Wednesday, February 18, 2015

Tropang U-TURN

Valentines is over! Magsaya na mga single! Yey! lol

Tropa?  U-Turn mo??



Ito ang usual comment na maririnig mo sa mga taong:


1.Gustong ligawan ang isang ka tropa or kaibigan

2.May gusto sa isang ka tropa or kaibigan
3.May pagnanasa (malaswa man o hindi) sa isang ka tropa or kaibigan
4.Gustong mag take advantage sa isang ka tropa or kaibigan (lalo na kung lasing ito)

Ang pagkakaroon ng feelings, or pagmamahal, which is more than friends, also known as Eros type of love or Romantic Love sa isang ka tropa or kaibigan ay isang normal na pangyayari. Mayroong na infatuation lang na nag tatagal ng ilang araw, linggo or buwan. Meron rin namang nagtatagal ng forever which is hangang kamatayan, at meron rin naman na kati lang.


Ang ganitong normal na pakiramdam ay for sure nangyari na rin sa marami sa atin. At alam ko kahit ako, ay isa na rin doon. But let's not talk about me.. Let's talk about others (lol). May mga kakilala rin naman ako na nagkaroon ng more than friends love sa kanilang ka tropa. Meron naging "happily ever after" tulad ng sa tita ko, meron dn namang nasira ang pagkakaibigan na humantong sa FO (Friendship Over), bastosan, at Samaan ng loob. Meron rin namang nagmahalan lang, pero hindi naging sila. Meron namang umasa kasi naging sweet yung isa, pero hangang doon lang talaga. Isang special treatment for a special friend ika nga.



Ang tanong ay:

Bawal nga ba dumiskarte or mainlove sa isang tropa? or kaibigan? 

If yes, Bakit? if No, Bakit parin?


Base on my own opinion, ok lang. Pero yan ay kung pareho kayong nagkakaintindihan. But the risk is when it won't work out. Kasi yun ang isang magiging dahilan na masira ang isang friendship. Pero, dba kahit nga naman magpigil ka siguro ng iyong nararamdaman for the sake of friendship, magkakaroon parin ng awkward feeling or moment?


And what if you both have the mutual feeling, pero dahil tropa, kailangan pigilan. Sa pagpipigil na gagawin ay for sure dalawa rin kayong masasaktan.


And if it won't work out.. then goodbye friendship na rin. Ok lang sana kung may magandang closure, wherein both of you made the decision to part, and stay friends. What if yung isa ay nasaktan ng sobra or yung isa ay naging bitter? 


Tulad nga ng sabi ni Jaggu sa movie na "PK" starring Aamir Khan (one of  the best movies I've watched after 3 Idiots) "He loved me enought to let me go." Meron namang mga tao na nagmamahal in secret for reasons like may mahal ng iba si friend, or hindi ako bagay kay friend.


Sabi nga sa poem ni Alfred Lord Tennyson 'Tis better to have loved and lost than never to have loved at all.'


So which is which? Ok ba na manligaw sa isang Tropa? O isa bang U-Turn ang mangyayari kung ginawa yun?