Sunday, October 7, 2012

Durugan...



This happened I think last August if my memory serves me right.. or wrong? Hahaha. Makakalimutin kasi ako.. Anyway, ang daily route ko to office includes ang pagsakay ng trike, lakad, sakay ng bus, lakad, sakay ng jeep, lakad and viola! Office na. So medyo slightly maraming sakay (more than 2 kasi). And maraming lakad (wew.. sana papayat ako sa ganitong gawain)

And so, as a normal day, after ng trike, lakad mode na paakyat sa footbridge papunta sa sakayan ng bus. I think it was Monday kaya siguro napakarami ng tao sa Bus stop. Every Monday ganun talaga. And well actually every morning jampack talaga between 7am – 8:30am. At parang nagpapatayan na ang mga tao makasakay lang sa bus kasi malelate na o kaya traffic. Hindi naman ako choosy sa bus e, kahit hindi aircon ok lang. Basta maabot ko lang ang objective ko. That is makarating ng office before 10am, or before sa target time ko if ever my meeting or training ako at earlier time.

Nang may bus na dumating, although nasa unang helera ako, hindi ako sumakay kasi an layo ko sa entrance ng bus. So wait ulit sa next bus. Then another bus came, habang hindi pa nakaalis ang unang bus. Naku! tamang tama lang ako sa pintuan. Mga isang tao lang ang distance ko sa pintuan, bali nasa left ko yung pintuan. Una ok pa ng bumaba ang mga sakay ng bus, so waiting mode muna ang ibang pasahero bago umakyat. Then bumaba na ang last person, and biglang stampede!!! Hindi na ako nakagalaw. Dumikit na ako sa gilid ng bus. As in dikit na dikit na talaga. Buti nalang naka side view ang mukha ko, kung hindi siguro kahalikan ko na ang bus! Hindi talaga ako makagalaw sa dami ng tao. Then I tried to push myself palayo ng bus, grabe! Ang hirap! Feeling ko ang daming nakakabit sa likod ko. Ang bigat!!

Then one shocking thing happened.. May biglang humawak sa isang dibdib ko (right). At na shock ako syempre, napayoko ako, tingin sa kamay. At parang nangangapa pa (wla kasi sigurong makapa, hahaha). Sheet of paper! Ano to! Hindi ko alam kung tyansing ba yun o napagkamalan akong poste? Kaso wala akong magawa kasi ang dalawang kamay ko ay naka tukod sa bus at sobrang dami ng tao akala mo Woodstock! Grabe na ipit na ako, as in ipit talaga, then may nag grab pa ng dibdib ko from behind! Anong kamalasan to!!! Pero wala na akong magawa, at kung hindi ako gagalaw lalo lang akong maiipit. At maya-maya siguro dahil wla naman mahawan or kahit sabihin na natin na na out balance yung may ari ng kamay na yun na I think kamay ng babae kasi maliit at naghahanap ng mahawakan, sad to say wala siyang makapa, kaya kinuha na nya yung kamay nya, or baka tuluyan na syang na out balance talaga. Which is hindi ko naman makita kasi nasa likod ko.

So I gave all my strength para makagalaw. And Yes! Nakagalaw na nga ako. Naka-usog na rin sa pintuan ng bus na pang isang tao lang. Then para akong basura na natatangay ng alon paakyat. No need na mag effort umakyat.

Sa loob ng bus parang sardinas! Buti pa nga ang sardinas may sarsa naaalog-alog pa sa lata. Doon sa loob ng bus hindi ka makagalaw at tayu-an portion pa as in sobrang sikip talaga. Naka pwesto ako sa may poste na malapit sa hadgan ng bus. At dahil marami pa din ang umaakyat, medyo umusog pa ako ng very very slight, at si ate sa gilid ko napausog din.
Sa hagdan ng bus may mga babae pang nakatayo at pilit na pumapasok kahit alam naman na wala ng space. Dahil ako ay isang mabait na citizen ng Pilipinas, nagtry ako maghanap ng way na mapaakyat ko pa sila or say usog lang ng slight pa akyat, dahil mukhang durog na durog na kasi sila sa mga kalalakihan na kasabayan nila sa hagdan. So nagsabi ako sa ale na katabi ko na pausog ng slight (in a very polite way) at abah! Nagagalit si ale, sabi
 “ang sikip2 na nga papausugin mo pa ako? Anu gusto mo bumaba nalang ako dito?”

parang nagulat naman ako sa kanya, may konting space pa kasi sa gilid nya. Actually pede naman talaga sya umusog e. At andami pang sinabi
  
“Parang hindi ka marunong umintindi ah! Parang hindi mo ramdam na masikip ah! Saan ako uusog dito? Lalabas nalang ako yun ba ang gusto mo? ”

and blah blah blah.. Tahimik lang ako. Nakangiti sa kanya. Ahihihi. Parang gusto ko syang patulan, pang asar lang sana, sasabihin “Sige te! Labas ka na! Now na!” kaso baka lalo magalit. An dami pa nyang sinasabi. Ngiti-ngiti parin ako. Then sabi ng isang babae na tinulungan ko maka-akyat,

“Yaan mo na yang maldita na yan, usog ka dito, wag ka lumapit dyan .”
sabi ko nalang “Ewan ko ba, siya ata ang hindi marunong umintindi”. 
Tahimik lang ako sa buong byahe, traffic pa naman noon. Hangang sa umabot na ng Ayala at nakababa na rin ako. Wew. Buti nalang buo parin ako. No injuries, hagardo versosa lang sa byahe at sa pawis. Pero hindi ko hinayaan na masira ang araw ko sa ganung pangyayari lamang. Think positive parin. So far isa yun sa pinaka worst experience ko sa pagsakay at pag-antay ng Bus. Bow!

10 comments:

  1. wahaha..di ko alam kung matatawa ako oh magsi-symphatize sa kwento mo..hmmmm natawa ako sa pagkakakwento mo..pero nagsi-symphatize ako sa experience mo..naranasan ko na rin kasi yan hehehe..

    ReplyDelete
  2. hahaha. kaya nga laging exciting ang magbyahe e. hahaha

    ReplyDelete
  3. isipin mo na lang masama lang ang gising nun .. hindi naka JEbs o baka najejebs na ..ahhaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. sabagay.. pwede rin. salamat sa payo!

      Delete
  4. intindihin mo nlng .... hahaha! ntawa me tlga dito!

    ReplyDelete
  5. Konti lang yung word na sikip dito..Mga 154,526 times mo lang sinabi hehe. Ganyan talaga ang buhay commuter. Challenging. Natawa ako sa kamay sa dibdib wahhh..

    ReplyDelete
    Replies
    1. true! kaya nga andaming nakakatawa/ nakakatuwa/ nakakaasar / nakakainis na karanasan. hehehe.

      Delete
  6. namiss ko ang ganyang byahe ko sa pinas. nakakarelate ako sau. tulad mo, ilang beses na rin akong natsansingan (naharass). feeling ko tuloy, andumi dumi ko pagbaba ko ng bus/train. lols!

    ReplyDelete
    Replies
    1. at ikaw pa talaga ang naharass anu.. hehehe. ito ang isa sa mga reason na ngiging exciting ang araw. hehehe

      Delete