Wow! So today nagkaroon ng laman ang isip ko.
Beware.. walang kwenta ang post na ito. Continue reading at
your own wrist.. Este risk..
Habang nakikipag-usap sa aking officemate sa Spark, at ang aming
usapan ay tungkol sa Choices.. Oo.. iba’t ibang pagpipilian.. A, B, C, or D.
Multiple choice exams. Basta lahat ng may choices. It all started ng nagtanong ako kung ano
ang lasa ng tsaa na nakuha nya. Yun ay ang Lemon Ginger Tea ng Twinings. Sa 5 flavors
ng tsaa na pinapili ko sa kanya.. yun ang nakuha nya. At dahil nahirapan syang
pumili, pinikit at ini-cover ng kaliwang
kamay nya ang kanyang mga mata at saka sya namili. So yun ang nakuha nya. kaso
hindi pala sya mahilig sa ginger, at mukhang hindi nya mauubos ang isang mug ng
tsaa. At doon nya na sabi na lagi raw mali ang choices nya.
Bigla tuloy nanumbalik sakin ang isang ala-ala.. (naks!)
At dahil ala-ala, Naalala ko dati ng kumuha ako ng Civil
Service Exam way back 2010, for what purpose? Wala lang, para lang makakuha ng
exam. Actually na hikayat lang ako ng bf ko na x ko na ngayon na kumuha ng exam.
Tsaka sabi rin nila, pag nag-apply ka daw sa Government mareregular ka after
probationary period of 6months? kapag wala ka kasing Civil Service Exam, or
hindi kapa naka pasa sa exam na yun hanggang contractual kalang. And so kumuha
nga kami. Hindi na ako nag review, at wala rin akong reviewer, at hindi rin ako
bumili ng reviewer. Hindi rin ako seryoso sa exam. Basta kukuha lang ako. Yun
lang. pasado kung pasado, bagsak kung bagsak. Iniisip ko kung anu man ang
outcome noon wala namang may mawawala sa akin. Pag dating ng araw ng exam.
Kompleto naman ako sa requirements, Picture, Lapis, ballpen, eraser, dalawang
ID, at yung parang slip ata. (nakalimutan ko na). So tatawagin ang name mo,
didikit mo yung picture mo sa tapat ng name mo then pipirma ka. Then upo ulit at antayin matapos ang lahat. Then mag eexam
na. Nakalimutan ko kung ilan yung number of questions. Pero ang naalala ko mas
marami ata yung numbers dun sa answering sheet kesa sa number of questions.
Buti nalang ay nakita ko ang number of questions bago ako nag answer. (tsamba! So
hindi ko inishade ang lahat. Parang kunyari nagbasa talaga ako ng instructions)
Magkahalong Math, Physics, General Info, Logic, English, may spelling, may
sentence construction at definition of terms. Mahirap. Or siguro sa mga taong
katulad ko mahirap na ang exam na yun. Hindi naman kasi ako matalino, at oo,
inaamin ko may pagkabobo ako. Minsan slow.. at antagal mag process ng memory
ko. Anagal kong makaalala. Ang math ini try ko ireverse. Ini isa-isa ko ang
sagot kung tutugma dun sa question, kung wala talaga edi kung anu na ang pinaka
malapit, kung mukhang imposible parin, ang gagawin ko ay ipipikit ang aking mga mata at ituturo ko yung sagot gamit ng pencil(randomly). Kung anu man ang
matuturo nun, yun na ang sagot! (easy di’ba?) Ang English mahirap rin. Parang sa
apat na sagot, tatlo dun ang tama, pero syempre, isa lang talaga ang sagot. Kaya
sa tatlong feeling ko tama kailangan ko pa mamili ng isa. Parang sa English ata
talaga ako nagtagal. Kasi ang hearing ko ang aking basis kung tama ba ang sentence
o hindi. Mukha bang tamang pakinggan? Or hindi. Oo. Binibigkas ko yun ng walang
boses. (parang tanga lang). Pero pag mahirap parin syempre yung pencil trick
ulit! Sa lahat ng questions isa lang ang naalala ko, yun ay about sino ang papalit sa pwesto
ng Vice President incase na matsugi sya. Ang sagot ay syempre ang “Senate
President”. Panu ko nalaman? Nabasa ko somewhere, I don’t know where. Amazing di
ba? Hindi ko pa alam yun?? Bobo much talaga. Buti nalang nabasa ko yun
somewhere. So may isang sureball 1point na ako!(super happy na ako kasi hindi ako itlog!) Until dumating na yung oras na
nagsabi ang teacher na kailangan na ipasa ang papel. Like? Hello!!! 11am palang
ma’am! Gang 12noon pa ang exam. Pero no choice. Nagpapasahan na sila. Ako
parang may 2pages pa akong hindi nadaanan!!!! Like yes! Panic!!! At aside sa
2pages na yun may mga numbers pa akong hindi nasagutan sa mga preceding pages.
So mabilisan na ang pagbasa. Pag malabo at mukhang wala talaga ako makapkap sa
sagot sa kokote ko, syempre pencil trick ulit!!! Sayang wala akong dalang dice
noon. Sana dice na ang gagamitin ko sa pagsagot. At dahil ako nalang ang natira
sa room, paspasan na pag-shade na ang ginawa ko sa mga natitirang numbers. And then!
Viola! FINISH!
Moral of this Experience?? Do the pencil trick! It comes in
handy!! Ahihihi.
Well, Seriously, I prayed. Sabi ko Lord wala akong alam sa
exam na ito. Alam mo naman bobo ako e. Tsaka alam mo rin hindi ako nagreview. Kasi
naman d’ba nagtatrabaho ako. Alangan naman magrereview ako habang nagwowork. Tsaka
pagdating ng bahay pagod na ako. Mahirap kaya maging bagger.. nakakangawit, at
andaming customer. Tsaka wala akong pambili ng reviewer, at wala rin akong oras
at pambayad sa review. You know how poor I am.. Kaya Lord, ikaw na bahala,
I-guide mo lagi ang pencil na hawak ko. :)
Have a great vacation everyone!!! Excited much!!!