Dahil OhhTee ako (hansipag! OT TY lang!) at dahil nag-aantay ako ng revisions ng QA para mareview ko ulit ng paulit-uli (unli kasi. tsk tsk.).. magpopost ako dito. pang patay oras lang. =)
Ano ang Zumba? Ito ay parang sayaw exercise na halo-halo.
Parang nag aerobics kalang pero may kasamang hip-hop, na may kasamang
cha-cha at etc. Ask mo nalang si Pareng
google for that, for sure tuturo ka nya kay ate Wikipedia. =)
So, nag sign up na ako for Zumba. Dapat last time pa, Mid
August pa nagsimula ang Zumba session sa office, kaso umuwi ako ng province at
nag enjoy ng 7days bakasyon (So?? Pake nyo naman dba? ahihihi). Hati-hati lang
ang mga nagjojoin sa bayad sa instructor. And ang malas ng araw nang pag join
ko. May ab-workout. Yes! Ab lang. kasi isa lang e. hindi pa 6packs. Ahihihi. So
bring your mat ang kailangan, kung kaya mo naman maglinis ng floor habang
nagwowork-out pede rin. At least pagtayo mo makintab na ang floor! So more more
sa crunches, crunches with legs raised up (kung ano man tawag dun) at
nagpapaslow-mo ng count pa yung instructor. Slow up slow down.. etc.. Sakit sa
abdomen.. sakit sa abs.. parang mauubusan ka ng hininga.. Nakakapanghina. After
ng ab-works parang wla na akong energy sumayaw… Then came the sayawan part.
Grabe! Akala ko parang nagdidisco lang. Nakakapagod rin pala. Parang na lo-lost
in space ako lagi sa mga the moves ni manong instructor. Merong to the left to
the left right right twist and right right jump clap! Kung anu man yun. Parang
puro ata lefties ang mga paa ko. (wla talaga akong future sa sayaw) . But I
need to do this!! Sa pangalan ng pampaliit ng bewang at para magkaroon ng ab! Kahit
isa lang muna. Ahihihi. It’s an hour and a half session.. Nakakapagod sya,
nakakangawit rin sa arms pati sa legs. More sa giling-giling ang ending moves. Takbo-tabko
slight and back jump! Then giling-giling ulit with the hands hanging on your
sides parallel sa floor. Then Step left step right and left with body
shake-shake and giling ulit. wew!! I survived!! Parang SL ako bukas nito a…
Sa Monday ulit! Let’s do the Zumba!!!!
Ang sarap talaga mag Zumba!! ito ang favorite ko among cardio excercises. Pinakagusto ko compared to latin dance kasi masarap pala mag sayaw! It was nice stopping by!
ReplyDeletethanks for stopping by. :)
DeleteMasaya ang zumba. pero sumasakit na ang tagiliran ko. hahaha..
Gusto ko rin ito. It looks fun on TV. Ewan ko lang kung papayat ako dito. Balitaan mo kami.
ReplyDeleteMasaya sya in fairness. Gusto mo ba mag join? Monday and Wednesday 5-6:30pm sya. 100 pesos per session. tsaka nasa RCBC kalang naman dba? (hahaha. Stalker?) Pede magjoin ang mga outsider.
DeleteUy malapit lang ako sa RCBC san to?
ReplyDeletedito lang Makati near GB1. hehehe. Marami kami extra slots pag Monday =).
Deleteang mura naman..mura nga ba? wala akong alam hehe..gusto ko rin magzumba pero wala akong makasama..
ReplyDeleteipauso mo kasi sa mga friendships mo. marami magjojoin nyan. hehehe
Deleteaprub!!!!! zumba is fun..ang saya pa ng music ^_^
ReplyDeletenapadaan here kotz :))
thanks for dropping by! :)
Deletemukang kailangan ko din ng Zumba .. hahaha ... badtrip na beer belly :p
ReplyDeletehahaha. try mo! nakakapagod pero masaya :)
Delete