Thursday, September 27, 2012

Sweet Surprise



Last Thursday (Sept. 20, 2012) I got a surprise birthday celebration from my friends.  Something na hindi ko ini-expect (kya nga surprise eh). Habang nag-uusap kami sa email thread, ang topic was meeting Alan, He’s my former officemate’s fiancĂ©, na sa SG dati nagwork at lumipat na dito ng Pinas. So we are all excited to see him. Or so I think. So on that day, actually masama pakiramdam ko kasi an sama ng sipon ko. Parang gripo na non-stop (EWWWW!!!) I tried drinking meds, kahit hindi ako mahilig uminom dahil hindi ko na kasi kaya. Nagtataka rin ako bakit hindi pa sila nagtetext dahil anung petsa na. Usapan naming is 7 pm. At ang alam ko ang labas ni buntit is around 6:30. Iniisip ko rin na sabay kaming pupunta. Pero hindi sila nagtetext.. So pumunta naku ng landmark to buy mallows para sa gagawin kung mallow bouquet. After buying, I’m actually thinking of heading home, kasi ansama nga ng pakiramdam ko. When I got to Seafood Island sa Greenbelt  andun na pala ang magpartners. Nahiya namn ako, ako lang ata wlang partner. At buti nalang andun darating si Milbert, hindi ako masyadong OP sa partner thing. Andun si buntit (actually nanganak na sya nung 25. A Cute baby girl!) at hubby nya si Jaypee, then si Dyosa at fiancĂ© nya si Ivan. Nag order na ng food, yung boodle feast. And then dumating si Milbert. Syempre Update ng mga panyayari. Mga nagyaring proposals, nangyaring plans, mga balak-balak sa buhay.. chismis. Etc. gang sa dumatig na ang food and YES! It was a feast!! Puro kasi kami PG. mga magpagpanggap lang na onti kumain at diet mode. Last na dumating si Janice. Pero wala si Alan. So nagtaka ako. Kasi yung dinner na yun is para nga sa kanya. Anyway.. nasa HK daw pinadala ng company. So kain lang ng kain hagang masimot na lahat ng food. PG talaga.. at nang nilinis na ang waiter yung mesa, mega usap parin kami. At nagulat ako ng may nilapag silang cake. At Nasurprise ako! Ahihihi. How sweet! And I blew the candle and made a wish. At hindi lang pala cake ang surprise. May mga dala-dala pala silang mga presents. Nag-abot si Dyosa ng green na bag, then lahat ng laman ng bag nakabalot dn sa green (kasi daw akala nya fave color ko yun – ahahaha. Actually hindi eh). Then when I unwrapped lahat ng laman nun, isang  green ballpen  na may frog head, isang green food storage na palaka rin ang design, isang mug na palaka ulit ang design! (kasi akala nya fave animal ko yun – pero hindi. Hahaha. Coincidence lang dn na marami akong palaka na gamit sa workspace ko, at puro green items rin.) but they’re adorably cute!! Then Chiqui gave me an art/designing book. Which I really like! Kasi mahilig ako dun. Gumawa ng something-something.. Janice game me a Green massage coupon. And Milbert gave me a stufftoy na green frog din. It’s so fluffy! And cute!!!. And I think pwede na ako mag collect ng green na palaka!  The reason they celebrated it early kasi manganganak na daw si ChiQui.
To my dear friends! Salamat!! It’s so sweet of you guys! =)

actually ayoko mag celebrate ng birthday.. para kasing tumatanda ka lalo. hahaha.

Wednesday, September 5, 2012

Let's Do The Zumba!!



Dahil OhhTee ako  (hansipag! OT TY lang!)  at dahil nag-aantay ako ng revisions ng QA para mareview ko ulit ng paulit-uli (unli kasi. tsk tsk.).. magpopost ako dito. pang patay oras lang. =)

Ano ang Zumba? Ito ay parang sayaw exercise na halo-halo. Parang nag aerobics kalang pero may kasamang hip-hop, na may kasamang cha-cha  at etc. Ask mo nalang si Pareng google for that, for sure tuturo ka nya kay ate Wikipedia. =)

So, nag sign up na ako for Zumba. Dapat last time pa, Mid August pa nagsimula ang Zumba session sa office, kaso umuwi ako ng province at nag enjoy ng 7days bakasyon (So?? Pake nyo naman dba? ahihihi). Hati-hati lang ang mga nagjojoin sa bayad sa instructor. And ang malas ng araw nang pag join ko. May ab-workout. Yes! Ab lang. kasi isa lang e. hindi pa 6packs. Ahihihi. So bring your mat ang kailangan, kung kaya mo naman maglinis ng floor habang nagwowork-out pede rin. At least pagtayo mo makintab na ang floor! So more more sa crunches, crunches with legs raised up (kung ano man tawag dun) at nagpapaslow-mo ng count pa yung instructor. Slow up slow down.. etc.. Sakit sa abdomen.. sakit sa abs.. parang mauubusan ka ng hininga.. Nakakapanghina. After ng ab-works parang wla na akong energy sumayaw… Then came the sayawan part. Grabe! Akala ko parang nagdidisco lang. Nakakapagod rin pala. Parang na lo-lost in space ako lagi sa mga the moves ni manong instructor. Merong to the left to the left right right twist and right right jump clap! Kung anu man yun. Parang puro ata lefties ang mga paa ko. (wla talaga akong future sa sayaw) . But I need to do this!! Sa pangalan ng pampaliit ng bewang at para magkaroon ng ab! Kahit isa lang muna. Ahihihi. It’s an hour and a half session.. Nakakapagod sya, nakakangawit rin sa arms pati sa legs. More sa giling-giling ang ending moves. Takbo-tabko slight and back jump! Then giling-giling ulit with the hands hanging on your sides parallel sa floor. Then Step left step right and left with body shake-shake and giling ulit. wew!! I survived!! Parang SL ako bukas nito a… 

Sa Monday ulit! Let’s do the Zumba!!!!

Monday, September 3, 2012

Ang Tapang ng May Kasalanan

Date: August 29, 2012
Time: Around 10:50 PM
Location: SLEX going to Nichols

Galing ako ng Church sa E.Rodriguez, Pasay, then pinuntahan ko ang kuya ko sa Malibay para ibigay ang longganisa na pinadala ng nanay ko. Ang hirap sumakay ng jeep. puro puno na. Ganun talaga lagi doon pag Wednesday. May mga 45mins siguro kaming nag-aantay ng kuya ko ng jeep na dumadaan ng Bicutan. and At long last! nakasakay na rin ako. Medyo puno na rin slight ang jeep at buti nalang may space pa na makaupo pa ako. Syempre as expected traffic. Lalo na yung galing Pasay at paliko sa Nichols. Tahimik lang. nakikinig sa mga taong nag-uusap sa jeep and biglang may isang mahabang screech sound ng nasagi na area ng jeep na sinasakyan namin AT nagulat ang lahat. May iba napamura. Traffic kasi, at ang sikip ng mga sasakyan. Halo-halo na pati mga jeep, bus, private na sasakanyan, truck na malalaki at maliliit. Nasagi kami ng isang 10-Wheeler truck. Nabasag ang side mirror ng jeep yung sa bandang right. At medyo nag-init ang ulo ng karamihan dun sa driver ng truck na nakasagi. Hinabol slight ni mamang driver (syempre sakay sa jeep nya) at binabaan. At nagreklamo sa driver. Medyo naglabas sya ng galit kasi nakita kong hinampas nya  yung pintuan ng truck gamit ang kamay nya.. May sigawan na naganap. Hindi ko marinig masyado kasi maingay ang mga sasakayan kasi traffic at medyo may kalayu-an sila. mga 4-5meters away. Maya-maya ay tumakbo pabalik yung driver ng jeep sa jeep nya at biglang pinaandar kaagad.. Tumakbo pala si manong kasi hinabol sya ng pahinante (yung kasama ng driver ng truck) ng tubo. mga kalahating metro ang haba. At ng makalagpas ang jeep, Ito naman ay hinabol ng truck. Nagpanic na ang mga tao sa jeep. kanya-kanya nang text ng saklolo at tawag sa mga pwedeng hingan ng tulong, Friends, relatives, MMDA, Pulis.. pati guard..  Kaso walang kawala yung jeep kasi traffic nga. At hangang sa maabutan, bumababa ulit ang lalaking may tubo. sumisigaw sya. (hindi ko na maalala yung sinabi) pero mga isang metro lang ang layo ng lalake sakin. Sumisigaw na rin yung iba na wag daw lumabas yung driver ng jeep kasi baka mapano sya. Yung lalaking may tubo parang galit na galit na. at hinahamon nya si mamang driver. Antapang nya kasi may tubo sya. (sayang wla akong dalang tubo, hehehe) at bigla nya hinampas ulit yung kabilang side mirror (yung left side naman). at syempre basag! Napasigaw pa ako ng TAMA NA! (naks ang drama!) at parang hinampas pa nya yung hood ng jeep sabay takbo balik sa truck at mabilis na nag drive palayo yung truck. At panic mode parin ang mga tao sa loob ng jeep. gang sa maka-abot na kami ng DOST Bicutan, doon may mga MMDA na nagbabantay, nagreport ang driver, kaso I think.. wala paring kwenta.. kawawa naman si Manong driver.

the end..