Wednesday, July 18, 2012

Kasalanan ba yon??

Oh ok, napablog ako ngayon for no reason. Ay Actually may reason.. gusto ko lang mag blog at nababagabag kasi ako.

To start with, ako kasi yung tao na may pagka martyr. I mean, mas gusto ko pa na ako ang masaktan kesa naman masaktan ko ang ibang tao. So yeah, minsan lumalaki na ang ulo nila kasi siguro na sanay na din..

Anyway, with the current happening sa buhay ko, I'm thinking na if ever ba na iiwan mo ang isang tao, kung anu man ang mangyari sa kanya, well say masama ang nang yari sa kanya, or dahil sa iniwan mo sya naging masama na sya, or like problemado na ang buhay nya at iniwan mo pa so parang hindi na nya pinahalagahan lalo ang buhay nya, or parang nagbago sya para sayo, but in the end iniwan mo so bumalik sya sa dati or dahil iniwan mo sya nagbabalak na sya na sirain pa lalo ang buhay nya? or say nag suicide nya dahil iniwan mo sya. Dapat mo bang i-blame ang sarili mo pag ganun?

Well, hindi naman sya nagsuicide actually pero, he thought of shooting himself one time. Kahit kinakabahan ako, hindi parin ako nagreply hangang sa nagsawa na rin sya at hindi naman talaga nya tinuloy.

Currently, what i have observed (sa pamamagitan ng pag view ng facebook profile nya) parang mas lalo nyang na hate ang religion, i'm not sure kung pati si God, pero parang e. Yun mostly ang makikita ko sa wall nya. Hindi naman kami friends sa FB actually, or i mean hindi na. I think yung isang reason na naging ganyan sya is magkaiba kami ng Religion. and mahirap talaga ipa-intindi sa tao ang beliefs mo kung iba rin ang paniniwala nya. And he often Question God sa mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya. I can't say things are going well rin sa akin or sa family ko, we do have ups and downs. Pero it never came to a point na ini blame ko si God.

I was thinking ang sama ko nga talaga, nag-move on ako habang kami pa. Actually, it never registered in my mind na maging kami talaga in the end, because I know imposible. But all I can say is, binigay ko naman lahat. I had a lot of sacrifices para sa kanya, pati tulong para makapagtapos sya, at makahanap ng work, i gave up someone para sa kanya, but then hindi naman nya pinapahalagahan yun. And till it came to I point na sinabi ko sa kanya na "you're my biggest mistake". I know masakit yun, pero I said it because I was really mad. I said it because I gave out a lot. I gave a lot of effort and sacrifices tapos hindi naman pala papahalagahan in the end. Nakakafrustrate talaga.

Every time na masaktan nya ako, sa pananalita nya, sa pagbabalewala, saying paki-alamera ako sa buhay, or gusto ko ako lagi masunod (it was all for his good naman, not mine. like saying wag ka puro games), as if I was choking him and taking him  hostage. which I don't think is true. Or i don't know. Until I learned na unti-unti patayin ang pagmamahal (echos) ko sa kanya. and till it came a point na nasabi ko na na ayoko na, and that I want my freedom back. Ayoko na ma stress sa relasyon. ayoko na ako lang lagi ang umiintindi. (ang drama much).

Anyway, to cut the story short, yun nga, parang I still can't forgive my self if in case may mangyari sa kanya, or say if hindi naging maayos ang buhay nya. I don't know. Yes I know I still care. But love? I lost it (chos!)