Thursday, September 27, 2012

Sweet Surprise



Last Thursday (Sept. 20, 2012) I got a surprise birthday celebration from my friends.  Something na hindi ko ini-expect (kya nga surprise eh). Habang nag-uusap kami sa email thread, ang topic was meeting Alan, He’s my former officemate’s fiancĂ©, na sa SG dati nagwork at lumipat na dito ng Pinas. So we are all excited to see him. Or so I think. So on that day, actually masama pakiramdam ko kasi an sama ng sipon ko. Parang gripo na non-stop (EWWWW!!!) I tried drinking meds, kahit hindi ako mahilig uminom dahil hindi ko na kasi kaya. Nagtataka rin ako bakit hindi pa sila nagtetext dahil anung petsa na. Usapan naming is 7 pm. At ang alam ko ang labas ni buntit is around 6:30. Iniisip ko rin na sabay kaming pupunta. Pero hindi sila nagtetext.. So pumunta naku ng landmark to buy mallows para sa gagawin kung mallow bouquet. After buying, I’m actually thinking of heading home, kasi ansama nga ng pakiramdam ko. When I got to Seafood Island sa Greenbelt  andun na pala ang magpartners. Nahiya namn ako, ako lang ata wlang partner. At buti nalang andun darating si Milbert, hindi ako masyadong OP sa partner thing. Andun si buntit (actually nanganak na sya nung 25. A Cute baby girl!) at hubby nya si Jaypee, then si Dyosa at fiancĂ© nya si Ivan. Nag order na ng food, yung boodle feast. And then dumating si Milbert. Syempre Update ng mga panyayari. Mga nagyaring proposals, nangyaring plans, mga balak-balak sa buhay.. chismis. Etc. gang sa dumatig na ang food and YES! It was a feast!! Puro kasi kami PG. mga magpagpanggap lang na onti kumain at diet mode. Last na dumating si Janice. Pero wala si Alan. So nagtaka ako. Kasi yung dinner na yun is para nga sa kanya. Anyway.. nasa HK daw pinadala ng company. So kain lang ng kain hagang masimot na lahat ng food. PG talaga.. at nang nilinis na ang waiter yung mesa, mega usap parin kami. At nagulat ako ng may nilapag silang cake. At Nasurprise ako! Ahihihi. How sweet! And I blew the candle and made a wish. At hindi lang pala cake ang surprise. May mga dala-dala pala silang mga presents. Nag-abot si Dyosa ng green na bag, then lahat ng laman ng bag nakabalot dn sa green (kasi daw akala nya fave color ko yun – ahahaha. Actually hindi eh). Then when I unwrapped lahat ng laman nun, isang  green ballpen  na may frog head, isang green food storage na palaka rin ang design, isang mug na palaka ulit ang design! (kasi akala nya fave animal ko yun – pero hindi. Hahaha. Coincidence lang dn na marami akong palaka na gamit sa workspace ko, at puro green items rin.) but they’re adorably cute!! Then Chiqui gave me an art/designing book. Which I really like! Kasi mahilig ako dun. Gumawa ng something-something.. Janice game me a Green massage coupon. And Milbert gave me a stufftoy na green frog din. It’s so fluffy! And cute!!!. And I think pwede na ako mag collect ng green na palaka!  The reason they celebrated it early kasi manganganak na daw si ChiQui.
To my dear friends! Salamat!! It’s so sweet of you guys! =)

actually ayoko mag celebrate ng birthday.. para kasing tumatanda ka lalo. hahaha.

Wednesday, September 5, 2012

Let's Do The Zumba!!



Dahil OhhTee ako  (hansipag! OT TY lang!)  at dahil nag-aantay ako ng revisions ng QA para mareview ko ulit ng paulit-uli (unli kasi. tsk tsk.).. magpopost ako dito. pang patay oras lang. =)

Ano ang Zumba? Ito ay parang sayaw exercise na halo-halo. Parang nag aerobics kalang pero may kasamang hip-hop, na may kasamang cha-cha  at etc. Ask mo nalang si Pareng google for that, for sure tuturo ka nya kay ate Wikipedia. =)

So, nag sign up na ako for Zumba. Dapat last time pa, Mid August pa nagsimula ang Zumba session sa office, kaso umuwi ako ng province at nag enjoy ng 7days bakasyon (So?? Pake nyo naman dba? ahihihi). Hati-hati lang ang mga nagjojoin sa bayad sa instructor. And ang malas ng araw nang pag join ko. May ab-workout. Yes! Ab lang. kasi isa lang e. hindi pa 6packs. Ahihihi. So bring your mat ang kailangan, kung kaya mo naman maglinis ng floor habang nagwowork-out pede rin. At least pagtayo mo makintab na ang floor! So more more sa crunches, crunches with legs raised up (kung ano man tawag dun) at nagpapaslow-mo ng count pa yung instructor. Slow up slow down.. etc.. Sakit sa abdomen.. sakit sa abs.. parang mauubusan ka ng hininga.. Nakakapanghina. After ng ab-works parang wla na akong energy sumayaw… Then came the sayawan part. Grabe! Akala ko parang nagdidisco lang. Nakakapagod rin pala. Parang na lo-lost in space ako lagi sa mga the moves ni manong instructor. Merong to the left to the left right right twist and right right jump clap! Kung anu man yun. Parang puro ata lefties ang mga paa ko. (wla talaga akong future sa sayaw) . But I need to do this!! Sa pangalan ng pampaliit ng bewang at para magkaroon ng ab! Kahit isa lang muna. Ahihihi. It’s an hour and a half session.. Nakakapagod sya, nakakangawit rin sa arms pati sa legs. More sa giling-giling ang ending moves. Takbo-tabko slight and back jump! Then giling-giling ulit with the hands hanging on your sides parallel sa floor. Then Step left step right and left with body shake-shake and giling ulit. wew!! I survived!! Parang SL ako bukas nito a… 

Sa Monday ulit! Let’s do the Zumba!!!!

Monday, September 3, 2012

Ang Tapang ng May Kasalanan

Date: August 29, 2012
Time: Around 10:50 PM
Location: SLEX going to Nichols

Galing ako ng Church sa E.Rodriguez, Pasay, then pinuntahan ko ang kuya ko sa Malibay para ibigay ang longganisa na pinadala ng nanay ko. Ang hirap sumakay ng jeep. puro puno na. Ganun talaga lagi doon pag Wednesday. May mga 45mins siguro kaming nag-aantay ng kuya ko ng jeep na dumadaan ng Bicutan. and At long last! nakasakay na rin ako. Medyo puno na rin slight ang jeep at buti nalang may space pa na makaupo pa ako. Syempre as expected traffic. Lalo na yung galing Pasay at paliko sa Nichols. Tahimik lang. nakikinig sa mga taong nag-uusap sa jeep and biglang may isang mahabang screech sound ng nasagi na area ng jeep na sinasakyan namin AT nagulat ang lahat. May iba napamura. Traffic kasi, at ang sikip ng mga sasakyan. Halo-halo na pati mga jeep, bus, private na sasakanyan, truck na malalaki at maliliit. Nasagi kami ng isang 10-Wheeler truck. Nabasag ang side mirror ng jeep yung sa bandang right. At medyo nag-init ang ulo ng karamihan dun sa driver ng truck na nakasagi. Hinabol slight ni mamang driver (syempre sakay sa jeep nya) at binabaan. At nagreklamo sa driver. Medyo naglabas sya ng galit kasi nakita kong hinampas nya  yung pintuan ng truck gamit ang kamay nya.. May sigawan na naganap. Hindi ko marinig masyado kasi maingay ang mga sasakayan kasi traffic at medyo may kalayu-an sila. mga 4-5meters away. Maya-maya ay tumakbo pabalik yung driver ng jeep sa jeep nya at biglang pinaandar kaagad.. Tumakbo pala si manong kasi hinabol sya ng pahinante (yung kasama ng driver ng truck) ng tubo. mga kalahating metro ang haba. At ng makalagpas ang jeep, Ito naman ay hinabol ng truck. Nagpanic na ang mga tao sa jeep. kanya-kanya nang text ng saklolo at tawag sa mga pwedeng hingan ng tulong, Friends, relatives, MMDA, Pulis.. pati guard..  Kaso walang kawala yung jeep kasi traffic nga. At hangang sa maabutan, bumababa ulit ang lalaking may tubo. sumisigaw sya. (hindi ko na maalala yung sinabi) pero mga isang metro lang ang layo ng lalake sakin. Sumisigaw na rin yung iba na wag daw lumabas yung driver ng jeep kasi baka mapano sya. Yung lalaking may tubo parang galit na galit na. at hinahamon nya si mamang driver. Antapang nya kasi may tubo sya. (sayang wla akong dalang tubo, hehehe) at bigla nya hinampas ulit yung kabilang side mirror (yung left side naman). at syempre basag! Napasigaw pa ako ng TAMA NA! (naks ang drama!) at parang hinampas pa nya yung hood ng jeep sabay takbo balik sa truck at mabilis na nag drive palayo yung truck. At panic mode parin ang mga tao sa loob ng jeep. gang sa maka-abot na kami ng DOST Bicutan, doon may mga MMDA na nagbabantay, nagreport ang driver, kaso I think.. wala paring kwenta.. kawawa naman si Manong driver.

the end..

Friday, August 31, 2012

Just Your Imagination

May nakilala ka nabang tao na mahilig mag Imagine?? Mahilig mag Assume.. Let's say masyadong feeling? Feeling ever so pogi na sya na ata ang pinakagwapo sa Mundo ng Universe? Feeling nya lahat ng babae ay may gusto sa kanya? Pero wala daw chance sa kanya kasi nga mataas ang Standards nya.. Masyadong Hot buds ang feeling na kahit sinong girl, isama mo na mga bading, ay magkakagusto sa kanya?

Qualifications na hinahanap nya sa babae na papasa sa Standards at taste nya:
1. Dapat graduate ng UP.
2. Dapat maganda at Sexy.

O ha... Kailangan matalino para makapasok ka sa Qualifications na hanap nya. at dapat maganda ka.. Actually wala naman problema sa ganoong Qualifications. ang problema lang ay kung Qualified kaba na magdemand ng ganoong Qualifications?

Kung sya  ang idedescribe ganito sya:
(ito ay based sa descriptions ng mga taong nakakasalamuha at nakakakilala sa kanya)

Physical Appearance:
- Payat (sobra! parang na reincarnate si Palito)
- Mukhang bankay na buhay
- Kulot ang hair.. very dry. SUPER!
- Coarse ang skin. lalo na ang mukha.
- Pagnakita mo sya maniniwala ka na totoo ang mga Zombies
- Nanaisin mo talangang sana hindi mo sya nakita ever
- Hindi pantay ang ngipin, Hindi rin maganda tingnan
- Hindi rin matangkad (estimated height 5'3)
- Hindi ko alam kung mapimple ba o makulugo ang mukha.. basta parang ganun
- Hindi rin mukhang malinis ang katawan.
- Maitim
- Parang galing africa, tulad ng mga bata dun na nagsusuffer sa  malnutrition.
- Parang hindi pa ever nakakain.

Attitude/ Behavior/ Psychological/ Mental:
- May ADHD sya.. (actually dapat ay Bipolar - biglang naiiba ang mood for no reason at all)
- Mahilig mamigay ng gift lalo na sa girlalu na type nya (which means Qualified)
- Mayabang especially when talking about girls. Marami sya alam. But never pa nagka GF. EVER!
- Feeling close rin sa mga girls.
- If you show kindness or just a friendly care, iisipin nya may gusto ka sa kanya
- Madaling mauto..
- Hopeful Romantic - Hindi sya nawawalan ng pag-asa kahit sobrang halata na ayaw sa kanya
- He takes advantage, especially pag lasing ang girl.
- Emo.. Umiiyak sa tugtug ng the Man Who Can't be Moved

kahit sa dati ko pang office pinag-balaan na kami ng mga nakakilala sa kanya  na mag-ingat daw kami sa kanya at wag masyado maging close. and YES  we were very careful. But until this one time na pinasama sya ng isa pa naming officemate sa isang retreat, i thouht nagbago na sya. Isa palang MALING AKALA!
So as a good friend that I am (naks! chos lang) i treated him as one of my friends. yung normal friends lang but not included sa close friends category.

Til this one time na tumawag sya for help dahil magpapa-admit sya sa Chinese General Hospital (kasi Mura Doon) kasi masakit ang tyan nya, parang na ulcer ata. It was already midnight at hindi na ako pwede lumabas ng boarding house kasi delekado dun sa labas. At may nag-aaway na naman. So i texted na update nya nalang kami in the morning kung anu na nangyari.. And again, in the morning nagising ako sa tawag nya. As a good friend that I am (again.. ma bingi ka! hahaha) it was before 5 i think or 5:30, magpapaadmit daw sya, kaso wla sya kasama kasi iniwan sya ng bading na kasama nya. Sabi ko nga sa kanya na kung ang papa ng bading ang tumawag, malamang uunahin nya yun, kasi yun nakakatikim sya (ang bading), kesa sa kanya na wala namang makukuha talaga. Anyways.. so yun. Hindi ko alam kung saan ang Chinese Gen Hospital. and so kailangan ko pa alamin. And yes, buti nalang natuntun ko rin. Pag dating ko dun nag iba na ang isip nya, uwi nalang daw sya. I argued a bit, pero tinamad na ako, besides hindi naman ako ang nagdadamdam. So yun, nag pa dismiss na sya. Kulang yung pera nya kaya nag-abono pa ako ng 500. Then at last! nakalabas na rin! and then we decided na bumalik ng makati kasi may shooting pa ako (OO! artista ako. nyahahahaha. chos lang!) Then we rode a taxi pabalik ng Makati. Nangungulit sya, tinutusok-tusok nya yung mukha ko ng isang bondpaper kalaking ni rolyo na resibo from the hospital, and i dont like it. Medyo slightly napipikon na me at sinabihan ko sya na tigilan na nya kasi baka mawalan ako ng konsiderasyon at kahit pasyente sya ay masakal ko sya.. and so, sa taxi parin, pati buhok ko pinapakialaman na nya. ginugulo nya (close kami??) pero hinayaan ko lang. Text text parin ako. Sabi nya tingnan daw nya kung balik-ayus ang buhok ko. E ever so balik ayos naman ang hairlalu ko (ahihihi)..  so yun. hinawi ko na.. then.. maya-maya. umusog sya slight. ako nakadikit na sa pintu-an ng taxi.. Maya maya lang ay humilig na ang ulo nya sa shoulder ko (left shoulder). NAGULAT AKO! SOBRA!! parang gusto ko syang itulak or siguro dahil nandidiri ako (an sama ko dba?). Pero sabi ko Self control.. May sakit ang tao. Hinayaan ko lang.. And text text parin ako. pinapagalitan na ako ni Porky, my ever close friend. Bakit ko daw sinundo.. then upon reaching Makati, naghanap kami ng BPI. I'm not sure kung sobrang maingat talaga sya sa atm nya kaya BPI talaga dapat, or sobrang kuripot lang sya.. Not sure. But I need my money back kasi 800 lang naman talaga laman ng wallet ko (800 minus 600 na inabono ko). And Thank God! nakahanap din. So binayaran na nya ako.. and then sinamahan ko pa sya sa Mercury Drug store para bumili ng gamot. habang bumibili sya ng gamot nagtanong ako kung anu kinuha nya, Generic or Branded. Sabi generic kasi 17pesos lang at 45pesos kasi ang Branded. sbi ko branded na para sigurado.. At isang Shocking na reply ang sinabi nya. "kung ikaw gf ko, baka mamumulubi ako". with that said, napatigil ako sa ginagawa ko (i think i was texting, or may binabasa na something) and i said "WAG KA MAG-ALALA TOL, HINDI MANGYAYARI YUN!!!!" i said it with great conviction. ida-dagdag ko pa sana ang ITAGA MO PA SA BATO!!!, pero hindi ko na nagawa. and isa pang SHOCKING REPLY!!!! ang sabi nya ay "oh Pusta??" aba! hinamon ako ng feeling ever so pogi na'to!! parang gusto ko na syang saksakin! at parang mag-iiskandalo na ako sa Mercury na nagsasabi na "OO BA! MAGKANO PUSTA MO??? ISANG MILYON? GAME!!!", at sabi nya. wag daw pera.. sabi ko. ay hindi Pera pera lang.. besides, i'm 100% sure mananalo talaga ako.. no make it 300% sure. Not in a Milyon Years!! and Over my dead body! and I think, ang friendship na binigay ko will end there.. I learned my lesson.. "Huwag masyado maging mabait.."



I wish  I can post a picture. pero to protect his identity wag nalang. search  nyo nalang sa FB friends ko.. Just beware



Wednesday, July 18, 2012

Kasalanan ba yon??

Oh ok, napablog ako ngayon for no reason. Ay Actually may reason.. gusto ko lang mag blog at nababagabag kasi ako.

To start with, ako kasi yung tao na may pagka martyr. I mean, mas gusto ko pa na ako ang masaktan kesa naman masaktan ko ang ibang tao. So yeah, minsan lumalaki na ang ulo nila kasi siguro na sanay na din..

Anyway, with the current happening sa buhay ko, I'm thinking na if ever ba na iiwan mo ang isang tao, kung anu man ang mangyari sa kanya, well say masama ang nang yari sa kanya, or dahil sa iniwan mo sya naging masama na sya, or like problemado na ang buhay nya at iniwan mo pa so parang hindi na nya pinahalagahan lalo ang buhay nya, or parang nagbago sya para sayo, but in the end iniwan mo so bumalik sya sa dati or dahil iniwan mo sya nagbabalak na sya na sirain pa lalo ang buhay nya? or say nag suicide nya dahil iniwan mo sya. Dapat mo bang i-blame ang sarili mo pag ganun?

Well, hindi naman sya nagsuicide actually pero, he thought of shooting himself one time. Kahit kinakabahan ako, hindi parin ako nagreply hangang sa nagsawa na rin sya at hindi naman talaga nya tinuloy.

Currently, what i have observed (sa pamamagitan ng pag view ng facebook profile nya) parang mas lalo nyang na hate ang religion, i'm not sure kung pati si God, pero parang e. Yun mostly ang makikita ko sa wall nya. Hindi naman kami friends sa FB actually, or i mean hindi na. I think yung isang reason na naging ganyan sya is magkaiba kami ng Religion. and mahirap talaga ipa-intindi sa tao ang beliefs mo kung iba rin ang paniniwala nya. And he often Question God sa mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya. I can't say things are going well rin sa akin or sa family ko, we do have ups and downs. Pero it never came to a point na ini blame ko si God.

I was thinking ang sama ko nga talaga, nag-move on ako habang kami pa. Actually, it never registered in my mind na maging kami talaga in the end, because I know imposible. But all I can say is, binigay ko naman lahat. I had a lot of sacrifices para sa kanya, pati tulong para makapagtapos sya, at makahanap ng work, i gave up someone para sa kanya, but then hindi naman nya pinapahalagahan yun. And till it came to I point na sinabi ko sa kanya na "you're my biggest mistake". I know masakit yun, pero I said it because I was really mad. I said it because I gave out a lot. I gave a lot of effort and sacrifices tapos hindi naman pala papahalagahan in the end. Nakakafrustrate talaga.

Every time na masaktan nya ako, sa pananalita nya, sa pagbabalewala, saying paki-alamera ako sa buhay, or gusto ko ako lagi masunod (it was all for his good naman, not mine. like saying wag ka puro games), as if I was choking him and taking him  hostage. which I don't think is true. Or i don't know. Until I learned na unti-unti patayin ang pagmamahal (echos) ko sa kanya. and till it came a point na nasabi ko na na ayoko na, and that I want my freedom back. Ayoko na ma stress sa relasyon. ayoko na ako lang lagi ang umiintindi. (ang drama much).

Anyway, to cut the story short, yun nga, parang I still can't forgive my self if in case may mangyari sa kanya, or say if hindi naging maayos ang buhay nya. I don't know. Yes I know I still care. But love? I lost it (chos!)

Tuesday, May 15, 2012

So Bored

I'm really feeling bored sa office. I don't know.. Iniisip ko baka hindi ko talaga inclination ang work ko na ito. I know mas enjoy ako doing arts and crafts. Making mallow or chocolate bouQuets.. Experimenting arts, designing and etc. Anything related to being artistic. Mas magana ang isip ko doon. With my current work, I really get bored. Most especially kung paulit-ulit lang ang lahat. Documentation, Use cases.. yun lang. Tinatamad rin ako magbukas ng ibang sites (Parang hindi ako techy. hahaha). Facebook? tinatamad din ako. Makakacheck lang ako saglit Ok na ako. I don't need na mag tambay talaga sa site. Besides I don't even play games sa facebook. (well nag God's war ako before, kaso tinamad dn ako in the end). Hindi rin ako mahilig magbabad sa net for no reason at all. Ok lang if  meron ako hinahanap. Like "origami about anything na pwede tupi-in".. mga "How to", "gadget reviews".. That is kung nasa isip ko sila. pero kung wla naman.. tamad ako mag surf. Tsaka ok lang din kung may mga blog akong binabasa. Kung wala kakatamad din. Blogging? kung feel ko lang. like right now. Kasi sobrang bored ako sa work. I got a deadline honestly, pero hindi ko na alam anu pa need ko gawin. Kasi ba namn parang hindi pa final ang isip ng mga taong nagdedesign at nagdedevelop. So pa bago-bago rin ang documents ko. Siguro one factor rin na I get bored is dahil sa comment ng boss kung Australian last time? Pero naiisip ko parang  mali ata ang comment nya e. Hindi ako sure kung naiintindihan nya mga sinabi mo. Or baka dahil sa kinabahan ako a pag present ko iba rin ang nasabi ko? I don't know. Pero.. the way he said it; it's as if I'm way to slow? Ok lang yung slow.. pero huwag naman masyado. (hahaha) I mean it was just a simple business rule para hindi ko maintindihan. At dahil daw hindi ako focus kasi nakikipagchat ako sa Skype.(bawal na ata mag chat dito, at bawal na rin mag browse.) So  bawal na lahat. Ok fine. Wla naman sakin yun. I think I need variation.. and focus?
Ang gulo ko talaga. hahaha.. Wla lang.. pinapatay ko lang ang boredom ko..

Thursday, April 26, 2012

50% OFF ON Starbuck Frapp

Sa mga mahilig mag Starbucks meron silang 50% Off sa Frappuccino nila. Kailangan mo lang ng tiyaga sa pag pila. :) That is every Monday beginning April 30 to May 28 2012, every 2-6pm!

Tuesday, April 3, 2012

Delete Parent

Just this one time....



Na delete ko ang isang parent ticket ng mga issues na ginagawa namin. Parang namuti ako noon. Hindi ko naman sinasadya. I was asked kasi to transfer the issues from one parent to another. and ilang beses ako nagkamali kasi nakakalito ang screen. and I deleted 1 misplaced ticket, and another one, and ang pang tatlo na dedelete ko na sana ay, hnd ko napansin nasa Parent Ticket window pala ako. and ang nadelete ko is ang parent ticket mismo and POOF!!! WALA NA!

 nagulat ako hinahanap ko ang mga tickets pero hindi ko na makita. and I froze... SHIT!! isang malaking SHIT!!!!

wala na talaga.. sa Sobrang katangahan nga naman Oo... Hay..



Holiweek!

YES! holiweek na! ang bakasyon na inaasam ng lahat. Walang pasok for all mandkind. Pwede na magbakasyon. What's nice nadugtong pa ang Araw ng Kagitingan na pumatak sa Lunes. It's a very LOOOONG WEEKEND! Para sa may mga work, yayaman sila. Double pay? Triple Pay? Buti pa sila. Pero Ok lang. Gusto ko na talaga umuwi.. Nasa Vacation mode na ang utak ko. In short hindi na gumagana ng maayos. Excited na magbakasyon. Lahat ata ng tao e wala na rin gana magwork. Nagmamadali na, at nagdadasal na sana Thursday na. Sana meron din 1month na holiweek, or holiday! Para mahaba ang pagbabakasyon. Syempre paid yun. kasi nga holiday. Hindi kasama ang Vacation Leave. Hahahaha.. Kelan kaya magkakaroon noon?

Basta sa ngayon.. HELLOOOOOO HOLIWEEK!!!

isang busy na bakasyon para sakin! YEhey!!!

Friday, March 9, 2012

She's Fired!

Not so early yesterday, may natanggap akong email galing sa dati kong ka officemate.

Title: Latifa is gone

May ichichika ako….

Tinanggal na si Latifa sa [COMPANY NAME]

Nung Monday daw kinausap siya taz sinabi last day na niya. Ang reason daw ay “redundant”.
Nung Tuesday di na siya pumasok.

Regards,

[SENDER]


YES! Na shock ako..

Pero OO napangiti ako...

OO  NAPA SMILE!

And Yes! natuwa din ang puso ko.

Kung nabasa mo ang Boss Kasi kung blog, malalaman mo bakit natuwa ako.At naging excited ako na ipamalita sa buong Mundo. Pero syempre napaisip din ako. Naawa dn ako sa kanya. And I thought ang Sama ko naman. Tinawanan ko sya. Kahit ang sama nang ginawa nya, alam ko masakit pa din naman na tanggalin ka sa Managerial position mo and ang mas masama pa doon ay on the spot last day mo na. I don't actually know the whole story, but I'm sure lahat ng tao na tinanggal nya rin before would be very happy to hear and to know about this. And Yes I was one of them. At marami pa kami. Nasabi ko nalang sa isang dating ka officemate ko din na

She's reaping what she sowed.

and It's really true. Kakarmahin ka talaga.And it happened to her. We are pretty sure mahihirapan sya makahanap ng work. Una palang hindi naman sya magaling na QA, next managerial wise hindi rin. At for sure malaki na rin ang rate nya. At aside sa maraming tinanggal nya, marami din ang nagresign na sya rin ang reason. To sum it all up wla talagang may mapapala sa kanya. Para nalang expense lang siya ng company. I'm not being bitter or being mean. Kahit sino kasi tatanungin ganun talaga ang reaction. Except sa mga naging sipsip at closeness nya which are only a few. If you wonder paano sya naging manager well, kami nag-iisip din paano. and well maganda ang kapit nya sa mga bossing sa US. but too bad wla na dun ang kinakapitan nya. and siguro nahalata na rin nila na marami na ang nagreresign na QA in just a few months time sunod sunod pa.

Despite all the mean thing she did, naging thankful din naman ako actually sa kanya. First thing is nung tinanggal nya ako tumaas naman ang rate ko. Hehehe, and was able to actually do a BA task. So All things happen for a Reason.

So anyway... yun lang. gusto ko lang ibalita sa Mundo.

next time when your being to evil and too bitchy.. try to think twice.. as the saying goes
Do not do unto others what you don't want others to do unto you.

have a happy Friday!