use kasi d naman ako nag-apply sa gov. hehehe.

      Delete