Friday, October 12, 2012

Double Meaning



Sa mga taong masyadong malawak ang pag-iisip (wide imagination??) ang isang word ay pwedeng magkaroon ng maraming meaning. Depende sa iyong pagbigkas, depende sa emotion mo ng ito ay iyong binibigkas, at depende sa takbo ng usapan, or kung paano mo ito ginamit sa sentence.

Since college mostly ng mga classmates ko (actually 9 lang naman kami, 3girls, and 6 guys). Most of the guys mga mahilig mag double meaning. Kaya minsan ang wholesome ng usapan pero tawa sila ng tawa. Kasi may ibang meaning na pala yun. 

Meron ako noong isang keychain na pusa na nakakabit sa aking bag. Yung gray na pusa na I think nabibili sa Mc Donalds kasama ng happy meal. And we call it Pussy. Yun ang binigay nilang name.  Lagi nilang hinihiram si Pussy, kinukuha nila sa bag ko at nilalaro. Ginagawang parang puppet, or parang manyika. Kaso nawala si Pussy. Hindi ko alam sino nagnakaw sa bag ko. I can’t find my Pussy. (ang bastos pakinggan diba? Sabi nga nila: “ang kabastosan ay nasa isip lang”)
Isang araw habang pauwi na kaming lahat, syempre lakad-lakad sa campus papuntang gate ng school. Syempre usap-usap at tawanan habang naglalakad. 

Yung isang classmate ko na nasa likod ko biglang nag sabi.  “k0tz (hindi totoong pangalan), can I touch your pussy?? ” habang hinahagod-hagod nya yung pusang keychain  na nakasabit sa bag ko. “Sure!” ang sagot ko.
“Can I play with your pussy??” ang dugtong nya. “anytime!” ang sagot ko. 
 Ang sagwa naming mag-usap sa gitna ng daan dba?
At kinuha na nya sa bag ko yung pusa na nakakabit doon. Yung ibang students naman na kasabayan namin tawa ng tawa. At syempre pati  kami rin tawa ng tawa. Ang sagwa!!! Pero sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang.

Nung magstart na ako magwork medyo ganun rin ang mga officemates ko. Ako lang kasi ang nag-iisang babae sa office. Kahit sa simpleng pagbili lang ng meryenda.
“Manang bakit ang liit ng itlog mo?” tawanan na naman..
Pati ang turon d nakakalagpas “ang haba naman nito manang” at tawanan na naman.

That time habang nagmemeryenda kami na binili namin kay manang na dumadaan lagi sa office. Marami sya actually tinda, isa na doon ang nilagang Itlog. Tapos na ako magmeryenda at minamadali ko ang isang kasama naming lalake. Kasi kailangan naming bumaba may bibilhin ata kami sa grocery sa baba. At biglang sabi ko “Bilis na, balatan at kainin mo na yang itlog mo”.
At biglang tawa yung ibang kasama namin. At natawa rin naman ako. Ang sagwa daw kasi pakinggan. Doon ko na naitindihan ang ibig nila sabihin. Pero nagreason out pa ako. (ayaw patalo anu?) na tama naman sinabi ko.  Sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang. 

Nung lumipat na ako ng Manila, mas malala pa pala ang mga tao doon (sa dati kung company). Kahit simpleng kumakain lang kayo. Habang kumakain ng lunch (ang ulam ay Sinigang I think basta may sabaw yun.)
Girl 1: (tikim ng ulam) Ang alat ng sakin. Yung sayo maalat din ba?
Girl 2: Hindi naman e.
Girl 1: Patikim nga ng sayo..
Ayun tawanan na naman yung mga nakikinig… pero inosente ang mga taong nag-uusap..

Habang sumusubo naman ng saging ang mga kababaihan, or mga bading (kasama ksi sa combo meal ni manong taga deliver ng lunch ang saging)
Guy 1: Ayun, ayun kakain na sila ng saging. Tingnan nyo..
(habang sumusubo nang saging ang isang babae inoobserve nila yun)
Guy2: Tingnan mo yung dila.. sumasalo.. Ganun kaba talaga?? (sabay tanong sa girl na nagsusubo)
At tawanan na naman.. Sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang.

Or example, absent ang isang ka officemate. Magtatanong sa katabi nito:
Person 1: Nasaan si ??
Person 2: SL eh.
Person 1: Ha? S*x Leave?? Grabe ha..
Ayun na naman.. daming meaning.. Dapat Sick leave yun.

Kahit mga simpleng salitang madulas, malambot, mahina at eskabetche cam, Bluetooth, etc. O kaya pag masakit ang lalamunan mo, Andami na nilang sinasabi na kung anu-anu. Kahit manlang sa Email ng boss na nagsasabi na hindi kaya pumunta ng office kasi masakit ang katawan dahil sa activity. Mga position na agad ang nasa isip nila na kung anu-anu na magcacause ng sakit sa likod etc. or kahit masakit ang kamay mo, or kahit anu pa yan. Laging may ibang meaning.

Dito naman sa current office ko, may breeding ang mga tao. Hindi bastos tulad doon sa kabila.. Pero parang na acquire ko parin ang double meaning na yun.
 
One time habang, kinuha ko ang lalagyanan ko na may lamang peanuts sa drawer.  Na parang 1 week ko atang hindi nabuksan, or nakain manlang. Pagkabukas ko ng lalagyan biglang sambit ko “hala, tigang na ang mani ko”.
At ako na mismo ang biglang natawa. Buti nalang at mahina ang pagkakasabi ko. Wew. Nakakahiya. Pero nanunuyo na kasi yung peanuts  (para hindi masagwa pakinggan) sa lalagyan nya.

At ang reason na nasulat ako nito ay dahil sa pangyayari kanina habang kumuha ako ng tubig sa dispenser dahil iinum ako ng kape. Yung isang ka officemate ko na lalake sya ang unang nakasahod ng tubig sa dispenser, e  medyo na ubos na ang laman ng dispenser. Kaya ng sumahod ako, parang ¼ lang ng mug ang laman. Kaya habang nililinis nya yung isang gallon ng water na ipapalit nya, kinusa ko narin na tanggalin ang gallon na nakakabit sa dispenser. Medyo mahirap sya hugutin. Kasi parang tatlong beses ko ata syang ini-attempt tangalin. Makapit.. Sa pangalawang try ko, napasabi ako ng, “Shiiit!! Ang tigasss..” in a sweet and gentle way. Imagine nyo nalang yung sweet and gentle way (buti nalang mahina). At nang pabalik na ako ng workstation, medyo napangiti naman ako.. tsk tsk tsk.. Sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang.

Ibig pala sabihin nito ang dumi na ng isip ko. Naku! hindi maganda to.

Sunday, October 7, 2012

Durugan...



This happened I think last August if my memory serves me right.. or wrong? Hahaha. Makakalimutin kasi ako.. Anyway, ang daily route ko to office includes ang pagsakay ng trike, lakad, sakay ng bus, lakad, sakay ng jeep, lakad and viola! Office na. So medyo slightly maraming sakay (more than 2 kasi). And maraming lakad (wew.. sana papayat ako sa ganitong gawain)

And so, as a normal day, after ng trike, lakad mode na paakyat sa footbridge papunta sa sakayan ng bus. I think it was Monday kaya siguro napakarami ng tao sa Bus stop. Every Monday ganun talaga. And well actually every morning jampack talaga between 7am – 8:30am. At parang nagpapatayan na ang mga tao makasakay lang sa bus kasi malelate na o kaya traffic. Hindi naman ako choosy sa bus e, kahit hindi aircon ok lang. Basta maabot ko lang ang objective ko. That is makarating ng office before 10am, or before sa target time ko if ever my meeting or training ako at earlier time.

Nang may bus na dumating, although nasa unang helera ako, hindi ako sumakay kasi an layo ko sa entrance ng bus. So wait ulit sa next bus. Then another bus came, habang hindi pa nakaalis ang unang bus. Naku! tamang tama lang ako sa pintuan. Mga isang tao lang ang distance ko sa pintuan, bali nasa left ko yung pintuan. Una ok pa ng bumaba ang mga sakay ng bus, so waiting mode muna ang ibang pasahero bago umakyat. Then bumaba na ang last person, and biglang stampede!!! Hindi na ako nakagalaw. Dumikit na ako sa gilid ng bus. As in dikit na dikit na talaga. Buti nalang naka side view ang mukha ko, kung hindi siguro kahalikan ko na ang bus! Hindi talaga ako makagalaw sa dami ng tao. Then I tried to push myself palayo ng bus, grabe! Ang hirap! Feeling ko ang daming nakakabit sa likod ko. Ang bigat!!

Then one shocking thing happened.. May biglang humawak sa isang dibdib ko (right). At na shock ako syempre, napayoko ako, tingin sa kamay. At parang nangangapa pa (wla kasi sigurong makapa, hahaha). Sheet of paper! Ano to! Hindi ko alam kung tyansing ba yun o napagkamalan akong poste? Kaso wala akong magawa kasi ang dalawang kamay ko ay naka tukod sa bus at sobrang dami ng tao akala mo Woodstock! Grabe na ipit na ako, as in ipit talaga, then may nag grab pa ng dibdib ko from behind! Anong kamalasan to!!! Pero wala na akong magawa, at kung hindi ako gagalaw lalo lang akong maiipit. At maya-maya siguro dahil wla naman mahawan or kahit sabihin na natin na na out balance yung may ari ng kamay na yun na I think kamay ng babae kasi maliit at naghahanap ng mahawakan, sad to say wala siyang makapa, kaya kinuha na nya yung kamay nya, or baka tuluyan na syang na out balance talaga. Which is hindi ko naman makita kasi nasa likod ko.

So I gave all my strength para makagalaw. And Yes! Nakagalaw na nga ako. Naka-usog na rin sa pintuan ng bus na pang isang tao lang. Then para akong basura na natatangay ng alon paakyat. No need na mag effort umakyat.

Sa loob ng bus parang sardinas! Buti pa nga ang sardinas may sarsa naaalog-alog pa sa lata. Doon sa loob ng bus hindi ka makagalaw at tayu-an portion pa as in sobrang sikip talaga. Naka pwesto ako sa may poste na malapit sa hadgan ng bus. At dahil marami pa din ang umaakyat, medyo umusog pa ako ng very very slight, at si ate sa gilid ko napausog din.
Sa hagdan ng bus may mga babae pang nakatayo at pilit na pumapasok kahit alam naman na wala ng space. Dahil ako ay isang mabait na citizen ng Pilipinas, nagtry ako maghanap ng way na mapaakyat ko pa sila or say usog lang ng slight pa akyat, dahil mukhang durog na durog na kasi sila sa mga kalalakihan na kasabayan nila sa hagdan. So nagsabi ako sa ale na katabi ko na pausog ng slight (in a very polite way) at abah! Nagagalit si ale, sabi
 “ang sikip2 na nga papausugin mo pa ako? Anu gusto mo bumaba nalang ako dito?”

parang nagulat naman ako sa kanya, may konting space pa kasi sa gilid nya. Actually pede naman talaga sya umusog e. At andami pang sinabi
  
“Parang hindi ka marunong umintindi ah! Parang hindi mo ramdam na masikip ah! Saan ako uusog dito? Lalabas nalang ako yun ba ang gusto mo? ”

and blah blah blah.. Tahimik lang ako. Nakangiti sa kanya. Ahihihi. Parang gusto ko syang patulan, pang asar lang sana, sasabihin “Sige te! Labas ka na! Now na!” kaso baka lalo magalit. An dami pa nyang sinasabi. Ngiti-ngiti parin ako. Then sabi ng isang babae na tinulungan ko maka-akyat,

“Yaan mo na yang maldita na yan, usog ka dito, wag ka lumapit dyan .”
sabi ko nalang “Ewan ko ba, siya ata ang hindi marunong umintindi”. 
Tahimik lang ako sa buong byahe, traffic pa naman noon. Hangang sa umabot na ng Ayala at nakababa na rin ako. Wew. Buti nalang buo parin ako. No injuries, hagardo versosa lang sa byahe at sa pawis. Pero hindi ko hinayaan na masira ang araw ko sa ganung pangyayari lamang. Think positive parin. So far isa yun sa pinaka worst experience ko sa pagsakay at pag-antay ng Bus. Bow!

Wednesday, October 3, 2012

Walang Magawa





Woke up late, kasi I slept late. Mga nearly 1am na ata yun. Woke up at 7 am. Dragging my self from my bed. Kasi naman parang an sarap matulog kasi malamig. Tsaka wala akong minamadaling task sa office. Actually wla na nga ako masyadong task. So maluwag much na. Parang gusto kung kumain, pero tinatamad naman ako kasi pagkakain ako ng tamang breakfast, baka malate na naman ako. So I prepare my lunch nalang, (Nagbabaon kasi ako, para tipid, at para hindi na ako lalabas ng office). Hindi na ako ngayon sanay na umalis ng boarding house na hindi nagkakape. Kahit kape lang talaga. So I prepared my coffee, at nakita ko may tira pang tasty, so gumawa ako ng sandwich. And gumawa narin ako ng isa pang extra para incase gutumin ako pagdating ng office may malalafang ako kagad. Naalala ko kasi wla ng laman na foodie yung drawer ko. Hindi ako nakapag-imbak ng food (parang takot magutuman ano?) Mina- migraine kasi ako at umaandar ang acidity ko pagnagutuman ako. Hahaha. Yung feeling na nasusuka ka at sobrang masakit ang ulo. Kaya dapat lagi akong may food, nangyari na kasing nagsuka talaga ako, buti nalang nakatayo na ako from bed at sa sahig na ako nagsuka. EW! Parang lasing lang. Anyways, so yun ang everyday ritual ko, magready ng lunch, magkape or mag breakfast, maghugas ng kinainan, then ligo, bihis at gogora na ako to office. As usual, sikipan na naman sa bus, good thing naka upo ako. Pero dahil nasa dulo ako ng pangtatluhang upuan. Yung nasa aisle na ako banda. May babaeng sales lady ata ang SM na nakatayo sa gilid ko, so ng share ako ng seat. Sabi nga nila. Share a seat, win a friend.  Pero hindi naman kami nagging friends. Wala lang. bali apat kaming nakaupo sa pangtatluhang upuan, at ako ay parang saling ketket lang sa upuan nay yun. I’m thankful na hindi traffic, at mabilis lang ang travel ng bus, siguro mga 30mins lang papuntang Ayala. At syempre dahil parang 1/16th lang ng pwet ko ang nakaupo. Dahil naconsume ni ate na kashare ko ng seat ang 15/16th part ng upuan ko. Ang hirap. YUng feeling na malalaglag kana sa upuan.  Buti at nakaraos rin. Then baba ng ayala, lakad papuntang sakayan ng Washington then sakay naman ng Jeep. Natutuwa ako kasi wla pang 9:30. Meaning kahit late na ako pumasok, hindi ako malelate. (may sense ba?)  Pag dating ng Robinsons Summit,  baba na naman, then mabilisang lakad papuntang office. Time in around 9:32am. Cool! Deretcho ng workstation, at sinabihan ako ng isang kasama ko, “hala ka! Pasok kana dun” sabay turo sa Conf room. Napakunot ang noo ko at napatanong ako “bakit? Anung meron?”
“may meeting daw kayo e.”
“meeting? Shit! Oo nga pala!“ sabay deretcho sa room, Naka upo na doon ang mga kasama sa team.
Dahil wla naman nagsasalita sa polycom, napatanung ako “tapos na ba ang meeting?”
“upo ka. Wag jan si MJ jan e”
“anyare?”
“hindi maka connect, sira ang network”
“ganun ba, ok,”
At kwento-kwento na kami. Actually tapos na rin ako sa task dito, aattend lang ako ng stand-up meeting para magbigay ng updates ko. Then after 10 minutes, wala parin. Wala na talaga pag-asa. So walang meeting. By 10am may isang stand-up meeting pa ako, kaso, mukhang wala parin yung taga AU. sira parin siguro network nila. Nagset-up na ako ng goto meeting, pero hindi ata sila maka connect. So wala ulit meeting. Nagcheck na ako ng workstation ko. Walang email, walang jira, wlang network. In short wala akong magawa! May-update pa sana akong isang task, pero wla parin kasi hindi ko ma access ang jira, at hindi ko alam ang details ng task. Hindi rin ako makakapareview ng UC sa casecomplete kasi naka check-out  sakin, at dahil walang network, hindi parin macheck-in at hindi rin maka getlatest yung magrereview. So wala talaga. It’s a HOLIDAY!!! YEHEY! At  dahil wla ako magawa, kinuha ko na yung jacket ng isang ka officemate ko at nilagyan ng name nya gamit ang fabric glue sa desk ko. Kaso natapos ko na rin, at kailangan ko pa patuyuin, for additional kaartehan na idadagdag ko. So Wala na naman ulit akong magawa. Kaya naisipan ko nalang magblog  about sa wala akong magawa. At maya-maya siguro, mangungulekta ng mga unan ng officemates ko at lalagyan ng mga pangalan nila or kung anu mang design ang irerequest nila. Marami pa naman akong fabric glue dito. Ahihihi. At magvandal narin sa mga upuan nila! Ahihihi. Hirap talaga magpretend na busy!!! Sheet of Paper! Wala akong malalagay sa timesheet nito! So. Ano?  Text text nalang tayo! Anu number nyo? Kahit ngayong araw lang, gang bumalik ang network connection! Hahaha. 

11:30 na. pwede na maglunch! at mag movie mode! yehey!