Friday, April 19, 2013

Just Another Cinderella Story



Disclaimer: Walang kwenta ang post na ito. Continue reading kung gusto mo mag-aksaya ng oras mo. J

One day, isang araw. Habang abala ako na walang ginagawa waiting na makarating sa aking paroroonan. With no reason at all kung bakit, biglang pumasok sa isip ko ang Story ni Cinderella. Oo. Si Cinderella na nagtatrabaho bilang muchacha ng kanyang step mudra. Muchacha as in chimiaa.. oo Chimay.  Si Cinderella who met the handsome Prince Charming. Whom I don’t find charming just one bit (bitter??). Hehehe  No offense. Mas gusto ko pa ata si Beast ni Rapunzel. (meron?)
  
Anyways. Sorry. On with Cinderella.

Tinulungan siya ni fairy god mama nya. Nagkaron siya ng beautiful dress, with matching karwahe and glass slippers. I don’t know bakit nya tinawag na glass slippers e.h diba dapat glass heeled shoes? Or say glass closed shoes? Basta shoes, hindi slippers. Parang Sanuk lang, they’re not shoes, they’re sandals. (connect? Syempre wala)

Anyways. Sorry Again. On with Cinderella.

Pero syempre sabi nga ng fairy god mama, (I wish meron dn ako nito, ng fairy god mama) yun ay panandalian lamang nyang maexperience. At pagdating ng 12mignight babalik na ulit lahat sa dati. Magiging pangit na ang kanyang pretty gown, at mawawala narin ang kanyang karwahe pati ang kutsero nito. To make the long story short, naka punta si Cinderella sa Ball. Hindi ko alam bakit ball ang tawag dito. Hindi ko alam kung dahil ba bilog ang bulwaga nila? Pero parang square naman. Or dahil ba dun sa dancing ball sa gitna? Basta, Ball. At bakit hindi Balls? At Ball lang? Isa lang?? Singular? Mga singles lang ang invited? I don’t know. You tell me if you know... enough of it. Naliligaw ako sa topic.

Anyways. Sorry Again. On with Cinderella.

So yun, pumunta na si Cinderella sa ball. Nagkita sila ni prince charming whom I don’t find charming just one bit, but then again he’s prince charming.. So yun. Sumayaw sila ng 30mins. More or less. (why 30mins? Manuod ka ng cartoons ulit). Habang sumasayaw ay kumakanta rin sila. Nag duet. Dito natin masasabi na marami talagang tao ang mahilig magvideoke at gumawa ng video nila habang nag eemote sila kahit noong unang panahon pa. Out of the topic ulit.

Anyways. So yun. But Cinderella knows na panandalian lang ang lahat. At mawawala rin pag dating ng 12midnight. Madaliang paglalandi lang ang magagawa nya kay prince charming. And to tell you, sinadyang iwan ni Cinderella ang kanyang glass slippers/sandals/shoes/sanuk. Para syempre hanapin sya ni prince charming. Ang landi dba? Doon nagsimula ang lahat.

So yes, if you are familiar with the fairy tale, pinahanap sya ni prince charming sa buong kaharian. 

If you observe the Disney story, makikita mo na pademure din si Cinderella dun. pero, yun ay isa sa mga styles at scheme nya to get mr. prince charming. At syempre ginamit rin nya ang kanyang kagandahan, kaseksihan at alindog. Alangan naman dba? Do you think kung hipon kaya si Cinderella matitipohan ba sya ni prince charming? Like really?  Syempre hindi dba?!.. no as in big no. Sa sinaunang panahon, makikita mo rin ang facial discrimination. Yes FACIAL. Mukha.. Sa story lang ni Shrek nagkaroon ng magandang happily ever after ang mga pangit. Syempre sa mga kauri ding pangit.

Oh sorry. Na lost ako. On with Cinderella.

So yun, naghanap siya ng way na magkita at maakit nya si Prince Charming. Kahit anu mang pigil ang ginawa sa kanya.. Still.. nakahanap siya ng paraan at naging matagumpay.

Conclusion: Si Cinderella ay isang Gold Digger. Oo. Kahit sa sinaunang panahon uso na ang Gold Digger. They dig golds! Pero hindi sa ilalim ng lupa. Kundi sa bulsa ng ibang taong pwede nilang akitin. O di kaya sa bank accounts nito. Or pwede rin sa safety deposit box. Kung saan man ang kayamanan nila. Ang isang gold digger ay taong nakikipagdate lamang sa mga mayayaman, or someone na may potential na maiahun siya sa hirap. Or kung hindi naman siya mahirap, makakadagdag sa kanyang yaman. They are someone who is willing to marry someone for financial stability or security. For more profound explanation e google mo nalang.

Sorry for wasting your time! :)

Tuesday, March 26, 2013

Do the Pencil Trick!



Wow! So today nagkaroon ng laman ang isip ko. 

Beware.. walang kwenta ang post na ito. Continue reading at your own wrist.. Este risk..

Habang nakikipag-usap sa aking officemate sa Spark, at ang aming usapan ay tungkol sa Choices.. Oo.. iba’t ibang pagpipilian.. A, B, C, or D. Multiple choice exams. Basta lahat ng may choices. It all started ng nagtanong ako kung ano ang lasa ng tsaa na nakuha nya. Yun ay ang Lemon Ginger Tea ng Twinings. Sa 5 flavors ng tsaa na pinapili ko sa kanya.. yun ang nakuha nya. At dahil nahirapan syang pumili, pinikit at ini-cover  ng kaliwang kamay nya ang kanyang mga mata at saka sya namili. So yun ang nakuha nya. kaso hindi pala sya mahilig sa ginger, at mukhang hindi nya mauubos ang isang mug ng tsaa. At doon nya na sabi na lagi raw mali ang choices nya. 

Bigla tuloy nanumbalik sakin ang isang ala-ala.. (naks!)

At dahil ala-ala, Naalala ko dati ng kumuha ako ng Civil Service Exam way back 2010, for what purpose? Wala lang, para lang makakuha ng exam. Actually na hikayat lang ako ng bf ko na x ko na ngayon na kumuha ng exam. Tsaka sabi rin nila, pag nag-apply ka daw sa Government mareregular ka after probationary period of 6months? kapag wala ka kasing Civil Service Exam, or hindi kapa naka pasa sa exam na yun hanggang contractual kalang. And so kumuha nga kami. Hindi na ako nag review, at wala rin akong reviewer, at hindi rin ako bumili ng reviewer. Hindi rin ako seryoso sa exam. Basta kukuha lang ako. Yun lang. pasado kung pasado, bagsak kung bagsak. Iniisip ko kung anu man ang outcome noon wala namang may mawawala sa akin. Pag dating ng araw ng exam. Kompleto naman ako sa requirements, Picture, Lapis, ballpen, eraser, dalawang ID, at yung parang slip ata. (nakalimutan ko na). So tatawagin ang name mo, didikit mo yung picture mo sa tapat ng name mo then pipirma ka. Then upo ulit  at antayin matapos ang lahat. Then mag eexam na. Nakalimutan ko kung ilan yung number of questions. Pero ang naalala ko mas marami ata yung numbers dun sa answering sheet kesa sa number of questions. Buti nalang ay nakita ko ang number of questions bago ako nag answer. (tsamba! So hindi ko inishade ang lahat. Parang kunyari nagbasa talaga ako ng instructions) Magkahalong Math, Physics, General Info, Logic, English, may spelling, may sentence construction at definition of terms. Mahirap. Or siguro sa mga taong katulad ko mahirap na ang exam na yun. Hindi naman kasi ako matalino, at oo, inaamin ko may pagkabobo ako. Minsan slow.. at antagal mag process ng memory ko. Anagal kong makaalala. Ang math ini try ko ireverse. Ini isa-isa ko ang sagot kung tutugma dun sa question, kung wala talaga edi kung anu na ang pinaka malapit, kung mukhang imposible parin, ang gagawin ko ay ipipikit ang aking mga mata at ituturo ko yung sagot gamit ng pencil(randomly). Kung anu man ang matuturo nun, yun na ang sagot! (easy di’ba?) Ang English mahirap rin. Parang sa apat na sagot, tatlo dun ang tama, pero syempre, isa lang talaga ang sagot. Kaya sa tatlong feeling ko tama kailangan ko pa mamili ng isa. Parang sa English ata talaga ako nagtagal. Kasi ang hearing ko ang aking basis kung tama ba ang sentence o hindi. Mukha bang tamang pakinggan? Or hindi. Oo. Binibigkas ko yun ng walang boses. (parang tanga lang). Pero pag mahirap parin syempre yung pencil trick ulit! Sa lahat ng questions isa lang ang naalala ko, yun ay about sino ang papalit sa pwesto ng Vice President incase na matsugi sya. Ang sagot ay syempre ang “Senate President”. Panu ko nalaman? Nabasa ko somewhere, I don’t know where. Amazing di ba? Hindi ko pa alam yun?? Bobo much talaga. Buti nalang nabasa ko yun somewhere. So may isang sureball 1point na ako!(super happy na ako kasi hindi ako itlog!) Until dumating na yung oras na nagsabi ang teacher na kailangan na ipasa ang papel. Like? Hello!!! 11am palang ma’am! Gang 12noon pa ang exam. Pero no choice. Nagpapasahan na sila. Ako parang may 2pages pa akong hindi nadaanan!!!! Like yes! Panic!!! At aside sa 2pages na yun may mga numbers pa akong hindi nasagutan sa mga preceding pages. So mabilisan na ang pagbasa. Pag malabo at mukhang wala talaga ako makapkap sa sagot sa kokote ko, syempre pencil trick ulit!!! Sayang wala akong dalang dice noon. Sana dice na ang gagamitin ko sa pagsagot. At dahil ako nalang ang natira sa room, paspasan na pag-shade na ang ginawa ko sa mga natitirang numbers. And then! Viola! FINISH!

Moral of this Experience?? Do the pencil trick! It comes in handy!! Ahihihi.

Well, Seriously, I prayed. Sabi ko Lord wala akong alam sa exam na ito. Alam mo naman bobo ako e. Tsaka alam mo rin hindi ako nagreview. Kasi naman d’ba nagtatrabaho ako. Alangan naman magrereview ako habang nagwowork. Tsaka pagdating ng bahay pagod na ako. Mahirap kaya maging bagger.. nakakangawit, at andaming customer. Tsaka wala akong pambili ng reviewer, at wala rin akong oras at pambayad sa review. You know how poor I am.. Kaya Lord, ikaw na bahala, I-guide mo lagi ang pencil na hawak ko. :)

Have a great vacation everyone!!! Excited much!!!

Monday, March 25, 2013

I Always Have and Always Will

At dahil may ilang buwan na akong walang mapost dahil sa sabaw lagi ang utak ko.. at busibusihan ako..magrerepost nalang ako.. :) have a great vacation!



Let me tell you something you don’t know,
or I guess you don't know.
Something I kept for so long.
You're my first love.
Corny isn't it?
Sounds like something on those chick flicks that you see.
But hey, that's no drama, that's no fiction.
It's reality, it’s truth.
It's you... I have loved for so long.
You can’t tell right?
Or maybe you did, yet you didn’t assume?
Or maybe you did, but you didn’t mind?

I know what I'm good at.
I'm good at pretending.
Yes, I'm the great Pretender.
I get envious you know.
Just like any other girls do.
But I don't show it.
Or at least you didn't notice.
Or maybe you do, but you just didn’t mind?
I get jealous too you know.
I get jealous to all those girls you talked about.
How you admire them,
How you were captivated by their looks,
How your heart beats for them,
I had wished it would have been me instead.
I had wished it will happen to me too.
I had wished you would love me too.
I get jealous when you talk about your EXes.
I feel sad when you talk about your escapades.
My heart breaks every time you talk about your mistakes.
You may not see it, but I also feel your regrets.
It may not be noticeable but I sympathize when you’re hurt.
When you’re happy, I’m also happy for you.
You just don’t know how I’m a bit mad at you for being stupid before,
For not listening to the people around you.
For being slow on the very obvious teaching being said up front.
For loving her so much even if you know things are not going right,
For protecting and defending her even if she is cursing you.
For disregarding the words of the mature.
But those days were over.
I was glad when I heard you were free.
Not because I want to replace her,
I was just plainly happy for you.
Knowing that everyone who cares for you is also delighted.
Seeing and knowing that you’re happy is also my joy.

Writing this isn’t easy either.
Words I need to swallow.
Tears trying to escape my eyes
Reminiscing those cheerless thoughts,
This is just one of those ways I know to express what I feel.
I love you.
I always have.
and I always will.

Maybe you’ll wonder why I can say I love you yet I don’t want an US.
One, I’m not worth it, I know.
You’re better off with someone you really deserve.
Two, I don’t want an unhealthy relationship.
You know what I mean by that, I’ve said it for the Nth time.
Three, I want to be respected,
I know I don’t deserve it, but that’s one thing I really wish someone would do for me.
Four, I don’t want to be taken advantage because of my past.
I know that is the norm of the worldly, but I’m a Christian.
Five, I need someone who will help me live right.
It’s not an easy wish, I can tell, but I’m tired of living in it.
I’m fed up seeing myself fall into the same transgression.
It’s as if I never learned. I guess I’m just naturally stupid. 

I love you.
I always have.
and I always will.
But that’s just it.
I prefer being alone.
I prefer staying single.
For in singleness I sin less.
I’m far from committing the same dreadful mistake.
I want to straighten up my ever so crooked life.
Still, I wish for your happiness.
I wish for someone you really deserve.
Someone who will love you, and will make you happy.
I love you.
I always have.
and I always will.
Jan 15, 2012

-Anonymous-

Thursday, January 10, 2013

KONSENSYA

Gang ngayon hindi parin ako pinapatahimik ng aking konsensya.
Hindi ko alam kung nagiging over-reacting lang ba ako or parang
feelengera masyado na kahit sa perspective ng ibang tao e hindi
naman dapat problemahin kasi nga tapos na ang pangyayaring yun.
Guilt... oo Guilt ang nararamdaman ko.. Naging traidor ako.
Mabuti naman sana ang unang hangarin ko. Kaso may mga bagay-bagay na hindi ko na anticipate na mangyayari,kaya kailangan ko na rin magbitaw..Ayaw ko kasing lokohin ang tao na well.. kung sa mga drama sa teleserye ay tinatawag na taong nagmahal sakin ng tunay..(chos!)

Anyway.. dalawa't kalahating taon.. matibay... or akala ko lang isang matibay na relasyon.. hangang sa may nakilalang taong gustong tulungan.kaso higit pa dun ang gusto. pati pagmamahal gusto na rin. Ok lang daw kahit dalawa sila. basta mahalin lang sya.. Ang hangarin ko lang ay makatulong lang financially..para lang makatapos at makapagtrabaho. Hindi ako mayaman. pero kaya ko mag sacrifice para makatulong sa iba. Ewan ko ba kung bakit. alam ko isa iyong kalokohan o katangahan.. tutulong sa taong hindi mo naman kilala, hindi ko naman kaanu-ano.. Dahil sa
sobrang persistent ng tao, nasira ang barrier ko. naging marupok ako.naging malambot masyado.. binitawan ang taong talagang ngmamahal dahil sa ayaw ko itong masaktan. pero habang bumibitaw ako ramdam ko ang sakit. oo.. parang sa mga teleserye lang. masakit sa loob.. masakit sa puso bumitaw sa taong minahal mo at minamahal ka ng tunay. (chos!) Ilang araw ko ring iniyakan yun. Sabi nga nila sa huli ang pagsisi. Pinagpalit mo ang tao na sobrang naging mabait sayo. walang ginawa kundi mahalin at, kahit naging malayo kaman naging matapat parin sya. Laging iniisip ang kapakanan mo. Hindi lang ang kapakanan nya. Iniisip ang magiging kaligayahan mo hindi ang kaligayahan nya. Naging bitter man sya ng bumitaw ako, pero isa lang yun sa natural na reaksyon ng isang tao. Ramdam ko na para lang ako nanguha ng bato para ipukpuk sa ulo ko. Yung taong walang kailangan problemahin,yung taong wala kang kailangan alalahanin kung nangangaliwa, yung taong wala kang kailangan isipin kung san-san man pumupunta kasi laging nasa bahay lang naman sya. yung taong laging nakikinig sayo, laging sinusunod ang sinasabi mo, yung wala kang karibal sa buhay mapa sa laro man o buhay na nilalang,pinagpalit mo sa ibang walang nagawa ay pasakitin lang ang ulo mo, yung kailangan mo lagi problemahin kung nakakain naba, nakakapag-aral ba,makakagraduate ba, may gamot na ba? yung hindi naman sinusunod ang sinasabi mo kasi akala nya gusto mo syang kontrolin. pero ang gusto mo lang naman ay ang ikabubuti nya. yung walang magawa kundi maglaro ng maglaro na akala mo pinagkakaperahan nya yun, pero wla naman. na puro yabang lang akala mo magaling pero wla naman talaga maipagmamalaki, yung nanlaladi ng iba at tinatawag kang babae nya na namimigay ng salapi.. yung minumura ka.

enough of the hatred.. hindi naman yun ang gusto ko ikwento.

Siguro ang guilt na nararamdaman ko ay dahil hindi ko na ipagtapat ang totoo. Humingi man ako ng kapatawaran pero hindi ko sinabi anu ang dahilan. Oo pinatawad nga ako, pero parang hindi yun yun. Ilang beses kung sinasabi na I want what is best for you. Pero ang hirap nun kung hindi mo naman sya nakikita na masaya. Parang ang sakit sa damdamin isipin na hindi sya naging masaya dahil sa ginawa mo. Hindi parin sya nakakamove-on sa sakit na dinulot mo. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging masaya kung nakikita kung hindi parin sya naka move-on. Kahit nakikita ko syang nakangiti, parang ramdam ko na sa loob-loob nya ay nasasaktan parin sya. Ayoko naman maging kami ulit kasi hindi ako worth it. I want what is best for you. You deserve someone better. Parang tunog chick flick lang. Ayaw ko kasi alam ko ang sasabihin ng family nya. Alam ko na galit rin sakin ang family niya dahil sobra ko syang sinaktan. I was just thankful na kahit
sumagi man sa isip nya ang maglaslas, nanaig parin ang talino nya
na wag gawin ang iyon. Salamat sa Diyos. hindi talaga worth it
magpakamatay sa taong nagdulot lang ng sakit sa buhay mo.

Sa tunay na buhay pala ng tao ganun talaga ang mararamdaman mo.
Minsan pinagtatawanan natin ang mga napapanuod nating movies or
teleserye, kung anu man ang kadramahan nila. nangyayari pala talaga yun sa tunay na buhay. merong naloloko, nagpapaloko, niloloko, nanloko, maloloko, lolohin, at maloko.

Anyways.. alam ko walang kwenta tong post ko. Gusto ko lang mag-emote.(chos!)
Sana tulongan nyo ako magdasal para sa kaligayahan nya..at para mawala narin ang guilt feelings ko.

Wednesday, December 26, 2012

Wishing You Happiness

I want you to be happy..

I don't know how..

but that's what I want you to be..

I'm really sorry..

move on..

someone better is prepared for you...

the past is over..

stop reminiscing it.

stop recalling what has been..

stop thinking about the mistakes..

it was my choice..

it was my fault..

you forgave me..

and still, it hurts thinking how I made you feel..

it still hurt thinking how I was able to do it to you..

to end it was agonizing..

but it's for the best.

what is not meant to be is not meant to be.

take it..

it's painful I know...

but that's the truth..

think of the better things you can have,

and can be.

you have always been so good.

i know..

always..

that's why I want what is best for you..

you know that..

what we had was special.

but that's just what it was..

and will remain as that..

more like a beautiful dream..

just a dream..

but never a reality..

let's move on..

forget the past..

and create a new and better future.

much better than what we used to dream of,

together...

I wish you happiness...

I always have..

and always will be..

forgive me.