Woke up late, kasi I slept late. Mga nearly 1am na ata yun.
Woke up at 7 am. Dragging my self from my bed. Kasi naman parang an sarap
matulog kasi malamig. Tsaka wala akong minamadaling task sa office. Actually wla
na nga ako masyadong task. So maluwag much na. Parang gusto kung kumain, pero
tinatamad naman ako kasi pagkakain ako ng tamang breakfast, baka malate na
naman ako. So I prepare my lunch nalang, (Nagbabaon kasi ako, para tipid, at
para hindi na ako lalabas ng office). Hindi na ako ngayon sanay na umalis ng
boarding house na hindi nagkakape. Kahit kape lang talaga. So I prepared my
coffee, at nakita ko may tira pang tasty, so gumawa ako ng sandwich. And gumawa
narin ako ng isa pang extra para incase gutumin ako pagdating ng office may
malalafang ako kagad. Naalala ko kasi wla ng laman na foodie yung drawer ko.
Hindi ako nakapag-imbak ng food (parang takot magutuman ano?) Mina- migraine kasi
ako at umaandar ang acidity ko pagnagutuman ako. Hahaha. Yung feeling na nasusuka
ka at sobrang masakit ang ulo. Kaya dapat lagi akong may food, nangyari na
kasing nagsuka talaga ako, buti nalang nakatayo na ako from bed at sa sahig na
ako nagsuka. EW! Parang lasing lang. Anyways, so yun ang everyday ritual ko,
magready ng lunch, magkape or mag breakfast, maghugas ng kinainan, then ligo,
bihis at gogora na ako to office. As usual, sikipan na naman sa bus, good thing
naka upo ako. Pero dahil nasa dulo ako ng pangtatluhang upuan. Yung nasa aisle
na ako banda. May babaeng sales lady ata ang SM na nakatayo sa gilid ko, so ng
share ako ng seat. Sabi nga nila. Share a seat, win a friend. Pero hindi naman kami nagging friends. Wala
lang. bali apat kaming nakaupo sa pangtatluhang upuan, at ako ay parang saling
ketket lang sa upuan nay yun. I’m thankful na hindi traffic, at mabilis lang
ang travel ng bus, siguro mga 30mins lang papuntang Ayala. At syempre dahil
parang 1/16th lang ng pwet ko ang nakaupo. Dahil naconsume ni ate na
kashare ko ng seat ang 15/16th part ng upuan ko. Ang hirap. YUng
feeling na malalaglag kana sa upuan. Buti
at nakaraos rin. Then baba ng ayala, lakad papuntang sakayan ng Washington then
sakay naman ng Jeep. Natutuwa ako kasi wla pang 9:30. Meaning kahit late na ako
pumasok, hindi ako malelate. (may sense ba?) Pag dating ng Robinsons Summit, baba na naman, then mabilisang lakad papuntang
office. Time in around 9:32am. Cool! Deretcho ng workstation, at sinabihan ako
ng isang kasama ko, “hala ka! Pasok kana dun” sabay turo sa Conf room. Napakunot
ang noo ko at napatanong ako “bakit? Anung meron?”
“may meeting daw kayo e.”
“meeting? Shit! Oo nga pala!“ sabay deretcho sa room, Naka upo
na doon ang mga kasama sa team.
Dahil wla naman nagsasalita sa polycom, napatanung ako “tapos
na ba ang meeting?”
“upo ka. Wag jan si MJ jan e”
“anyare?”
“hindi maka connect, sira ang network”
“ganun ba, ok,”
At kwento-kwento na kami. Actually tapos na rin ako sa task dito,
aattend lang ako ng stand-up meeting para magbigay ng updates ko. Then after 10
minutes, wala parin. Wala na talaga pag-asa. So walang meeting. By 10am may
isang stand-up meeting pa ako, kaso, mukhang wala parin yung taga AU. sira
parin siguro network nila. Nagset-up na ako ng goto meeting, pero hindi ata
sila maka connect. So wala ulit meeting. Nagcheck na ako ng workstation ko.
Walang email, walang jira, wlang network. In short wala akong magawa!
May-update pa sana akong isang task, pero wla parin kasi hindi ko ma access ang
jira, at hindi ko alam ang details ng task. Hindi rin ako makakapareview ng UC
sa casecomplete kasi naka check-out
sakin, at dahil walang network, hindi parin macheck-in at hindi rin maka
getlatest yung magrereview. So wala talaga. It’s a HOLIDAY!!! YEHEY! At dahil wla ako magawa, kinuha ko na yung jacket
ng isang ka officemate ko at nilagyan ng name nya gamit ang fabric glue sa desk
ko. Kaso natapos ko na rin, at kailangan ko pa patuyuin, for additional
kaartehan na idadagdag ko. So Wala na naman ulit akong magawa. Kaya naisipan ko
nalang magblog about sa wala akong
magawa. At maya-maya siguro, mangungulekta ng mga unan ng officemates ko at
lalagyan ng mga pangalan nila or kung anu mang design ang irerequest nila.
Marami pa naman akong fabric glue dito. Ahihihi. At magvandal narin sa mga
upuan nila! Ahihihi. Hirap talaga magpretend na busy!!! Sheet of Paper! Wala akong
malalagay sa timesheet nito! So. Ano? Text
text nalang tayo! Anu number nyo? Kahit ngayong araw lang, gang bumalik ang
network connection! Hahaha.
11:30 na. pwede na maglunch! at mag movie mode! yehey!
nung october 3 pa tong post mo..so busy ka na ba ngaun?hehehe...
ReplyDeleteay hindi! maslalong wla na akong magawa. hahaha. kaya magbobloghop nalang ako. ahihihi. and maybe manood ng movies later. (sipag anu?) problema ko lang ang logs sa timesheet ko. hahaha
Deletenacurious lang ako - are you from HP? :D
ReplyDeletenope! masyadong malayo. hehehe.
Delete