Monday, September 3, 2012

Ang Tapang ng May Kasalanan

Date: August 29, 2012
Time: Around 10:50 PM
Location: SLEX going to Nichols

Galing ako ng Church sa E.Rodriguez, Pasay, then pinuntahan ko ang kuya ko sa Malibay para ibigay ang longganisa na pinadala ng nanay ko. Ang hirap sumakay ng jeep. puro puno na. Ganun talaga lagi doon pag Wednesday. May mga 45mins siguro kaming nag-aantay ng kuya ko ng jeep na dumadaan ng Bicutan. and At long last! nakasakay na rin ako. Medyo puno na rin slight ang jeep at buti nalang may space pa na makaupo pa ako. Syempre as expected traffic. Lalo na yung galing Pasay at paliko sa Nichols. Tahimik lang. nakikinig sa mga taong nag-uusap sa jeep and biglang may isang mahabang screech sound ng nasagi na area ng jeep na sinasakyan namin AT nagulat ang lahat. May iba napamura. Traffic kasi, at ang sikip ng mga sasakyan. Halo-halo na pati mga jeep, bus, private na sasakanyan, truck na malalaki at maliliit. Nasagi kami ng isang 10-Wheeler truck. Nabasag ang side mirror ng jeep yung sa bandang right. At medyo nag-init ang ulo ng karamihan dun sa driver ng truck na nakasagi. Hinabol slight ni mamang driver (syempre sakay sa jeep nya) at binabaan. At nagreklamo sa driver. Medyo naglabas sya ng galit kasi nakita kong hinampas nya  yung pintuan ng truck gamit ang kamay nya.. May sigawan na naganap. Hindi ko marinig masyado kasi maingay ang mga sasakayan kasi traffic at medyo may kalayu-an sila. mga 4-5meters away. Maya-maya ay tumakbo pabalik yung driver ng jeep sa jeep nya at biglang pinaandar kaagad.. Tumakbo pala si manong kasi hinabol sya ng pahinante (yung kasama ng driver ng truck) ng tubo. mga kalahating metro ang haba. At ng makalagpas ang jeep, Ito naman ay hinabol ng truck. Nagpanic na ang mga tao sa jeep. kanya-kanya nang text ng saklolo at tawag sa mga pwedeng hingan ng tulong, Friends, relatives, MMDA, Pulis.. pati guard..  Kaso walang kawala yung jeep kasi traffic nga. At hangang sa maabutan, bumababa ulit ang lalaking may tubo. sumisigaw sya. (hindi ko na maalala yung sinabi) pero mga isang metro lang ang layo ng lalake sakin. Sumisigaw na rin yung iba na wag daw lumabas yung driver ng jeep kasi baka mapano sya. Yung lalaking may tubo parang galit na galit na. at hinahamon nya si mamang driver. Antapang nya kasi may tubo sya. (sayang wla akong dalang tubo, hehehe) at bigla nya hinampas ulit yung kabilang side mirror (yung left side naman). at syempre basag! Napasigaw pa ako ng TAMA NA! (naks ang drama!) at parang hinampas pa nya yung hood ng jeep sabay takbo balik sa truck at mabilis na nag drive palayo yung truck. At panic mode parin ang mga tao sa loob ng jeep. gang sa maka-abot na kami ng DOST Bicutan, doon may mga MMDA na nagbabantay, nagreport ang driver, kaso I think.. wala paring kwenta.. kawawa naman si Manong driver.

the end..

6 comments:

  1. lakas maka suspense ang istorya ha ,... nicoles ung din ba yung nichols?

    ReplyDelete
  2. ay sorry. salamat sa Correction. :)

    ReplyDelete
  3. yung longganisa ko, nasan na ga? LOL

    minsan pag maiinit ang ulo ng tao, ayaw ang kinakalabasan. sana cool cool lang. pag nasagi yung sidemirror. sorry tapos kung magkadecide na magkabayaran. bayad kung magkanu. para oks lang.

    kaso. di naman ganun nga ang buhay. mas maaksyon mas interesante. mas asteeg. mas sikat. buhay nga naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. andun sa ref may natira pa. hehehe.

      maaksyon nga. konting sira lang nagawa mo patayan na agad!

      Delete
  4. Pag pinairal nga naman ang init ng ulo tsk tsk...sarap pagtitirisin ang mga taong ganyan LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas maaksyon kasi pag ganun. hahaha. kahit ganu kalamig ang panahon basta traffic madaling mag-init ang ulo. hehehe

      Delete