December 2013, meron kaming activity sa Church. A Day To Remember: It's All About Jesus.
Lahat ng young people ay nag-invite ng mga friends, classmates, and officemates for the said event.Aside doon nag invite rin sila ng mga bata na malapit sa area ranging from 12 years old and above. We had the event sa isang private beach. Hindi naman ganun ka wow and place pero good enough for a medium size event. At syempre pwede mag field games. But it wasn't just all games, meron rin sharing of God's word, and meron din paramihan ng memory verses per group. Syempre hindi mawawala dun ang kainan. we served lunch and syempre snacks. As always hindi nawawala ang signature food namin ang WTF, known asWHAT THE FOOD. kasi super ma anghang sya. Next time (pag may time)try ko na iblog yun..
After nang lunch time, habang naglilinis na, may na notice akong isang bata. And syempre na mesmerize ako sa kanyang mga mata.. Pinoy sya.. full blooded pinoy. pero may kakaiba sa kanyan. Blue and kanyang mga mata. Noong una gusto ko syang kunan ng picture pero ayaw nya. Buti nalang nang mga bandang uwian na ay napapayag ko rin sya. Ito sya.. Kaso nakalimutan ko ang name nya..