Disclaimer: Walang
kwenta ang post na ito. Continue reading kung gusto mo mag-aksaya ng oras mo. J
One day, isang araw. Habang abala ako na walang ginagawa
waiting na makarating sa aking paroroonan. With no reason at all kung bakit,
biglang pumasok sa isip ko ang Story ni Cinderella. Oo. Si Cinderella na
nagtatrabaho bilang muchacha ng kanyang step mudra. Muchacha as in chimiaa.. oo
Chimay. Si Cinderella who met the
handsome Prince Charming. Whom I don’t find charming just one bit (bitter??). Hehehe
No offense. Mas gusto ko pa ata si Beast
ni Rapunzel. (meron?)
Anyways. Sorry. On
with Cinderella.
Tinulungan siya ni fairy god mama nya. Nagkaron siya ng beautiful
dress, with matching karwahe and glass slippers. I don’t know bakit nya tinawag
na glass slippers e.h diba dapat glass heeled shoes? Or say glass closed shoes?
Basta shoes, hindi slippers. Parang Sanuk lang, they’re not shoes, they’re
sandals. (connect? Syempre wala)
Anyways. Sorry Again. On with Cinderella.
Pero syempre sabi nga
ng fairy god mama, (I wish meron dn ako nito, ng fairy god mama) yun ay
panandalian lamang nyang maexperience. At pagdating ng 12mignight babalik na
ulit lahat sa dati. Magiging pangit na ang kanyang pretty gown, at mawawala
narin ang kanyang karwahe pati ang kutsero nito. To make the long story short, naka
punta si Cinderella sa Ball. Hindi ko alam bakit ball ang tawag dito. Hindi ko
alam kung dahil ba bilog ang bulwaga nila? Pero parang square naman. Or dahil
ba dun sa dancing ball sa gitna? Basta, Ball. At bakit hindi Balls? At Ball
lang? Isa lang?? Singular? Mga singles lang ang invited? I don’t know. You tell
me if you know... enough of it. Naliligaw ako sa topic.
Anyways. Sorry Again. On with Cinderella.
So yun, pumunta na si Cinderella sa ball. Nagkita sila ni
prince charming whom I don’t find charming just one bit, but then again he’s
prince charming.. So yun. Sumayaw sila ng 30mins. More or less. (why 30mins? Manuod
ka ng cartoons ulit). Habang sumasayaw ay kumakanta rin sila. Nag duet. Dito
natin masasabi na marami talagang tao ang mahilig magvideoke at gumawa ng video
nila habang nag eemote sila kahit noong unang panahon pa. Out of the topic
ulit.
Anyways. So yun. But Cinderella knows na panandalian lang
ang lahat. At mawawala rin pag dating ng 12midnight. Madaliang paglalandi lang
ang magagawa nya kay prince charming. And to tell you, sinadyang iwan ni Cinderella
ang kanyang glass slippers/sandals/shoes/sanuk. Para syempre hanapin sya ni
prince charming. Ang landi dba? Doon nagsimula ang lahat.
So yes, if you are familiar with the fairy tale, pinahanap
sya ni prince charming sa buong kaharian.
If you observe the Disney story, makikita mo na pademure din
si Cinderella dun. pero, yun ay isa sa mga styles at scheme nya to get mr. prince
charming. At syempre ginamit rin nya ang kanyang kagandahan, kaseksihan at
alindog. Alangan naman dba? Do you think kung hipon kaya si Cinderella
matitipohan ba sya ni prince charming? Like really? Syempre hindi dba?!.. no as in big no. Sa
sinaunang panahon, makikita mo rin ang facial discrimination. Yes FACIAL. Mukha..
Sa story lang ni Shrek nagkaroon ng magandang happily ever after ang mga
pangit. Syempre sa mga kauri ding pangit.
Oh sorry. Na lost ako. On with Cinderella.
So yun, naghanap siya ng way na magkita at maakit nya si
Prince Charming. Kahit anu mang pigil ang ginawa sa kanya.. Still.. nakahanap siya ng paraan at naging matagumpay.
Conclusion: Si
Cinderella ay isang Gold Digger. Oo. Kahit sa sinaunang panahon uso na ang Gold
Digger. They dig golds! Pero hindi sa ilalim ng lupa. Kundi sa bulsa ng ibang
taong pwede nilang akitin. O di kaya sa bank accounts nito. Or pwede rin sa
safety deposit box. Kung saan man ang kayamanan nila. Ang isang gold digger ay
taong nakikipagdate lamang sa mga mayayaman, or someone na may potential na
maiahun siya sa hirap. Or kung hindi naman siya mahirap, makakadagdag sa kanyang
yaman. They are someone who is willing to marry someone for financial stability
or security. For more profound explanation e google mo nalang.
Sorry for wasting your time! :)