Monday, January 16, 2012

Boss Kasi 2

Oh ito na.. isa pang Suck Ass boss ko.. DATI....

So how it all started??


Sa una I though it was going to be cool. Kukunin ako ng kabilang team. Supposedly terminated na ako, pero may offer na din ako sa isang company, an offer hard to decline. Kasi binigay lahat ng gusto ko. Ang Night shft ginagwang Morning.. ang Techno Hub location ginawa ng Makati, Ang gross tataasan pa sana... But then I decline. kasi Kukunin ako ng kabilang department. Thinking it's going to be cool there. Thinking na may kaayusan doon. Thinking na mabait at magaling mag manage ang Boss.. thinking i will grow better in my career.. Thinking I will learn alot..

Pero isang malaking PAGKAKAMALI PALA!!!

On the first few days OK pa... basa-basa ng documents. I try to absorb what I can absorb.. (pero parang wla akong may na absorb. hahaha. sa dami ba namn ng documents). Documents.. pero wlang manual. wlang use cases.. OK.. fine. Documents.. May energy pa ako noon pumasok. Feeling like.. Everyday is a new Day! Pero habang tumatagal.. Hindi na ako happy.

Sa una akala ko strict pa si bossing. Pero hindi pala. Sa amin lang pala yun na hindi nya like..(Choosy??  YES! choosy sya. Virgo kasi. No offense sa ibang virgo ha.) Pero sa mga Peborit.. Hindi ganon. Kami.. with my Co BA, we try to finish things as discussed. Kung kelan ang deadline, tapos na namin talaga. No reasons. No Excuses. Kung kailangan mag concentrate e, edi concentrate. Kung kailangan mag extend. nag-eextend. Actually araw-araw naman nag eextend e. Pumapasok ng 9, umuuwi ng 8? 9? 10? 11? 12? ginagabi na kami. Pag may lakad ako nacacancel pa kasi biglang magpapameeting ng 6pm? 7pm? Parang ang unfair naman ata yun sa maagang dumadating para maagang makakuwi. Syempre ang hirap nun pagdating mo ng office wla pa yung iba. Ok lang pag wlang dependency yung gnagawa mo. Paano pag meron? Mag-aantay kapa? Hassle ata yun. Mas lalo na sa mga QA namin na Alas syete o alas otcho ay nasa office na. at Uuwi ng 10pm? Pero ang dev, pwede on the spot umuwi. Pwedeng work from home. Minsan nga anytime uuwi. Magdidinner lang daw. kasi malapit lang ang condo. babalik after 3 hours para mag out? Anu nagawa nya sa buong araw? Syempre wala. Pero may magagawa ba kami dun? Wala dn. kasi kahit ilang beses mo na e-open up sa Bossing ang mga concerns, pag dev ang concerns wla syang kayang gawin! Hindi nya kayang sabihan. Pag nasabihan nga nya, mag oo lang yun. Pero wla naman effect. Ang pangit nun ang balik nasa BA at QA. At pag hnd naman minsan nagawa ng dev si Boss ang gagawa. Boss? Boss kaba talaga? hindi mo alam panu bigyan ng accountability ang tauhan mo? Kunting excuse lang na parang hindi naman valid acceptable na agad? So not fair.. (bitter ko kasi hindi ako favorite? hahaha duh! sila nah!).Isa pa, gusto nya na mag suot kami ng formal outfit sa office. e heller! Company policy na nga ang dress down e.. And Formal business attire ha. E wla naman client na pumpunta sa office. and ang example nya  isa naming officemate na hindi naman actually formal/business casual ang suot, kundi pang party, pang night out. Are leggings considered formal? since when? mukha lang sya sosyal, kasi sosyal nga talaga sya, pero hindi yun formal (nogpoprotesta kasi jeans and shirt lang ang ang damit sa cabinet. hahaha. purita much! trasher ako e! hehehe) and mini skirts are not formal! kasama na ang sleeveles? Tularan daw namin yun. kasi yun ang pormal! like heller!!! alam namin na type mo sya. kahit may asawa kana at may asawa na rin sya, at nilalandi mo (hindi kami manhid. hehehe) hay... simpleng malandi lang talaga si EX BOSSING. lahat ng magaganda sa office. nilalandi nya. yung kunyari hindi, pero heller! halata kaya! may pahawak kamay pa. kunyari nag aassist lang. (baka daw kasi matisod. naks! hahaha). At hindi nya alam na chinichismis namin sya! Isa sa mga nilalandi nya closeness namin... Lagi nya minimessage sa skype, inaaya nya gumala, lumabas, dinner, outing. with her and his friends? ay bagito ito! hahaha.. Like hello? feeling single ka? hahahaha. e alam namn nya na sobrang selosa ang asawa nya.. panu pag nakita sila? gusto nya mapatay ang friendship namin sa tiger wife nya?? meron pa din syang mga pasimpleng chansing. na kami naman na alert e napapansin namin kaagad. (wla magawa kasi sa office kaya nagbabantay. hehehe). enough of his kalandian.. so.. Sya din yung tipo na pag wla ka sa meeting with regards sa project na involve ka, ilalaglag ka nya. ikaw ang masisisi. like what happened sa isang kasama ko. at buti nalang nagtatrack sya (yung co Ba ko) ng email, kaya may ebidensya sya. So wlang lusot si Bossing. Talo sya sa kaso! Bleeeh!!! and nagrejoice kami! hehehe. Isa pa, Hindi nya kayang pahalagahan ang tauhan nya na hindi nya peborit!!!!!  kung d ka nya peborit hindi ka nya susuportahan kahit ikaw ang isa sa mga assets nya. No choice. Hindi ka nga peborit kaya wag muna pagsisikan. Grabe.. Sobrang bitter ko na talaga... Ayoko lang sa mga paasang words nya. kesyo kakausapin daw ang taong  pinangagalaiti namin sa team. na nagkakasigawan na nga kami sa office. too bad wla sya. hindi nya alam. pero ang ending. Wala. ang mga concerns mo ay lumabas lang sa other ear nya. and forgotten. Dahil sa kanya na demote ang dapat na IT manager. I dont know kung demote nga yun. pero naging BA Manager nalang sya. na ang alam ng karamihan sya ang Manager. So I dont know. Pero prefer ko pa sana yun maging Manager kesa sa kanya. Yun ngalang technical person sya, yun ang naging edge nya, at sobrang nagpakitang gilas sya sa mga Higher bossing, kaya nalipat sa kanya ang korona. Pero hindi talaga sya karapatdapat maglead. kasi wla syang Leadership skills. wla dn sya soft skills, at hindi rin sya marunong magmanage ng tauhan nya. Isang reason dn na naging rebelde ang mga BA at QA. wew.. at ako na ang isang matapang na sumagot sa kanya sa aming meeting ng nagtanong sya na "Hindi pa ba ako strict?" sabi ko naman with all honesty and conviction: "HINDI!" and huli ko na narealize ang aking malaking pagkakamali. hehehe. pero I was just being honest. kasi totoo naman.

enough of this bitterness. hahahaha

AJAH!!!!

Ambush!

Naranasan nyo na bang ma ambush? 

Hindi yung ambush na Gyera..

What I mean here is ma ambush ang pagkain ninyo?

This usually happens pag kayo ay may bitbit na food at kayo ay naglalakad kung saan mang gilid-gilid na may mga pulube na nagtotour around.

Maraming beses na akong na ambush. Merong may nagpapa-alam para hingin kung anu man ang aking kinakain. meron din na bigla nalang hahablotin sayo sabay takbo! and woot! malayo na sya.. At ikaw ay naiwan sa state of SHOCK...

Here are some of the incidents that I can remember:

1. Last Monday lang, dumaan ako sa suking Julies at bumili ng bread (ito lang kasi ang afford ko. hehehe). Hindi naman kamahalan ang bread. E kasi gutomski na ako. Hindi kasi ako nag breakfast galing sa bahay. May biglang kumalabit sa akin. Isang ale na may bitbit na bata. Ay hindi. Kalong pala nya yung bata.Humihingi.. Sabi ko wla po.. tapos inabot na sakin ng tendera ng Julies ang binili kung tinapay na worth P10.  Kinalabit ulit ako. sabi ko ulit wla po. At kinalabit ulit ako.. Binigay ko na yung binili kung tinapay at nag sabi ulit sa tindera na bibili ulit ako ng isa pang P10.

2. Nasa Iloilo pa ako noon. kumakain ako ng Sundae code from my favorite fast food chain "McDonalds". biglang may kumalabit sakin hinihingi ang Sundae ko. e ayaw ko.. Tsaka naka ilang dila na ako sa Sundae. Kalabit ulit sabay turo sa Sundae ko na dinidilaan.. Nahabag naman ako.. Binigay ko... Pag lingon sakin ng mga kasama ko nagulat sila ang bilis ko daw kumain ng Sundae.. hehehe..

3. Pauwi na ako.. From office. so umakyat ako ng Ayala MRT. At dahil nakaramdam ulit ng Gutom bumili ako ng tinapay sa suking Julies ulit. May kamahalan ang tinapay doon so dalawang piraso lang ang binili ko. Pag baba ko na. pasakay ng bus papuntang South, may kumalabit na naman sakin na bata. sabi ko wla po. pero tinuturo nya ang tinapay na bit-bit ko. At sabay sabi na gutom na daw siya.. Again no choice.. Binigay ko nalang ang tinapay ko.. ni hindi pa nga ako naka kagat doon... :( so yun.. sumakay na ako ng bus na alabang ang bid goodbye sa tinapay ko na kinakain na ng bata.

4.Ang classmate ko. May bitbit daw syang C2, habang naglalakad, biglang hinablot daw sa kanya ang C2 nya.. so.. Goodbye C2 dn sya.. Uhaw na uhaw pa daw sya noon..

Usually hindi ko kayang tiisin ang mga nagugutom na nangangalabit for food. Basta meron ako.. bibigay ko. Kery lang kahit gutom din ako. pero inaamin ko minsan.. Matigas dn ang puso ko. hehehe..

Kayo Naranasan nyo na ba to? Nagbigay dn ba kayo? =)