Friday, October 12, 2012

Double Meaning



Sa mga taong masyadong malawak ang pag-iisip (wide imagination??) ang isang word ay pwedeng magkaroon ng maraming meaning. Depende sa iyong pagbigkas, depende sa emotion mo ng ito ay iyong binibigkas, at depende sa takbo ng usapan, or kung paano mo ito ginamit sa sentence.

Since college mostly ng mga classmates ko (actually 9 lang naman kami, 3girls, and 6 guys). Most of the guys mga mahilig mag double meaning. Kaya minsan ang wholesome ng usapan pero tawa sila ng tawa. Kasi may ibang meaning na pala yun. 

Meron ako noong isang keychain na pusa na nakakabit sa aking bag. Yung gray na pusa na I think nabibili sa Mc Donalds kasama ng happy meal. And we call it Pussy. Yun ang binigay nilang name.  Lagi nilang hinihiram si Pussy, kinukuha nila sa bag ko at nilalaro. Ginagawang parang puppet, or parang manyika. Kaso nawala si Pussy. Hindi ko alam sino nagnakaw sa bag ko. I can’t find my Pussy. (ang bastos pakinggan diba? Sabi nga nila: “ang kabastosan ay nasa isip lang”)
Isang araw habang pauwi na kaming lahat, syempre lakad-lakad sa campus papuntang gate ng school. Syempre usap-usap at tawanan habang naglalakad. 

Yung isang classmate ko na nasa likod ko biglang nag sabi.  “k0tz (hindi totoong pangalan), can I touch your pussy?? ” habang hinahagod-hagod nya yung pusang keychain  na nakasabit sa bag ko. “Sure!” ang sagot ko.
“Can I play with your pussy??” ang dugtong nya. “anytime!” ang sagot ko. 
 Ang sagwa naming mag-usap sa gitna ng daan dba?
At kinuha na nya sa bag ko yung pusa na nakakabit doon. Yung ibang students naman na kasabayan namin tawa ng tawa. At syempre pati  kami rin tawa ng tawa. Ang sagwa!!! Pero sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang.

Nung magstart na ako magwork medyo ganun rin ang mga officemates ko. Ako lang kasi ang nag-iisang babae sa office. Kahit sa simpleng pagbili lang ng meryenda.
“Manang bakit ang liit ng itlog mo?” tawanan na naman..
Pati ang turon d nakakalagpas “ang haba naman nito manang” at tawanan na naman.

That time habang nagmemeryenda kami na binili namin kay manang na dumadaan lagi sa office. Marami sya actually tinda, isa na doon ang nilagang Itlog. Tapos na ako magmeryenda at minamadali ko ang isang kasama naming lalake. Kasi kailangan naming bumaba may bibilhin ata kami sa grocery sa baba. At biglang sabi ko “Bilis na, balatan at kainin mo na yang itlog mo”.
At biglang tawa yung ibang kasama namin. At natawa rin naman ako. Ang sagwa daw kasi pakinggan. Doon ko na naitindihan ang ibig nila sabihin. Pero nagreason out pa ako. (ayaw patalo anu?) na tama naman sinabi ko.  Sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang. 

Nung lumipat na ako ng Manila, mas malala pa pala ang mga tao doon (sa dati kung company). Kahit simpleng kumakain lang kayo. Habang kumakain ng lunch (ang ulam ay Sinigang I think basta may sabaw yun.)
Girl 1: (tikim ng ulam) Ang alat ng sakin. Yung sayo maalat din ba?
Girl 2: Hindi naman e.
Girl 1: Patikim nga ng sayo..
Ayun tawanan na naman yung mga nakikinig… pero inosente ang mga taong nag-uusap..

Habang sumusubo naman ng saging ang mga kababaihan, or mga bading (kasama ksi sa combo meal ni manong taga deliver ng lunch ang saging)
Guy 1: Ayun, ayun kakain na sila ng saging. Tingnan nyo..
(habang sumusubo nang saging ang isang babae inoobserve nila yun)
Guy2: Tingnan mo yung dila.. sumasalo.. Ganun kaba talaga?? (sabay tanong sa girl na nagsusubo)
At tawanan na naman.. Sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang.

Or example, absent ang isang ka officemate. Magtatanong sa katabi nito:
Person 1: Nasaan si ??
Person 2: SL eh.
Person 1: Ha? S*x Leave?? Grabe ha..
Ayun na naman.. daming meaning.. Dapat Sick leave yun.

Kahit mga simpleng salitang madulas, malambot, mahina at eskabetche cam, Bluetooth, etc. O kaya pag masakit ang lalamunan mo, Andami na nilang sinasabi na kung anu-anu. Kahit manlang sa Email ng boss na nagsasabi na hindi kaya pumunta ng office kasi masakit ang katawan dahil sa activity. Mga position na agad ang nasa isip nila na kung anu-anu na magcacause ng sakit sa likod etc. or kahit masakit ang kamay mo, or kahit anu pa yan. Laging may ibang meaning.

Dito naman sa current office ko, may breeding ang mga tao. Hindi bastos tulad doon sa kabila.. Pero parang na acquire ko parin ang double meaning na yun.
 
One time habang, kinuha ko ang lalagyanan ko na may lamang peanuts sa drawer.  Na parang 1 week ko atang hindi nabuksan, or nakain manlang. Pagkabukas ko ng lalagyan biglang sambit ko “hala, tigang na ang mani ko”.
At ako na mismo ang biglang natawa. Buti nalang at mahina ang pagkakasabi ko. Wew. Nakakahiya. Pero nanunuyo na kasi yung peanuts  (para hindi masagwa pakinggan) sa lalagyan nya.

At ang reason na nasulat ako nito ay dahil sa pangyayari kanina habang kumuha ako ng tubig sa dispenser dahil iinum ako ng kape. Yung isang ka officemate ko na lalake sya ang unang nakasahod ng tubig sa dispenser, e  medyo na ubos na ang laman ng dispenser. Kaya ng sumahod ako, parang ¼ lang ng mug ang laman. Kaya habang nililinis nya yung isang gallon ng water na ipapalit nya, kinusa ko narin na tanggalin ang gallon na nakakabit sa dispenser. Medyo mahirap sya hugutin. Kasi parang tatlong beses ko ata syang ini-attempt tangalin. Makapit.. Sa pangalawang try ko, napasabi ako ng, “Shiiit!! Ang tigasss..” in a sweet and gentle way. Imagine nyo nalang yung sweet and gentle way (buti nalang mahina). At nang pabalik na ako ng workstation, medyo napangiti naman ako.. tsk tsk tsk.. Sabi ko nga ang kabastosan ay nasa isip lang.

Ibig pala sabihin nito ang dumi na ng isip ko. Naku! hindi maganda to.

23 comments:

  1. uu ang kabastusan ay nasa isip lamang at bastos ka rin mag-isip katulad ko hahaha..relate kasi ako sa mga kabastusang usapan na yan mapa-office man oh mga kaibigan ang kausap ko..napa-berde ng mga utak...

    p.s. nakakaduling pala basahin ang white font sa black background hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha. e panu kasi siguro nasanay na ang utak ko? hahaha... masama ito..

      hahaha. ay nakakaduling ba? cge papalitan ko na. hehehe

      Delete
  2. Ok lang yan. Basta sa double meaning na usapan, iisa lang at nagkakaintindihan kayo ng kausap mo. Pero natawa ako kasi kahit pala mag isa ka lang sa isip mo may sexual undertone yun ginawa mo haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. e1 ko ba bakit ganun. na sanay na ata ang utak kung ganun. hahaha. teka. maglilinis na ako ng isip. :D

      Delete
  3. Haha I love posts like this! Lalo na yung sa maning tigang hahaha. Ang mga officemates ko ganyan rin (including me) kaya ang saya lagi sa office to the point na maireklamo na kami for sexual harrassment.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa dating office ko ganun. at may nagreklamo na talaga. hahaha.

      Delete
  4. ganyan ang mga magandang usapan. hahaha! tumahimik o umalis na lang ang pikon.

    ReplyDelete
  5. napangiti ako dun sa ang kabastusan ay nasa isip lang. lels

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo yun.. ang kabastosan ay nasaisip lang talaga. hahaha. kung hnd mo iniisip na bastos yun.. kahit ang sagwa at bastos talaga yun, hindi yun magiging bastos. hahaha.

      Delete
  6. taska yung double meaning nakakabuhay ng usapan .. hahahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. tama! ganun palagi yun! bahala na ang pikon! ahihihi

      Delete
  7. sabi nga nila ang pikon ay laging talo kya better n tawag nlng mgsalita..hahaha

    ReplyDelete
  8. hahaha! sabi nga nila ang pikon ay laging talo kya mas ok n tumahimik nlng.

    ReplyDelete
  9. hahaha. yan magaling si Rizal daw. nasa isip ang kabastusan. kaya maraming nabingwit na babae.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. i agree!! hehehe. sa Rizal without the undercoat ba yan?

      Delete
  10. sex in brain is sex in bed. :D

    para sa kin ok lang yan basta nasa lugar. in my case, sa asawa ko lang. lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. ganun ka-agad-agad? pwede bang madumi lang ang isip? hehehe.

      Delete
  11. masaya kaya pag greenminded ... ahahahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... masaya nga.. madumi ngalang ang utak

      Delete
  12. good post... lahat ng bagay talga ngayon may double meaaning na kasi marami na tayong matalino...naks... boring kung lahat ay literal meaning lang pagbabasihan...walang fun... so how's your pussy? meron pa kaya niyan sa McDo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. at natawa ako sa tanong mo.. haven't seen my pussy.. hahaha. wla na ata. iba na i think ang mga toys sa mcdo.

      Delete