Thursday, May 23, 2013

PESTE! TAE NGA!



Nagbalak kaming mag friendship na magkakaroon kami ng ultimate gala. Ilang araw na pinagplanuhan namin sa skype. Kung anu-anung lugar na ang gusto namin pupuntahan. May Tagaytay, may Villa Escudero, Pampangga at marami pang iba. Basta isang araw lang. balik agad ng gabi. Ang bagsak namin ay Tanay, Rizal. Dapat May 13 kami gagala. Kaso baka delikado daw kasi election. So May 11 na kami umalis. All set na ang planu. Magrerent ng Van, bibili ng food at mag picnic dun. Tagal ng byahe. Nearly 3hours. Pero sulit naman ang araw. Kasi andami namin napuntahan dun. May cave, may falls, may parola, at yung church nila.

Ang pinaka exciting sa lahat ay yung sa falls. Syempre lunch time na kami nakarating dun. Nag cave exploration muna kami sa Calinawan Cave, Ang ganda ng cave. May buhay pa na stalactites dun. Amazing! Tapos dun pala nag shoshooting ang ibang mga teleserye at pilikulang filipino. Ang mga tao dun parang mga land grabber. Basta ma lagyan lang ng bakud sayo na ang mga lupain na yun. Kaya anlalaki ng mga lupa ng mga taga doon. Masipag sila magbakod. Yung cave at yung mga falls puro private property. May mga farm dn dun na anlalawak.

Pag dating naming sa area ng falls, dumaan muna kami ng Daranak. Andaming tao. Pero kahit dadaan kalang kailangan  magbayad  na ng entrance na 20. Then lakad na kami papuntang Batlag. Nakakapagod pala. At anlayo nga! At parang wala pang mga facilities. Pero 100 ang entrance. Ang mahal. Pero ok lang unti lang tao dun. Tsaka nasa taas sya kaya hindi pa madumi ang tubig kesa dun sa Daranak. Kasi syempre sa taas muna mangagagaling bago bumaba ng Daranak.

Pag dating dun syempre lunch mode na. Niready na namin ang mga gamit namin. Ako at isang kasama ko ay nagbihis na para ready na maligo agad. Antaas pa kasi ng pagbibihisan, Pero infairview maganda ang place. Relaxing. Yun lang maunti ng slight ang water kasi summer. Then pagbalik namin, tulong na kami  sa pag hahanda ng lunch. Cge kain lang ng kain. at ng patapos na kami, biglang nagsisigawan ang mga batang nakakumpol sa animoy mala Jacuzzi na area.  Mga around 2.5m x 2.5m ang lapad ng area na dinadaluyan ng tubig galing sa isa pang mas mataas na paliguan. Kani-kanina lang lang tuwang tuwa sila dun naglalaro. Naghaharutan. 

Biglang sigaw ang isa “HALA TAE!!”
Tsaka yung isa pa “HALA MAY TAE!”
Ay yung isa "YUCK! TAE!!”
Sagot naman ng isa “KADIRI! TAE!”
Isa pa “TAE TAE TAE!”
Yung isa pa ulit "TAE NGA! KADIRI!”
At yung isa “SINO TUMAE?”
At isa pang bata “SAN GALING YANG TAE??”

Nung nakita namin sila kanina masaya pa sila dun sa Jacuzzi area nila. Pero ng lumabas ang tae bigla sila nagtakbuhan. Kami naman, malapit lang dun nakiki-usyoso rin. 

Sabi pa ng isang kasama ko, "Ang arte naman ng mga batang to. Hindi yan tae."

Ako naman sabi ko. “Panu magkakatae jan?”

At isa ko pang kasama “ Tamarind lang yan na nabiyak. Hindi yan Tae”.

Sabi ko. "Lapitan nyo nga" sabay tawa.

Then maya maya naglakas loob na yung isang kasama ko lumapit sa bagay na nakalutang. 

“SHIT, TAE NGA! YUCK!”

Hahaha. CONFIRMED! 
Pero sino kaya ang tumae? Imposible manggaling yun sa taas. For sure isa sa mga bata dun ang tumae. Pero WHO? hahahaha

Ispin mo nalang na yung pink na magulo yun yung mga bata (doon sila nag-umpukan ng lumitaw na ang tae) at yung brown na yun ay yung tae. HAHAHAHA

13 comments:

  1. Replies
    1. ew talaga! hahaha. buti nalang dun kami sa kabila. oh well.. what you don't know won't hurt you. dba? swim swim lang!

      Delete
  2. hahaha. na amazed naman ako. nakaktakot ba talaga yung tae? di naman nangangagat yun ah. at ano ngayun kung tae hahaha.

    ReplyDelete
  3. hahaha. ewan ko ba sa mga batang yun.. hahaha

    ReplyDelete
  4. Yuuuck... paano kung hindi nila napansin tapos nakanganga sila tapos...nakain nila LOLjk

    ReplyDelete
    Replies
    1. for sure contaminated na yung water dun.. speaking... naghugas pala dun ng kamay yung driver ng van. ewwwwwwwwwww!

      Delete
  5. my koment has nothing to do w/ this post... i was tryin' to back read to ur entries and nabasa koh 'ung cinderella story moh... wehe... natawa akoh... lavet!... gusto koh lang sabihin yun sau... nakakaaliw mga komentz moh don... sige... yun lang po... peace out and Godbless!

    ReplyDelete
  6. "Just Your Imagination" entry moh... haha... lavet.... buti di moh nasapak yung guy... lol... eniweiz sige.. next time na lang akoh makikiback read ditoh... ehh medyo hiatus ditoh sa blogging i just thought i'd drop by and for some reason eh sau akoh napatambay... sige po... later... cuz i'm suppose to be studyin' and here i am naliligaw at ano ano ginagawa... later.. Godbless!

    ReplyDelete
  7. "Double Meaning" ---> i love how you tell your stories... napatawa akoh... kakarelate lang kc madumi ren yutakz koh eh... lol... ok out na tlgah kc wala na akong magagawa pag tumammbay pa akoh ditoh.... peace out! btw i love ur blog! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for dropping by! alam ko walang kwenta ang blog ko. pero maraming salamat. ahihihi

      Delete
  8. grabe tawa ko rito hahahahha! ganyan din naging reaction ko one time nung nagswimming kami sa kiddie pool tapos tadahhh! takbo talaga ako hahahahhahaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. d ko talaga alam panu lumilitaw yang mga yan. saan dumadaan? lol

      Delete