Friday, April 19, 2013

Just Another Cinderella Story



Disclaimer: Walang kwenta ang post na ito. Continue reading kung gusto mo mag-aksaya ng oras mo. J

One day, isang araw. Habang abala ako na walang ginagawa waiting na makarating sa aking paroroonan. With no reason at all kung bakit, biglang pumasok sa isip ko ang Story ni Cinderella. Oo. Si Cinderella na nagtatrabaho bilang muchacha ng kanyang step mudra. Muchacha as in chimiaa.. oo Chimay.  Si Cinderella who met the handsome Prince Charming. Whom I don’t find charming just one bit (bitter??). Hehehe  No offense. Mas gusto ko pa ata si Beast ni Rapunzel. (meron?)
  
Anyways. Sorry. On with Cinderella.

Tinulungan siya ni fairy god mama nya. Nagkaron siya ng beautiful dress, with matching karwahe and glass slippers. I don’t know bakit nya tinawag na glass slippers e.h diba dapat glass heeled shoes? Or say glass closed shoes? Basta shoes, hindi slippers. Parang Sanuk lang, they’re not shoes, they’re sandals. (connect? Syempre wala)

Anyways. Sorry Again. On with Cinderella.

Pero syempre sabi nga ng fairy god mama, (I wish meron dn ako nito, ng fairy god mama) yun ay panandalian lamang nyang maexperience. At pagdating ng 12mignight babalik na ulit lahat sa dati. Magiging pangit na ang kanyang pretty gown, at mawawala narin ang kanyang karwahe pati ang kutsero nito. To make the long story short, naka punta si Cinderella sa Ball. Hindi ko alam bakit ball ang tawag dito. Hindi ko alam kung dahil ba bilog ang bulwaga nila? Pero parang square naman. Or dahil ba dun sa dancing ball sa gitna? Basta, Ball. At bakit hindi Balls? At Ball lang? Isa lang?? Singular? Mga singles lang ang invited? I don’t know. You tell me if you know... enough of it. Naliligaw ako sa topic.

Anyways. Sorry Again. On with Cinderella.

So yun, pumunta na si Cinderella sa ball. Nagkita sila ni prince charming whom I don’t find charming just one bit, but then again he’s prince charming.. So yun. Sumayaw sila ng 30mins. More or less. (why 30mins? Manuod ka ng cartoons ulit). Habang sumasayaw ay kumakanta rin sila. Nag duet. Dito natin masasabi na marami talagang tao ang mahilig magvideoke at gumawa ng video nila habang nag eemote sila kahit noong unang panahon pa. Out of the topic ulit.

Anyways. So yun. But Cinderella knows na panandalian lang ang lahat. At mawawala rin pag dating ng 12midnight. Madaliang paglalandi lang ang magagawa nya kay prince charming. And to tell you, sinadyang iwan ni Cinderella ang kanyang glass slippers/sandals/shoes/sanuk. Para syempre hanapin sya ni prince charming. Ang landi dba? Doon nagsimula ang lahat.

So yes, if you are familiar with the fairy tale, pinahanap sya ni prince charming sa buong kaharian. 

If you observe the Disney story, makikita mo na pademure din si Cinderella dun. pero, yun ay isa sa mga styles at scheme nya to get mr. prince charming. At syempre ginamit rin nya ang kanyang kagandahan, kaseksihan at alindog. Alangan naman dba? Do you think kung hipon kaya si Cinderella matitipohan ba sya ni prince charming? Like really?  Syempre hindi dba?!.. no as in big no. Sa sinaunang panahon, makikita mo rin ang facial discrimination. Yes FACIAL. Mukha.. Sa story lang ni Shrek nagkaroon ng magandang happily ever after ang mga pangit. Syempre sa mga kauri ding pangit.

Oh sorry. Na lost ako. On with Cinderella.

So yun, naghanap siya ng way na magkita at maakit nya si Prince Charming. Kahit anu mang pigil ang ginawa sa kanya.. Still.. nakahanap siya ng paraan at naging matagumpay.

Conclusion: Si Cinderella ay isang Gold Digger. Oo. Kahit sa sinaunang panahon uso na ang Gold Digger. They dig golds! Pero hindi sa ilalim ng lupa. Kundi sa bulsa ng ibang taong pwede nilang akitin. O di kaya sa bank accounts nito. Or pwede rin sa safety deposit box. Kung saan man ang kayamanan nila. Ang isang gold digger ay taong nakikipagdate lamang sa mga mayayaman, or someone na may potential na maiahun siya sa hirap. Or kung hindi naman siya mahirap, makakadagdag sa kanyang yaman. They are someone who is willing to marry someone for financial stability or security. For more profound explanation e google mo nalang.

Sorry for wasting your time! :)

10 comments:

  1. Ang kulit ng review mo sa Cinderella ha... hehehe... Oo nga, gold digger siya... pero mas obvious yung mga stepsisters niya ha...

    ang moral lesson, dapat ang diskarte hind halata para effective...

    ReplyDelete
    Replies
    1. para paraan lang kasi yun. I'm sure habang nalalampaso si Cinderella pinag planuhan na nya yun. Sayang dn naman kasi ang beauty nya kung d nya gagamitin. hehehe. at dahil sa magaling umarte si Cinderella nakuha rn nya ang simpatya at gustong gusto rn ng mga kabataan ang Story nya(ang bitter lang anu?)

      Delete
  2. madaming cinderella ngayon... lalo na ung naghahanap ng prince charming...

    kulit ng review mo hehehe.....

    napaisip tuloy ako sa shoes niya....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. Sabi nga nila, sa pag ibig. ay mali sa relasyon dapat daw maging mautak ka. Hindi na sapat yung maganda lang. Isaisip mo rin ang bulsa. Most girls syempre iniisip rin ang financial stability. Lalo na pag alam nila Foreigner naku! sinusungkit agad. hehehe..

      Bakt mo namn naisip ang shoes nya?

      Delete
  3. natawa ako andaming extra... sa totoo lang, hindi rin ako nagwapuhan sa prince nya. at oo nga, bakit slippers yun?

    hindi ko trip si cinderella dati... kahit is Snow White. mga umaasa sa prince charming haha pero kung papipiliin ako between cinderella or snow white, kay cinderella nalang ako. si Snow White hindi nakinig sa dwarves e. at least si Cinderella, nakinig sa fairy godmother nya hahaha!

    okay rin sana si Pocahontas nung first movie nya kasi ipinaglaban nya ang pag-ibig nya. pero... nairita ako sa second part kasi nainlove na siya sa iba tapos nung nagkita ulet sila ni john smith, wala na. kahit na iniisip ni john smith lagi si pocahontas, mabilis na nainlove na siya sa iba. :( sad.

    anyway... dahil dyan... kay Mulan nalang ako! tumitibo kung kelangan! hehehehhe! independent woman.

    o sige nagrant na ako rito. sana gumawa nalang din ako ng blog post e noh hahaha!

    pero marami ngang Cinderella ngayon... pero syempre, happily ever after nga ba? ... hmmmmmm...

    ReplyDelete
  4. hahaha.. Mabilis lang ata na nagmove on si Pocahontas. Tsaka, sa cartoon parang magkamukha naman si John smith at si John Rolfe. magkaiba lang buhok. hehehe.

    Gusto ko rin ang Mulan! hehehe. One of may fav Disney movie. Hnd nakakasawang ulit ulitin.

    At isa. Ang pangit ng Wedding gown ni Cinderella sa huli. hahahaha. wala lang.

    ReplyDelete
  5. madaming cinderella tlga ngayon , ung ibang mga bading nga nagcicinderella mode na din ngayon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabagay. tama nga naman. libre lang dn naman mangarap. who knows dba? kahit anu ka man, baka may mabingwit ka namang mayamang prince charming. para-paraan lang yan.

      Delete
  6. Yes si Cinderella ay isang gold digger na pamigay puday LOL. Makabalita lang ng mayaman, papampam agad. Tsk tsk tsk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. may pamalit naman sa puday niya e. pera. hahaha

      Delete