Wednesday, July 18, 2012

Kasalanan ba yon??

Oh ok, napablog ako ngayon for no reason. Ay Actually may reason.. gusto ko lang mag blog at nababagabag kasi ako.

To start with, ako kasi yung tao na may pagka martyr. I mean, mas gusto ko pa na ako ang masaktan kesa naman masaktan ko ang ibang tao. So yeah, minsan lumalaki na ang ulo nila kasi siguro na sanay na din..

Anyway, with the current happening sa buhay ko, I'm thinking na if ever ba na iiwan mo ang isang tao, kung anu man ang mangyari sa kanya, well say masama ang nang yari sa kanya, or dahil sa iniwan mo sya naging masama na sya, or like problemado na ang buhay nya at iniwan mo pa so parang hindi na nya pinahalagahan lalo ang buhay nya, or parang nagbago sya para sayo, but in the end iniwan mo so bumalik sya sa dati or dahil iniwan mo sya nagbabalak na sya na sirain pa lalo ang buhay nya? or say nag suicide nya dahil iniwan mo sya. Dapat mo bang i-blame ang sarili mo pag ganun?

Well, hindi naman sya nagsuicide actually pero, he thought of shooting himself one time. Kahit kinakabahan ako, hindi parin ako nagreply hangang sa nagsawa na rin sya at hindi naman talaga nya tinuloy.

Currently, what i have observed (sa pamamagitan ng pag view ng facebook profile nya) parang mas lalo nyang na hate ang religion, i'm not sure kung pati si God, pero parang e. Yun mostly ang makikita ko sa wall nya. Hindi naman kami friends sa FB actually, or i mean hindi na. I think yung isang reason na naging ganyan sya is magkaiba kami ng Religion. and mahirap talaga ipa-intindi sa tao ang beliefs mo kung iba rin ang paniniwala nya. And he often Question God sa mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya. I can't say things are going well rin sa akin or sa family ko, we do have ups and downs. Pero it never came to a point na ini blame ko si God.

I was thinking ang sama ko nga talaga, nag-move on ako habang kami pa. Actually, it never registered in my mind na maging kami talaga in the end, because I know imposible. But all I can say is, binigay ko naman lahat. I had a lot of sacrifices para sa kanya, pati tulong para makapagtapos sya, at makahanap ng work, i gave up someone para sa kanya, but then hindi naman nya pinapahalagahan yun. And till it came to I point na sinabi ko sa kanya na "you're my biggest mistake". I know masakit yun, pero I said it because I was really mad. I said it because I gave out a lot. I gave a lot of effort and sacrifices tapos hindi naman pala papahalagahan in the end. Nakakafrustrate talaga.

Every time na masaktan nya ako, sa pananalita nya, sa pagbabalewala, saying paki-alamera ako sa buhay, or gusto ko ako lagi masunod (it was all for his good naman, not mine. like saying wag ka puro games), as if I was choking him and taking him  hostage. which I don't think is true. Or i don't know. Until I learned na unti-unti patayin ang pagmamahal (echos) ko sa kanya. and till it came a point na nasabi ko na na ayoko na, and that I want my freedom back. Ayoko na ma stress sa relasyon. ayoko na ako lang lagi ang umiintindi. (ang drama much).

Anyway, to cut the story short, yun nga, parang I still can't forgive my self if in case may mangyari sa kanya, or say if hindi naging maayos ang buhay nya. I don't know. Yes I know I still care. But love? I lost it (chos!)

Tuesday, May 15, 2012

So Bored

I'm really feeling bored sa office. I don't know.. Iniisip ko baka hindi ko talaga inclination ang work ko na ito. I know mas enjoy ako doing arts and crafts. Making mallow or chocolate bouQuets.. Experimenting arts, designing and etc. Anything related to being artistic. Mas magana ang isip ko doon. With my current work, I really get bored. Most especially kung paulit-ulit lang ang lahat. Documentation, Use cases.. yun lang. Tinatamad rin ako magbukas ng ibang sites (Parang hindi ako techy. hahaha). Facebook? tinatamad din ako. Makakacheck lang ako saglit Ok na ako. I don't need na mag tambay talaga sa site. Besides I don't even play games sa facebook. (well nag God's war ako before, kaso tinamad dn ako in the end). Hindi rin ako mahilig magbabad sa net for no reason at all. Ok lang if  meron ako hinahanap. Like "origami about anything na pwede tupi-in".. mga "How to", "gadget reviews".. That is kung nasa isip ko sila. pero kung wla naman.. tamad ako mag surf. Tsaka ok lang din kung may mga blog akong binabasa. Kung wala kakatamad din. Blogging? kung feel ko lang. like right now. Kasi sobrang bored ako sa work. I got a deadline honestly, pero hindi ko na alam anu pa need ko gawin. Kasi ba namn parang hindi pa final ang isip ng mga taong nagdedesign at nagdedevelop. So pa bago-bago rin ang documents ko. Siguro one factor rin na I get bored is dahil sa comment ng boss kung Australian last time? Pero naiisip ko parang  mali ata ang comment nya e. Hindi ako sure kung naiintindihan nya mga sinabi mo. Or baka dahil sa kinabahan ako a pag present ko iba rin ang nasabi ko? I don't know. Pero.. the way he said it; it's as if I'm way to slow? Ok lang yung slow.. pero huwag naman masyado. (hahaha) I mean it was just a simple business rule para hindi ko maintindihan. At dahil daw hindi ako focus kasi nakikipagchat ako sa Skype.(bawal na ata mag chat dito, at bawal na rin mag browse.) So  bawal na lahat. Ok fine. Wla naman sakin yun. I think I need variation.. and focus?
Ang gulo ko talaga. hahaha.. Wla lang.. pinapatay ko lang ang boredom ko..

Thursday, April 26, 2012

50% OFF ON Starbuck Frapp

Sa mga mahilig mag Starbucks meron silang 50% Off sa Frappuccino nila. Kailangan mo lang ng tiyaga sa pag pila. :) That is every Monday beginning April 30 to May 28 2012, every 2-6pm!

Tuesday, April 3, 2012

Delete Parent

Just this one time....



Na delete ko ang isang parent ticket ng mga issues na ginagawa namin. Parang namuti ako noon. Hindi ko naman sinasadya. I was asked kasi to transfer the issues from one parent to another. and ilang beses ako nagkamali kasi nakakalito ang screen. and I deleted 1 misplaced ticket, and another one, and ang pang tatlo na dedelete ko na sana ay, hnd ko napansin nasa Parent Ticket window pala ako. and ang nadelete ko is ang parent ticket mismo and POOF!!! WALA NA!

 nagulat ako hinahanap ko ang mga tickets pero hindi ko na makita. and I froze... SHIT!! isang malaking SHIT!!!!

wala na talaga.. sa Sobrang katangahan nga naman Oo... Hay..



Holiweek!

YES! holiweek na! ang bakasyon na inaasam ng lahat. Walang pasok for all mandkind. Pwede na magbakasyon. What's nice nadugtong pa ang Araw ng Kagitingan na pumatak sa Lunes. It's a very LOOOONG WEEKEND! Para sa may mga work, yayaman sila. Double pay? Triple Pay? Buti pa sila. Pero Ok lang. Gusto ko na talaga umuwi.. Nasa Vacation mode na ang utak ko. In short hindi na gumagana ng maayos. Excited na magbakasyon. Lahat ata ng tao e wala na rin gana magwork. Nagmamadali na, at nagdadasal na sana Thursday na. Sana meron din 1month na holiweek, or holiday! Para mahaba ang pagbabakasyon. Syempre paid yun. kasi nga holiday. Hindi kasama ang Vacation Leave. Hahahaha.. Kelan kaya magkakaroon noon?

Basta sa ngayon.. HELLOOOOOO HOLIWEEK!!!

isang busy na bakasyon para sakin! YEhey!!!

Friday, March 9, 2012

She's Fired!

Not so early yesterday, may natanggap akong email galing sa dati kong ka officemate.

Title: Latifa is gone

May ichichika ako….

Tinanggal na si Latifa sa [COMPANY NAME]

Nung Monday daw kinausap siya taz sinabi last day na niya. Ang reason daw ay “redundant”.
Nung Tuesday di na siya pumasok.

Regards,

[SENDER]


YES! Na shock ako..

Pero OO napangiti ako...

OO  NAPA SMILE!

And Yes! natuwa din ang puso ko.

Kung nabasa mo ang Boss Kasi kung blog, malalaman mo bakit natuwa ako.At naging excited ako na ipamalita sa buong Mundo. Pero syempre napaisip din ako. Naawa dn ako sa kanya. And I thought ang Sama ko naman. Tinawanan ko sya. Kahit ang sama nang ginawa nya, alam ko masakit pa din naman na tanggalin ka sa Managerial position mo and ang mas masama pa doon ay on the spot last day mo na. I don't actually know the whole story, but I'm sure lahat ng tao na tinanggal nya rin before would be very happy to hear and to know about this. And Yes I was one of them. At marami pa kami. Nasabi ko nalang sa isang dating ka officemate ko din na

She's reaping what she sowed.

and It's really true. Kakarmahin ka talaga.And it happened to her. We are pretty sure mahihirapan sya makahanap ng work. Una palang hindi naman sya magaling na QA, next managerial wise hindi rin. At for sure malaki na rin ang rate nya. At aside sa maraming tinanggal nya, marami din ang nagresign na sya rin ang reason. To sum it all up wla talagang may mapapala sa kanya. Para nalang expense lang siya ng company. I'm not being bitter or being mean. Kahit sino kasi tatanungin ganun talaga ang reaction. Except sa mga naging sipsip at closeness nya which are only a few. If you wonder paano sya naging manager well, kami nag-iisip din paano. and well maganda ang kapit nya sa mga bossing sa US. but too bad wla na dun ang kinakapitan nya. and siguro nahalata na rin nila na marami na ang nagreresign na QA in just a few months time sunod sunod pa.

Despite all the mean thing she did, naging thankful din naman ako actually sa kanya. First thing is nung tinanggal nya ako tumaas naman ang rate ko. Hehehe, and was able to actually do a BA task. So All things happen for a Reason.

So anyway... yun lang. gusto ko lang ibalita sa Mundo.

next time when your being to evil and too bitchy.. try to think twice.. as the saying goes
Do not do unto others what you don't want others to do unto you.

have a happy Friday!

Wednesday, February 29, 2012

OMG!!! I'm OLD!!!!

it was just this morning that I was thinking about my age. or kahapon ba yun? I forgot... I actually forgot my age. So what I did was get my cellphone, and navigate my way to the Calculator application. typing:
1987 - 2011
ANSWER: 24
and it dawned on me!!! Oh My GULAY!!!! I'll be 25 this year!!! and I can't believe it! I don't want to believe it!!
I am SOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO OOOOOOOOLLLLLDDDDD!!!!

and until this afternoon, I still can't accept the fact that I am so getting old!!! I'm still in the state of denial.
akala ko i'll be 24 this year.. but no!!!! I'll be turning 25!! (plus 1 really matters!)

Then naisip ko, siguro tama nga ang sabi nila, that when women reach a certain age, around 25, 26, 27, nakakaramdam na sila ng takot or kaba. The usual reason is that tumatanda na at wla pang jowa, if not my jowa nga pero d pa engage or parang malabo pa sa direction na yun, or hindi pa rin sila settled.

In my case, I wasn't afraid of any of those. I just felt that parang nawawala na ang kabataan ko. (MERON?). I don't know. I feel like I need to stop acting childish and be mature, in which I believe is something I can't easily let go. I felt like so many years have passed and wala paring nangyayaring tama sa buhay ko (Well, I think. meron ba?). I feel like tumatanda na nga ako pero parang wla akong growth intellectually (bobo much?). Parang ang dami pang kulang. parang feeling ko sa 24, turning 25 years na ito ang dami kung na miss na mga bagay-bagay. Dami ko parin hindi natutunan.. At it saddens me (arte?). And now... I'm troubled.

HNDI KO PARIN MATANGGAP NA MAGIGING 25 NA AKO THIS YEAR!!!!

Monday, January 16, 2012

Boss Kasi 2

Oh ito na.. isa pang Suck Ass boss ko.. DATI....

So how it all started??


Sa una I though it was going to be cool. Kukunin ako ng kabilang team. Supposedly terminated na ako, pero may offer na din ako sa isang company, an offer hard to decline. Kasi binigay lahat ng gusto ko. Ang Night shft ginagwang Morning.. ang Techno Hub location ginawa ng Makati, Ang gross tataasan pa sana... But then I decline. kasi Kukunin ako ng kabilang department. Thinking it's going to be cool there. Thinking na may kaayusan doon. Thinking na mabait at magaling mag manage ang Boss.. thinking i will grow better in my career.. Thinking I will learn alot..

Pero isang malaking PAGKAKAMALI PALA!!!

On the first few days OK pa... basa-basa ng documents. I try to absorb what I can absorb.. (pero parang wla akong may na absorb. hahaha. sa dami ba namn ng documents). Documents.. pero wlang manual. wlang use cases.. OK.. fine. Documents.. May energy pa ako noon pumasok. Feeling like.. Everyday is a new Day! Pero habang tumatagal.. Hindi na ako happy.

Sa una akala ko strict pa si bossing. Pero hindi pala. Sa amin lang pala yun na hindi nya like..(Choosy??  YES! choosy sya. Virgo kasi. No offense sa ibang virgo ha.) Pero sa mga Peborit.. Hindi ganon. Kami.. with my Co BA, we try to finish things as discussed. Kung kelan ang deadline, tapos na namin talaga. No reasons. No Excuses. Kung kailangan mag concentrate e, edi concentrate. Kung kailangan mag extend. nag-eextend. Actually araw-araw naman nag eextend e. Pumapasok ng 9, umuuwi ng 8? 9? 10? 11? 12? ginagabi na kami. Pag may lakad ako nacacancel pa kasi biglang magpapameeting ng 6pm? 7pm? Parang ang unfair naman ata yun sa maagang dumadating para maagang makakuwi. Syempre ang hirap nun pagdating mo ng office wla pa yung iba. Ok lang pag wlang dependency yung gnagawa mo. Paano pag meron? Mag-aantay kapa? Hassle ata yun. Mas lalo na sa mga QA namin na Alas syete o alas otcho ay nasa office na. at Uuwi ng 10pm? Pero ang dev, pwede on the spot umuwi. Pwedeng work from home. Minsan nga anytime uuwi. Magdidinner lang daw. kasi malapit lang ang condo. babalik after 3 hours para mag out? Anu nagawa nya sa buong araw? Syempre wala. Pero may magagawa ba kami dun? Wala dn. kasi kahit ilang beses mo na e-open up sa Bossing ang mga concerns, pag dev ang concerns wla syang kayang gawin! Hindi nya kayang sabihan. Pag nasabihan nga nya, mag oo lang yun. Pero wla naman effect. Ang pangit nun ang balik nasa BA at QA. At pag hnd naman minsan nagawa ng dev si Boss ang gagawa. Boss? Boss kaba talaga? hindi mo alam panu bigyan ng accountability ang tauhan mo? Kunting excuse lang na parang hindi naman valid acceptable na agad? So not fair.. (bitter ko kasi hindi ako favorite? hahaha duh! sila nah!).Isa pa, gusto nya na mag suot kami ng formal outfit sa office. e heller! Company policy na nga ang dress down e.. And Formal business attire ha. E wla naman client na pumpunta sa office. and ang example nya  isa naming officemate na hindi naman actually formal/business casual ang suot, kundi pang party, pang night out. Are leggings considered formal? since when? mukha lang sya sosyal, kasi sosyal nga talaga sya, pero hindi yun formal (nogpoprotesta kasi jeans and shirt lang ang ang damit sa cabinet. hahaha. purita much! trasher ako e! hehehe) and mini skirts are not formal! kasama na ang sleeveles? Tularan daw namin yun. kasi yun ang pormal! like heller!!! alam namin na type mo sya. kahit may asawa kana at may asawa na rin sya, at nilalandi mo (hindi kami manhid. hehehe) hay... simpleng malandi lang talaga si EX BOSSING. lahat ng magaganda sa office. nilalandi nya. yung kunyari hindi, pero heller! halata kaya! may pahawak kamay pa. kunyari nag aassist lang. (baka daw kasi matisod. naks! hahaha). At hindi nya alam na chinichismis namin sya! Isa sa mga nilalandi nya closeness namin... Lagi nya minimessage sa skype, inaaya nya gumala, lumabas, dinner, outing. with her and his friends? ay bagito ito! hahaha.. Like hello? feeling single ka? hahahaha. e alam namn nya na sobrang selosa ang asawa nya.. panu pag nakita sila? gusto nya mapatay ang friendship namin sa tiger wife nya?? meron pa din syang mga pasimpleng chansing. na kami naman na alert e napapansin namin kaagad. (wla magawa kasi sa office kaya nagbabantay. hehehe). enough of his kalandian.. so.. Sya din yung tipo na pag wla ka sa meeting with regards sa project na involve ka, ilalaglag ka nya. ikaw ang masisisi. like what happened sa isang kasama ko. at buti nalang nagtatrack sya (yung co Ba ko) ng email, kaya may ebidensya sya. So wlang lusot si Bossing. Talo sya sa kaso! Bleeeh!!! and nagrejoice kami! hehehe. Isa pa, Hindi nya kayang pahalagahan ang tauhan nya na hindi nya peborit!!!!!  kung d ka nya peborit hindi ka nya susuportahan kahit ikaw ang isa sa mga assets nya. No choice. Hindi ka nga peborit kaya wag muna pagsisikan. Grabe.. Sobrang bitter ko na talaga... Ayoko lang sa mga paasang words nya. kesyo kakausapin daw ang taong  pinangagalaiti namin sa team. na nagkakasigawan na nga kami sa office. too bad wla sya. hindi nya alam. pero ang ending. Wala. ang mga concerns mo ay lumabas lang sa other ear nya. and forgotten. Dahil sa kanya na demote ang dapat na IT manager. I dont know kung demote nga yun. pero naging BA Manager nalang sya. na ang alam ng karamihan sya ang Manager. So I dont know. Pero prefer ko pa sana yun maging Manager kesa sa kanya. Yun ngalang technical person sya, yun ang naging edge nya, at sobrang nagpakitang gilas sya sa mga Higher bossing, kaya nalipat sa kanya ang korona. Pero hindi talaga sya karapatdapat maglead. kasi wla syang Leadership skills. wla dn sya soft skills, at hindi rin sya marunong magmanage ng tauhan nya. Isang reason dn na naging rebelde ang mga BA at QA. wew.. at ako na ang isang matapang na sumagot sa kanya sa aming meeting ng nagtanong sya na "Hindi pa ba ako strict?" sabi ko naman with all honesty and conviction: "HINDI!" and huli ko na narealize ang aking malaking pagkakamali. hehehe. pero I was just being honest. kasi totoo naman.

enough of this bitterness. hahahaha

AJAH!!!!

Ambush!

Naranasan nyo na bang ma ambush? 

Hindi yung ambush na Gyera..

What I mean here is ma ambush ang pagkain ninyo?

This usually happens pag kayo ay may bitbit na food at kayo ay naglalakad kung saan mang gilid-gilid na may mga pulube na nagtotour around.

Maraming beses na akong na ambush. Merong may nagpapa-alam para hingin kung anu man ang aking kinakain. meron din na bigla nalang hahablotin sayo sabay takbo! and woot! malayo na sya.. At ikaw ay naiwan sa state of SHOCK...

Here are some of the incidents that I can remember:

1. Last Monday lang, dumaan ako sa suking Julies at bumili ng bread (ito lang kasi ang afford ko. hehehe). Hindi naman kamahalan ang bread. E kasi gutomski na ako. Hindi kasi ako nag breakfast galing sa bahay. May biglang kumalabit sa akin. Isang ale na may bitbit na bata. Ay hindi. Kalong pala nya yung bata.Humihingi.. Sabi ko wla po.. tapos inabot na sakin ng tendera ng Julies ang binili kung tinapay na worth P10.  Kinalabit ulit ako. sabi ko ulit wla po. At kinalabit ulit ako.. Binigay ko na yung binili kung tinapay at nag sabi ulit sa tindera na bibili ulit ako ng isa pang P10.

2. Nasa Iloilo pa ako noon. kumakain ako ng Sundae code from my favorite fast food chain "McDonalds". biglang may kumalabit sakin hinihingi ang Sundae ko. e ayaw ko.. Tsaka naka ilang dila na ako sa Sundae. Kalabit ulit sabay turo sa Sundae ko na dinidilaan.. Nahabag naman ako.. Binigay ko... Pag lingon sakin ng mga kasama ko nagulat sila ang bilis ko daw kumain ng Sundae.. hehehe..

3. Pauwi na ako.. From office. so umakyat ako ng Ayala MRT. At dahil nakaramdam ulit ng Gutom bumili ako ng tinapay sa suking Julies ulit. May kamahalan ang tinapay doon so dalawang piraso lang ang binili ko. Pag baba ko na. pasakay ng bus papuntang South, may kumalabit na naman sakin na bata. sabi ko wla po. pero tinuturo nya ang tinapay na bit-bit ko. At sabay sabi na gutom na daw siya.. Again no choice.. Binigay ko nalang ang tinapay ko.. ni hindi pa nga ako naka kagat doon... :( so yun.. sumakay na ako ng bus na alabang ang bid goodbye sa tinapay ko na kinakain na ng bata.

4.Ang classmate ko. May bitbit daw syang C2, habang naglalakad, biglang hinablot daw sa kanya ang C2 nya.. so.. Goodbye C2 dn sya.. Uhaw na uhaw pa daw sya noon..

Usually hindi ko kayang tiisin ang mga nagugutom na nangangalabit for food. Basta meron ako.. bibigay ko. Kery lang kahit gutom din ako. pero inaamin ko minsan.. Matigas dn ang puso ko. hehehe..

Kayo Naranasan nyo na ba to? Nagbigay dn ba kayo? =)




Tuesday, December 27, 2011

P*tangina ka!

Have you ever cared for someone so much pero pag nagkakabullshit-bullshit na ang buhay nya, pati ikaw mumurahin nya?

Well... I DID!!!