Tuesday, April 3, 2012

Holiweek!

YES! holiweek na! ang bakasyon na inaasam ng lahat. Walang pasok for all mandkind. Pwede na magbakasyon. What's nice nadugtong pa ang Araw ng Kagitingan na pumatak sa Lunes. It's a very LOOOONG WEEKEND! Para sa may mga work, yayaman sila. Double pay? Triple Pay? Buti pa sila. Pero Ok lang. Gusto ko na talaga umuwi.. Nasa Vacation mode na ang utak ko. In short hindi na gumagana ng maayos. Excited na magbakasyon. Lahat ata ng tao e wala na rin gana magwork. Nagmamadali na, at nagdadasal na sana Thursday na. Sana meron din 1month na holiweek, or holiday! Para mahaba ang pagbabakasyon. Syempre paid yun. kasi nga holiday. Hindi kasama ang Vacation Leave. Hahahaha.. Kelan kaya magkakaroon noon?

Basta sa ngayon.. HELLOOOOOO HOLIWEEK!!!

isang busy na bakasyon para sakin! YEhey!!!

Friday, March 9, 2012

She's Fired!

Not so early yesterday, may natanggap akong email galing sa dati kong ka officemate.

Title: Latifa is gone

May ichichika ako….

Tinanggal na si Latifa sa [COMPANY NAME]

Nung Monday daw kinausap siya taz sinabi last day na niya. Ang reason daw ay “redundant”.
Nung Tuesday di na siya pumasok.

Regards,

[SENDER]


YES! Na shock ako..

Pero OO napangiti ako...

OO  NAPA SMILE!

And Yes! natuwa din ang puso ko.

Kung nabasa mo ang Boss Kasi kung blog, malalaman mo bakit natuwa ako.At naging excited ako na ipamalita sa buong Mundo. Pero syempre napaisip din ako. Naawa dn ako sa kanya. And I thought ang Sama ko naman. Tinawanan ko sya. Kahit ang sama nang ginawa nya, alam ko masakit pa din naman na tanggalin ka sa Managerial position mo and ang mas masama pa doon ay on the spot last day mo na. I don't actually know the whole story, but I'm sure lahat ng tao na tinanggal nya rin before would be very happy to hear and to know about this. And Yes I was one of them. At marami pa kami. Nasabi ko nalang sa isang dating ka officemate ko din na

She's reaping what she sowed.

and It's really true. Kakarmahin ka talaga.And it happened to her. We are pretty sure mahihirapan sya makahanap ng work. Una palang hindi naman sya magaling na QA, next managerial wise hindi rin. At for sure malaki na rin ang rate nya. At aside sa maraming tinanggal nya, marami din ang nagresign na sya rin ang reason. To sum it all up wla talagang may mapapala sa kanya. Para nalang expense lang siya ng company. I'm not being bitter or being mean. Kahit sino kasi tatanungin ganun talaga ang reaction. Except sa mga naging sipsip at closeness nya which are only a few. If you wonder paano sya naging manager well, kami nag-iisip din paano. and well maganda ang kapit nya sa mga bossing sa US. but too bad wla na dun ang kinakapitan nya. and siguro nahalata na rin nila na marami na ang nagreresign na QA in just a few months time sunod sunod pa.

Despite all the mean thing she did, naging thankful din naman ako actually sa kanya. First thing is nung tinanggal nya ako tumaas naman ang rate ko. Hehehe, and was able to actually do a BA task. So All things happen for a Reason.

So anyway... yun lang. gusto ko lang ibalita sa Mundo.

next time when your being to evil and too bitchy.. try to think twice.. as the saying goes
Do not do unto others what you don't want others to do unto you.

have a happy Friday!

Wednesday, February 29, 2012

OMG!!! I'm OLD!!!!

it was just this morning that I was thinking about my age. or kahapon ba yun? I forgot... I actually forgot my age. So what I did was get my cellphone, and navigate my way to the Calculator application. typing:
1987 - 2011
ANSWER: 24
and it dawned on me!!! Oh My GULAY!!!! I'll be 25 this year!!! and I can't believe it! I don't want to believe it!!
I am SOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO OOOOOOOOLLLLLDDDDD!!!!

and until this afternoon, I still can't accept the fact that I am so getting old!!! I'm still in the state of denial.
akala ko i'll be 24 this year.. but no!!!! I'll be turning 25!! (plus 1 really matters!)

Then naisip ko, siguro tama nga ang sabi nila, that when women reach a certain age, around 25, 26, 27, nakakaramdam na sila ng takot or kaba. The usual reason is that tumatanda na at wla pang jowa, if not my jowa nga pero d pa engage or parang malabo pa sa direction na yun, or hindi pa rin sila settled.

In my case, I wasn't afraid of any of those. I just felt that parang nawawala na ang kabataan ko. (MERON?). I don't know. I feel like I need to stop acting childish and be mature, in which I believe is something I can't easily let go. I felt like so many years have passed and wala paring nangyayaring tama sa buhay ko (Well, I think. meron ba?). I feel like tumatanda na nga ako pero parang wla akong growth intellectually (bobo much?). Parang ang dami pang kulang. parang feeling ko sa 24, turning 25 years na ito ang dami kung na miss na mga bagay-bagay. Dami ko parin hindi natutunan.. At it saddens me (arte?). And now... I'm troubled.

HNDI KO PARIN MATANGGAP NA MAGIGING 25 NA AKO THIS YEAR!!!!

Monday, January 16, 2012

Boss Kasi 2

Oh ito na.. isa pang Suck Ass boss ko.. DATI....

So how it all started??


Sa una I though it was going to be cool. Kukunin ako ng kabilang team. Supposedly terminated na ako, pero may offer na din ako sa isang company, an offer hard to decline. Kasi binigay lahat ng gusto ko. Ang Night shft ginagwang Morning.. ang Techno Hub location ginawa ng Makati, Ang gross tataasan pa sana... But then I decline. kasi Kukunin ako ng kabilang department. Thinking it's going to be cool there. Thinking na may kaayusan doon. Thinking na mabait at magaling mag manage ang Boss.. thinking i will grow better in my career.. Thinking I will learn alot..

Pero isang malaking PAGKAKAMALI PALA!!!

On the first few days OK pa... basa-basa ng documents. I try to absorb what I can absorb.. (pero parang wla akong may na absorb. hahaha. sa dami ba namn ng documents). Documents.. pero wlang manual. wlang use cases.. OK.. fine. Documents.. May energy pa ako noon pumasok. Feeling like.. Everyday is a new Day! Pero habang tumatagal.. Hindi na ako happy.

Sa una akala ko strict pa si bossing. Pero hindi pala. Sa amin lang pala yun na hindi nya like..(Choosy??  YES! choosy sya. Virgo kasi. No offense sa ibang virgo ha.) Pero sa mga Peborit.. Hindi ganon. Kami.. with my Co BA, we try to finish things as discussed. Kung kelan ang deadline, tapos na namin talaga. No reasons. No Excuses. Kung kailangan mag concentrate e, edi concentrate. Kung kailangan mag extend. nag-eextend. Actually araw-araw naman nag eextend e. Pumapasok ng 9, umuuwi ng 8? 9? 10? 11? 12? ginagabi na kami. Pag may lakad ako nacacancel pa kasi biglang magpapameeting ng 6pm? 7pm? Parang ang unfair naman ata yun sa maagang dumadating para maagang makakuwi. Syempre ang hirap nun pagdating mo ng office wla pa yung iba. Ok lang pag wlang dependency yung gnagawa mo. Paano pag meron? Mag-aantay kapa? Hassle ata yun. Mas lalo na sa mga QA namin na Alas syete o alas otcho ay nasa office na. at Uuwi ng 10pm? Pero ang dev, pwede on the spot umuwi. Pwedeng work from home. Minsan nga anytime uuwi. Magdidinner lang daw. kasi malapit lang ang condo. babalik after 3 hours para mag out? Anu nagawa nya sa buong araw? Syempre wala. Pero may magagawa ba kami dun? Wala dn. kasi kahit ilang beses mo na e-open up sa Bossing ang mga concerns, pag dev ang concerns wla syang kayang gawin! Hindi nya kayang sabihan. Pag nasabihan nga nya, mag oo lang yun. Pero wla naman effect. Ang pangit nun ang balik nasa BA at QA. At pag hnd naman minsan nagawa ng dev si Boss ang gagawa. Boss? Boss kaba talaga? hindi mo alam panu bigyan ng accountability ang tauhan mo? Kunting excuse lang na parang hindi naman valid acceptable na agad? So not fair.. (bitter ko kasi hindi ako favorite? hahaha duh! sila nah!).Isa pa, gusto nya na mag suot kami ng formal outfit sa office. e heller! Company policy na nga ang dress down e.. And Formal business attire ha. E wla naman client na pumpunta sa office. and ang example nya  isa naming officemate na hindi naman actually formal/business casual ang suot, kundi pang party, pang night out. Are leggings considered formal? since when? mukha lang sya sosyal, kasi sosyal nga talaga sya, pero hindi yun formal (nogpoprotesta kasi jeans and shirt lang ang ang damit sa cabinet. hahaha. purita much! trasher ako e! hehehe) and mini skirts are not formal! kasama na ang sleeveles? Tularan daw namin yun. kasi yun ang pormal! like heller!!! alam namin na type mo sya. kahit may asawa kana at may asawa na rin sya, at nilalandi mo (hindi kami manhid. hehehe) hay... simpleng malandi lang talaga si EX BOSSING. lahat ng magaganda sa office. nilalandi nya. yung kunyari hindi, pero heller! halata kaya! may pahawak kamay pa. kunyari nag aassist lang. (baka daw kasi matisod. naks! hahaha). At hindi nya alam na chinichismis namin sya! Isa sa mga nilalandi nya closeness namin... Lagi nya minimessage sa skype, inaaya nya gumala, lumabas, dinner, outing. with her and his friends? ay bagito ito! hahaha.. Like hello? feeling single ka? hahahaha. e alam namn nya na sobrang selosa ang asawa nya.. panu pag nakita sila? gusto nya mapatay ang friendship namin sa tiger wife nya?? meron pa din syang mga pasimpleng chansing. na kami naman na alert e napapansin namin kaagad. (wla magawa kasi sa office kaya nagbabantay. hehehe). enough of his kalandian.. so.. Sya din yung tipo na pag wla ka sa meeting with regards sa project na involve ka, ilalaglag ka nya. ikaw ang masisisi. like what happened sa isang kasama ko. at buti nalang nagtatrack sya (yung co Ba ko) ng email, kaya may ebidensya sya. So wlang lusot si Bossing. Talo sya sa kaso! Bleeeh!!! and nagrejoice kami! hehehe. Isa pa, Hindi nya kayang pahalagahan ang tauhan nya na hindi nya peborit!!!!!  kung d ka nya peborit hindi ka nya susuportahan kahit ikaw ang isa sa mga assets nya. No choice. Hindi ka nga peborit kaya wag muna pagsisikan. Grabe.. Sobrang bitter ko na talaga... Ayoko lang sa mga paasang words nya. kesyo kakausapin daw ang taong  pinangagalaiti namin sa team. na nagkakasigawan na nga kami sa office. too bad wla sya. hindi nya alam. pero ang ending. Wala. ang mga concerns mo ay lumabas lang sa other ear nya. and forgotten. Dahil sa kanya na demote ang dapat na IT manager. I dont know kung demote nga yun. pero naging BA Manager nalang sya. na ang alam ng karamihan sya ang Manager. So I dont know. Pero prefer ko pa sana yun maging Manager kesa sa kanya. Yun ngalang technical person sya, yun ang naging edge nya, at sobrang nagpakitang gilas sya sa mga Higher bossing, kaya nalipat sa kanya ang korona. Pero hindi talaga sya karapatdapat maglead. kasi wla syang Leadership skills. wla dn sya soft skills, at hindi rin sya marunong magmanage ng tauhan nya. Isang reason dn na naging rebelde ang mga BA at QA. wew.. at ako na ang isang matapang na sumagot sa kanya sa aming meeting ng nagtanong sya na "Hindi pa ba ako strict?" sabi ko naman with all honesty and conviction: "HINDI!" and huli ko na narealize ang aking malaking pagkakamali. hehehe. pero I was just being honest. kasi totoo naman.

enough of this bitterness. hahahaha

AJAH!!!!

Ambush!

Naranasan nyo na bang ma ambush? 

Hindi yung ambush na Gyera..

What I mean here is ma ambush ang pagkain ninyo?

This usually happens pag kayo ay may bitbit na food at kayo ay naglalakad kung saan mang gilid-gilid na may mga pulube na nagtotour around.

Maraming beses na akong na ambush. Merong may nagpapa-alam para hingin kung anu man ang aking kinakain. meron din na bigla nalang hahablotin sayo sabay takbo! and woot! malayo na sya.. At ikaw ay naiwan sa state of SHOCK...

Here are some of the incidents that I can remember:

1. Last Monday lang, dumaan ako sa suking Julies at bumili ng bread (ito lang kasi ang afford ko. hehehe). Hindi naman kamahalan ang bread. E kasi gutomski na ako. Hindi kasi ako nag breakfast galing sa bahay. May biglang kumalabit sa akin. Isang ale na may bitbit na bata. Ay hindi. Kalong pala nya yung bata.Humihingi.. Sabi ko wla po.. tapos inabot na sakin ng tendera ng Julies ang binili kung tinapay na worth P10.  Kinalabit ulit ako. sabi ko ulit wla po. At kinalabit ulit ako.. Binigay ko na yung binili kung tinapay at nag sabi ulit sa tindera na bibili ulit ako ng isa pang P10.

2. Nasa Iloilo pa ako noon. kumakain ako ng Sundae code from my favorite fast food chain "McDonalds". biglang may kumalabit sakin hinihingi ang Sundae ko. e ayaw ko.. Tsaka naka ilang dila na ako sa Sundae. Kalabit ulit sabay turo sa Sundae ko na dinidilaan.. Nahabag naman ako.. Binigay ko... Pag lingon sakin ng mga kasama ko nagulat sila ang bilis ko daw kumain ng Sundae.. hehehe..

3. Pauwi na ako.. From office. so umakyat ako ng Ayala MRT. At dahil nakaramdam ulit ng Gutom bumili ako ng tinapay sa suking Julies ulit. May kamahalan ang tinapay doon so dalawang piraso lang ang binili ko. Pag baba ko na. pasakay ng bus papuntang South, may kumalabit na naman sakin na bata. sabi ko wla po. pero tinuturo nya ang tinapay na bit-bit ko. At sabay sabi na gutom na daw siya.. Again no choice.. Binigay ko nalang ang tinapay ko.. ni hindi pa nga ako naka kagat doon... :( so yun.. sumakay na ako ng bus na alabang ang bid goodbye sa tinapay ko na kinakain na ng bata.

4.Ang classmate ko. May bitbit daw syang C2, habang naglalakad, biglang hinablot daw sa kanya ang C2 nya.. so.. Goodbye C2 dn sya.. Uhaw na uhaw pa daw sya noon..

Usually hindi ko kayang tiisin ang mga nagugutom na nangangalabit for food. Basta meron ako.. bibigay ko. Kery lang kahit gutom din ako. pero inaamin ko minsan.. Matigas dn ang puso ko. hehehe..

Kayo Naranasan nyo na ba to? Nagbigay dn ba kayo? =)




Tuesday, December 27, 2011

P*tangina ka!

Have you ever cared for someone so much pero pag nagkakabullshit-bullshit na ang buhay nya, pati ikaw mumurahin nya?

Well... I DID!!!

Friday, December 23, 2011

Let's Not Bring the Past Back..

memories...

memories of the past..

sweet memories of the past..

memories na masarap sana balik balikan...

pero hnd talaga pwede...

the time you were once contented with what you have.

simple yet fulfilling..

until...

ikaw dn mismo sumira noon..

at ang ending ng sweet memories na naaalala mo...

sweet memories na neri-reminisce mo

is sakit...

ouch!

Kasi nga naman,.. ang TANGA TANGA MO! >:)

Thursday, December 22, 2011

Sakit sa Bangs!

Nakakainis na.

Sobrang Nakakairita na.

Sakit na talaga sa bangs!

Hnd nama siguro masama magkaroon ng tamang hinala na tama naman talaga dba?


at sasabihan ka na lahat nalang pinapakialaman mo...

lahat na gagawin ay kung anu lang ang gusto mo.

na parang nagdidikta kana sa lahat ng galaw nya..

when in fact ang ginagawa mo  is para naman sa ikabubuti nya, Masama pa ba yun?

at kung sasabihan mo tigilan kana para hindi mo sya pakialaman hindi nya kayang gawin.

kukulitin at kukulitin ka parin.

Nakakbwisit isipin na parang naging mayabang na masyado dahil mahal mo sya.

pwes dati yun.. ng bangag kapa.


nakakairita na ang pagiging masyado nyang feeling.

na kung sa isip mo lang, e wla naman talagang kwentang pahalagahan.

nakakabullshit kasi kahit sa anung galit mo, at dahil nangangailangan sya ng tulong hindi mo kayang talikuran..

for a reason na naaawa ka or sadyang mabait kalang talaga.

na sana kung ayaw nyang pinapakialaman sya pwes tantanan kana rin sana nya..

pagsinabi mo na tama na.. sana tama na. na sana.. alam nya na tama na,

kung aasarin ka nya at iiyak iyak ka..

pagtatawanan kapa...


pwes.. sa oras ma ito na inaasar ka nya hnd nya alam na  sa tagal na ng panahon at sa sobrang paulit ulit na pangyayari hindi na nya alam na nagiging manhid kana pala.

na naiisip mo na sayang lang pala pag-aksayahan ang luha sa mga taong wlang kwenta.

ang bwisit pa ay kung hindi kana nagbibigay pansin or ffort saka mangungulit lalo.

na akala siguro nya na ang sinasabi mong titigil kana hanggang salita lang.

actually gusto mo na talaga, hindi mo lang magawa kasi parang tinatalian ka nya at hinihila ka pabalik...


Kasalanan naman talaga siguro na maging to the rescue lagi.

Na sa tuwing may kailangan o may problema ikaw ang sasalo...

Na sa oras na gipit ikaw ang tatakbohan.

actually yung reason na anjan kapa ay hindi siguro dahil mahal mo sya,

kundi dahil naaawa ka, na bukod sayo, wla ng ibang tutulong sa kanya.

Tuesday, December 20, 2011

CHRISTMAS GIFT REQUIREMENTS


To all my INAANAK:


Please secure the following on or before Christmas:

1.Original copy of your Baptismal Certificate.
2.Birth Certificate (NSO Authenticated)
3.Picture of your Baptismal with me, of course.
4.Exact time and date of your Baptismal.
5.Should know my complete name and address.
6.NBI Clearance of your Mother and Father.

To all my FRIENDS:

Please secure the following on or before Christmas:

1.Picture of you with me as proof.
2.Exact time and date and location we first met.
3.Should know my complete name and address.
4.Should know my birth date.
4.NBI Clearance
5.SSS ID
6.TIN ID
7. Birth Certificate (NSO Authenticated)


To all my RELATIVES:

Please secure the following on or before Christmas:

1.Birth Certificate (NSO Authenticated)
2.Picture of you with me as proof.
3.Should know my complete name and address.
4.Should know my birth date.

5.Should know my mother's maiden name.
6.Should have a family tree showing how we are related.
7. NBI Clearance of both parents.
8. NBI Clearance
6. SSS ID
7:TIN ID

NOTE:
Incomplete requirements, NO GIFT! :)


Thursday, December 15, 2011

Ferrero and Marshmallow Flower Bouquet



For this December, I'm really on a very super duper tight budget. You have to think of people you need to give gifts to. You got cousins, aunts, uncles, parents, siblings, godchildren, grandparents other relatives, office mates and friends etc.. My head really aches thinking of them all. Having that long list and  that super duper tight budget. So instead of thinking too much.. I'm planning on giving ferrero flowers this holiday, instead of thinking about specific gifts to give out. Either just a single stem or maybe three or more. =). The only hassle would be making them, arranging and buying of materials.

Its unique and really cute. I think its also good for any gender, since its chocolate and of course! EDIBLE!
I believe it's the thought that counts anyway, and beggars can't be choosers. ^_^

Here are some of the bouquets I made before: