Wednesday, July 18, 2012

Kasalanan ba yon??

Oh ok, napablog ako ngayon for no reason. Ay Actually may reason.. gusto ko lang mag blog at nababagabag kasi ako.

To start with, ako kasi yung tao na may pagka martyr. I mean, mas gusto ko pa na ako ang masaktan kesa naman masaktan ko ang ibang tao. So yeah, minsan lumalaki na ang ulo nila kasi siguro na sanay na din..

Anyway, with the current happening sa buhay ko, I'm thinking na if ever ba na iiwan mo ang isang tao, kung anu man ang mangyari sa kanya, well say masama ang nang yari sa kanya, or dahil sa iniwan mo sya naging masama na sya, or like problemado na ang buhay nya at iniwan mo pa so parang hindi na nya pinahalagahan lalo ang buhay nya, or parang nagbago sya para sayo, but in the end iniwan mo so bumalik sya sa dati or dahil iniwan mo sya nagbabalak na sya na sirain pa lalo ang buhay nya? or say nag suicide nya dahil iniwan mo sya. Dapat mo bang i-blame ang sarili mo pag ganun?

Well, hindi naman sya nagsuicide actually pero, he thought of shooting himself one time. Kahit kinakabahan ako, hindi parin ako nagreply hangang sa nagsawa na rin sya at hindi naman talaga nya tinuloy.

Currently, what i have observed (sa pamamagitan ng pag view ng facebook profile nya) parang mas lalo nyang na hate ang religion, i'm not sure kung pati si God, pero parang e. Yun mostly ang makikita ko sa wall nya. Hindi naman kami friends sa FB actually, or i mean hindi na. I think yung isang reason na naging ganyan sya is magkaiba kami ng Religion. and mahirap talaga ipa-intindi sa tao ang beliefs mo kung iba rin ang paniniwala nya. And he often Question God sa mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya. I can't say things are going well rin sa akin or sa family ko, we do have ups and downs. Pero it never came to a point na ini blame ko si God.

I was thinking ang sama ko nga talaga, nag-move on ako habang kami pa. Actually, it never registered in my mind na maging kami talaga in the end, because I know imposible. But all I can say is, binigay ko naman lahat. I had a lot of sacrifices para sa kanya, pati tulong para makapagtapos sya, at makahanap ng work, i gave up someone para sa kanya, but then hindi naman nya pinapahalagahan yun. And till it came to I point na sinabi ko sa kanya na "you're my biggest mistake". I know masakit yun, pero I said it because I was really mad. I said it because I gave out a lot. I gave a lot of effort and sacrifices tapos hindi naman pala papahalagahan in the end. Nakakafrustrate talaga.

Every time na masaktan nya ako, sa pananalita nya, sa pagbabalewala, saying paki-alamera ako sa buhay, or gusto ko ako lagi masunod (it was all for his good naman, not mine. like saying wag ka puro games), as if I was choking him and taking him  hostage. which I don't think is true. Or i don't know. Until I learned na unti-unti patayin ang pagmamahal (echos) ko sa kanya. and till it came a point na nasabi ko na na ayoko na, and that I want my freedom back. Ayoko na ma stress sa relasyon. ayoko na ako lang lagi ang umiintindi. (ang drama much).

Anyway, to cut the story short, yun nga, parang I still can't forgive my self if in case may mangyari sa kanya, or say if hindi naging maayos ang buhay nya. I don't know. Yes I know I still care. But love? I lost it (chos!)

8 comments:

  1. naduling ako sa orange font against black hehehe pero nabasa ko naman and I think what you did is just right, hindi ka maggogrow sa isang relasyon na masakit sa ulo. your relationship should enable you to become a better person, hindi yung nagkaka-sakalan kayo at nauuwi sa masasakit na salita ang pag-uusap nyo. mahirap yung mag-look back ka na puro masasakit ang maalala mo. so siguro kahit masakit, you have to make a choice and kung uunahin mo ang sarili at pamilya mo, then that's the way to go. may time pa sya siguro para magbago at ayusin ang sarili nya, until such time na makabalik sya sayo as a better person.

    ReplyDelete
  2. Wow gentot! salamat sa pagtake time sa pagbasa kahit walang kwenta. Appreciate it! hehehe.(cge palitan ko na ng neon green ang font) At salamat sa payo.. matagal ko na rin pinagdasal na magkaroon ako ng lakas ng loob na gawin to at sana maisipan din nya na baguhin sarili nya. pero wag na isama ang balikan portion. hehehe. ok na ang wlang sakit sa ulo. =)

    Mabuhay ang mga single! ahihihi.

    ReplyDelete
  3. What can I say? I-quote ko nalang:

    "Minsan, it's better for 2 people to break up.. so they can grow up. It takes grown ups to make relationships work."

    - Derek Ramsay (One More Chance)

    hahahahaha all hail singles!

    *anyway, thanks for following my blogsite*

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagtataka ako bakit ang daming nahihilig sa one more chance na yan. hahaha. mapanuod nga yan.. may mga guy friends akong memorize na nila ang linya sa movie na yan. anong meron? hehehe

      Delete
    2. :) hindi ko naman masyadong nakahiligan yan. mga 8 times ko palang naman yang napapanuod. hihihi. :) nakakabagbag lang ng damdamin. try it. :D

      by the way, i'm single. wahahahahaha who cares no?!

      Delete
    3. ay... so ibig sabihin memorize mo na nga lahat ng dialog dun. hahahaha...

      ako rin single! Kampai!!! hehehehe
      wag ka mag-alala at darating din yan. :)

      Delete
  4. waaaaah..relate ako sayo..i broke up with my bf of 7 years kasi hindi ko na talaga kinaya ang kawalan nia ng pangarap sa buhay at ang pagiging immature..puro dota ang pinagkakaabalahan at lagi ko na lang pinagsasabihan na para na nga daw akong nanay nya hahaha..oh well atleast ngaun ok na ko wala ng stress..wag kang maguilty.. kung hindi man umayos buhay nya, aba eh kasalanan na nya yun.. you did your part naman na eh..mag-move on na lang din sana sya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. how supportive! salamat! ipinagdadasal ko parin naman na sana umayos ang buhay nya.

      hindi naman ako against sa guys na nag-dodota o kahit anung online games or arcade etc. basta lang naman sana nasa tama.

      parang pareho tayo ng ugali. ako lagi ang taga payo at taga salita na kung anu ang mga dapat, anu ang tama etc.. para akong nanay. hahaha. eeeeee.

      btw. kamusta na yung x mo na yun? ahihihi. =)

      Delete